Poem - #55

193 1 0
                                    

Title: Hanggang Dito Na Lang

Ang makita ka ay kasiyahan ko
Makasama ka kahit na sandali
Ang pag-ibig kong lihim na di mo malalaman
Pagkat sa buhay ko ay ikaw lang
Ngunit ang lahat ba'y hanggang dito na lang

Sa bawat araw na lumilipas
Ang nararamdaman ko di kumukupas
Hinahangad pa rin na balang araw
Ikaw ay magiging aking ganap
Ngunit ang lahat ay ganito na lang

Hanggang dito na lang
Ang nararamdaman
Sa puso ko ay itatago di iparamdam
Pagkat ayokong ikaw magbago
Ang pag ibig ko'y
Hanggang dito na lang

Ang araw ay kulang pag ika'y di nasisilayan
Nasan ka na mahal? Ika'y hinihintay
Nais masilayan ang mukha mo araw-araw
Pagkat ligaya mong hatid sa buhay ko'y taglay
Pero, hanggang dito na lang.

PoemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon