Poem - #12

771 5 3
                                    

Title: Kahapon Lamang

Sa aking pag-iisa'y unti unti akong binabalot
Kalungkutan pilit sa aki'y yumayapos
Kulang ang luha upang lahat ay kalimutan
Kahit ang dusa, araw araw nadaragdagan

Pagkat sa 'king buhay ay aking nakasanayan
Ikaw ang ninanais araw-araw masilayan
Ngunit pilitin ma'y di ko mapaparaanan
Kaya't sakit ay tiisin hanggang makalimutan

Kahapon lamang nang mahawakan ang 'yong mga kamay
Sa araw araw ikaw ang nakaalalay
Ngunit ngayon, kamay mo ay di na ramdam
At sa tuwing naiisip, sakit ay di napaparam

Kahapon lamang, tanaw natin ang hinaharap
At sa paglubog ng araw, tayo ay napapasinghap
Panibagong buhay na hatid ng bagong bukas
Sa ngayon, sa diwa'y tatakbo na lang ng likas

Kahapong lamang ramdam natin ang kasiyahan
Kaligayahan hangad nati'y di matuldukan
Anh bawat oras na nasa piling ng isa't isa
Ngayo'y bahagi na lang ng masakit na alaala

Kahapon lamang nang nangako ang ating puso
Sa kalauna'y magiging ikaw lang at ako
Ang magsasama maging hanggang sa kabuhay
Ngunit ngayon, pait sa aki'y ang nananalaytay

Kahapon lamang batid ay walang kamatayang pangako
Sa bawat pagsubok nagsumpaang hindi mabibigo
Magkahawak kamay habang samo ang pakikipaglaban
Sa ngayon ito'y walang bahid pero agam agam na lang

Ang puso ko ay higit na nagdadalumhati
Sa sinapit kong sakit, pait at mga pighati
Ang ating kahapo'y pilit ko mang kalimutan
Ngunit tila ito ay madadala hanggang kamatayan

By: @haydenagenda
Sep 23, 2014

Note:

This is my last piece about a heart-breaking experience. I know every one has experienced the same thing but it is still up to someone if he/she would easily learn to let and move on.

@haydenagenda


PoemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon