Chapter 24

102 8 7
  • Dedicated kay KathNiel fans
                                    


DJ's POV

Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na hindi na siya galit sa akin. At higit sa lahat, pumayag siya na i-date ako. Sa sobrang saya ko, tinawagan ko ang tropa para mag-inuman. Maya-maya lang ay dumating na rin sila agad.

"Dude, anong balita sayo? Bat bigla kang nagyaya?" Tanong ni William sakin.

Pero sa halip na sumagot ay nagkibit balikat lang ako.

"Inlababo ang barkada natin!" Sabi ni Nathan sabay batok sa akin.

"Inlababo ka jan. Sabihin mo sawi yan!" Sabi ni Christian sabay tawa ng tawa. Nag-apiran naman silang tatlo.

"Gago ka ba? Pumayag si Kath na ligawan ko siya." Sabi ko sabay bato ng chips sa kanya.

"Talaga?!" Sabay sabay nilang sabing tatlo. Tumango lang ako.

"Goodluck dude. Eto lang sasabihin ko sayo. Kakabroken hearted lang ni Kath, tingin mo ba sasagutin ka agad?" Tanong ni Christian.

"Oo nga pare. Alam mo naman ang mga babae, matagal makamove-on. Lalo na, kung mahal na mahal niya." Singit naman ni Nathan.

Para akong sinaksak sa sinabi nila sa akin. Hindi, hindi na mauulit yung dati.

"Mga pare, wag niyo namang i-down si DJ. Malay natin gusto din siya ni Kath diba?" Pagtatanggol sa akin ni William bago tumingin sa akin. "Gusto ka nga ba?" Dagdag niya pa.

Nag-apiran ulit silang tatlo. Mga gago talaga! Dapat pala mag-isa nalang akong nagcelebrate kesa yung pinagtutulungan nila ako.

"Pero pare seryoso. Kung gusto mo talaga si Kath, wag mo na siyang sasaktan. Lalo na, ayaw na pala niyan mainlove ulit." Sabi ni Christian sa akin.

"Ang chismoso mo! Kanino mo naman yan nalaman?" Tanong ko sa kanya. Kalalaking tao nito, alam buhay pag-ibig ni Kath.

"Kinuwento lang sakin ni Paris." Depensa niya.

"At kelan pa kayo naging close?" Tanong ni Nathan.

"Ahm, pare, simula ng nagcampaign kayo eh sila lagi ni Paris ang magkasama." Singit ni William. "Mukhang dumadamove din 'tong kolokoy na 'to"

Napunta na kay Christian at Paris ang topic. Hanggang sa hindi na namin namalayan ang oras dahil sa pag-iinuman at pagkkwentuhan. Tiningnan ko yung relo ko. 1:30 na ng madaling-araw.

"Hoy, hindi pa ba kayo aalis? Aala-una na oh." Sabi ko sa kanila.

"Pare, ganyan ka na ba ma-inlove ngayon? Hindi ka naman ganyan da--" Naputol ang sasabihin ni William ng bigla siyang sikuhin ni Christian.

"Ah,pare ang sasabihin lang naman ni William eh, aalis na kami dahil may pasok pa nga pala bukas." Paliwanag ni Christian.

"Oo, yun nga." Sang-ayon ni William.

"Umalis na nga kayo. May pasok pa tayo bukas." Pagtataboy ko na sa kanila.

"Pare, nakakahurt ka na ng feelings ha. Di mo na ba kami love?" Madramang sabi ni Nathan habang hawak yung kaliwang dibdib niya.

"Ulol! Umalis na kayo. Bilis, matutulog na ako." Kunwaring naiinis kong sabi sa kanila.

"Oo na! Oo na! Aalis na kami. Bbye baby" Sabi ni William sabay hahahlik sana sa akin ng bigla ko siyang sikmurahan.

"Ang sakit pare! Tara na nga, mapanakit 'tong DJ na 'to" Sabi ulit ni William na nakahawak na ngayon sa sikmura niya. Buti nga sa kanya.

Nang makalabas na sila ng unit ko ay sinara ko na agad yung pinto para hindi na sila mangulit pa. Pumasok agad ako sa kwarto ko para maligo sandali. Nang matapos na ako ay humiga na ako sa kama para matulog.

Together Forever (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon