Poem - #28

361 2 2
                                    

Title: Kilig Ka Nga, Kayo Ba?

Buhay nga naman habang pinapatay ang oras
Nakatitig sa mukha at pawisang si crush
Kung bakit ba kasi nagkagusto sa kanya
Di ka naman pinapansin, ikaw pa nga nagyayaya
Alam niya bang mahal mo siya?
Hindi! Di ba?

Makaangkin parang yamang ayaw manakaw
Mag wish ka man di ka pakikinggan ng bulalakaw
Nagpapapansin ka na nga itsapuwera ka pa din
Move on na kasi bago pa kita patayin
Nasasaktan ka nga di ka lang ma "Hi"
Try ko kayang magpakamatay...

Niregaluhan ka lang ng tasa akala mo kayo na
Binigay niya yun sa'yo, magkape ka daw sabi niya
Binalot ka na daw kasi ng kapal sa mukha
Di mo ba na gets, sa kanya ika'y balewala?
Untog na ulo sa pader
Bago pa ako makasuhan ng murder!

Abot tenga ang ngiti nangitian ka lang?
Yan na ba ang pag-ibig, ngiti na ang pamantayan?
Maligo ka nga binalot ka na kasi ng init
Pati anghit mo nga yata amoy na namin, Malupit!
Hintayin mo pa bang siya na magsabi?
Aba'y asan ang bait mo sa sarili?

Ineng, grabe na yan di pa nga kayo
Daig mo pa ang asawa kong maka sustento
Bigay todo kahit wala kang napapala
Kumpleto na mga santo, wag ka ng dumagdag pa
Bayani? Naku! sa Bagumbayan nga may namatay
Di ka kilala Ineng, give chance to your life

Kilig na kilig ka habang kumakanta siya
Asan yung boses? Akala ko tunog ng lata
Bulag ka ba o bingi para di mapansin?
Sa sobrang kamartyran mo nakuuu, saan ka kaya pupulutin?
Sana sa kangkunan na lang kaya o sa komonoy
Hampasin nalang kaya kita ng dala kong kahoy!

Ewan ko sayo di ka na nagtanda
Ugaling teenager pero di ka na bata
Umayos ayos ka nga dahil naiirita na ako
Ako yung nagmamahal sayo bakit sa iba nakatingin ang mga mata mo?
Kilig ka ba ngayon dahil sa sinabi ko?
O sa kanya pa din kahit hindi magiging kayo?

March 12, 2015
3:19AM
@haydenagenda

PoemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon