Chapter 21

107 5 0
                                    

DJ's POV

Matapos akong halikan ni Nicole ay naisipan kong gamitin siya. Nicole can be my buddy. Ang mga klase niyang babae ang hindi dapat sineseryoso. pare-pareho lang talaga sila.

Pagbalik ko sa hall, nakita ko na nandun na rin si Kath at katabi si Nicole. Tss. Nagtabi pa talaga sila ha. Imbis na tumabi ako kay Kath, tumabi ako sa tabi ni Nicole. Nakita ko na medyo nagulat si Kath. Siguro dahil hindi ako sa kanya tumabi.

Tama yan Kath. Magreact ka lang! Ginagalit mo ako eh.

Maya-maya tinawag na kami nila Mam Cojuanco dahil magsisimula na yung Meeting de Avance. Sa buong paglalatag ng platorma ng mga kandidato, wala man lang akong natandaan maliban sa "Pinapangako ko, na hindi kayo magsisisi kapag ako ang binoto niyo" Seriously? lahat naman yan ang sinasabi eh. Pero ano? Wala pa ring nagbabago..

Nasa kalagitnaan na ng programa ng mapansin ko na nakikipagtawanan si Kath sa isang lalaki na naka-akbay sa kanya at isang babae na tatawa tawa lang sa kanila. Psh! Imbis na nakikinig nakikipagkwentuhan pa.

Nilapitan ko sila. Napansin ko na nagulat si Kath pero hindi ko siya pinansin. Tiningnan ko yung lalaki. Tss, di hamak na man na mas gwapo ako dito.

"Hindi niyo ba alam na bawal ang maingay?" Walang emosyon kong sabi dun sa lalaki.

"Pare----" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil hinila ko na agad palayo si Kath sa kanila.

Nararamdaman ko na nagpupumiglas si kath sa hawak ko pero hindi ko siya pinansin at mas lalong hinigpitan ang hawak sa kanya. Nang medyo nakalayo na kami sa quad ay pagalit ko siyang binitawan.

"Ano bang problema mo ha?!" Galit niyang sigaw sa akin.

"Ikaw?! Ano bang problema mo ha?!" balik sigaw ko sa kanya.

"Anong ako?! Bakit ba bigla bigla ka nalang nanghihila jan?!"

"Hindi niyo ba alam na bawal magdaldalan?! May akbayan akbayan pa kayong nalalaman! Hindi 'to Luneta Kath!" Inis kong sabi sa kanya.

"Ano bang pakelam mo ha!! Ano naman sayo kung akbayan niya ako? Ano ba kita?!" Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata.

Oo nga. Ano ba niya ko? Hindi naman kami. Ni hindi ko nga rin alam kung magkaibigan ba kami o hindi eh. Tiningnan ko siya sandali. Magsasalita sana ako pero walang lumalabas sa bibig ko. Anong sasabihin ko? Dahil wala naman akong masabi ay tumalikod nalang ako.

"Yan! Jan ka magaling eh. manghihila ka tapos kapag napipikon ka umaalis ka! Bahala ka nga jan!" Nilingon ko siya pero napansin ko na palakad na rin siya palayo.

Pero bago pa man siya makalayo ng tuluyan nagsalita ako.

"Kapag nakikita kita, nagiging masaya ko. Kapag wala ka, ang panget ng araw ko. Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko pero sa tuwing may kasama kang iba, naiinis ako." Pagkasabi ko nun ay naglakad na ako palayo sa kinatatayuan niya.

Ano nga ba naman niya ako? Ano 'tong nararamdaman ko? Bakit sa tuwing nasa paligid ko siya, ibang saya ang nararamdaman ko?

----------------

Kath's POV

Nagulat ako ng tumabi si DJ kay Nicole at hindi sa akin. Hindi naman sa gustong gusto ko siyang tumabi sa akin pero simula ng campaign kasi ay sa akin na yun nakabuntot. Napikon ba siya dahil sa ginawa kong pag-irap sa kanya? Siya naman may kasalanan kung bakit ko ginawa yun eh. Iniinis niya ko ng iniinis tapos pag siya..... Hays, mga lalaki nga naman. Ang hirap intindihin.

Nagsimula na yung Meeting de Avance. Kanina pa ako hindi pinapansin si DJ at kanina ko pa rin siya tinitignan. Gusto ko siyang lapitan dahil mag-isa lang siya. Walang kausap. Wala ngang pumapasok sa isip ko simula ng magstart yung programa.

Nasa kalagitnaan na ng programa ng napagdesisyunan kong lapitan siya. Palapit na sana ako kay DJ ng lapitan ako ng lovers kong kaibigan noong high school. Si Drick at Alyssa.

"Kath! Grabe, schoolmate nga tayo pero ngayon lang tayo nagkita-kita!" Sabi sa akin ni Alyssa.

"Sa sobrang busy mo kasi kay Drick, nakalimutan mo na ako." Kunwaring nagtatampo kong sabi.

Lumapit sa akin si Drick at inakbayan ako. "Ikaw kasi Kath, maghanap ka na ng boyfriend ulit para naman makapagdouble date tayo nila Aly." Napasimangot ako sa sinabi ni Drick sa akin.

Alam kasi nila yung tungkol samin ni Kurt. Kaibigan kasi nila Drick at Zye si Kurt dahil nobya ni Drick si Aly na kapatid ni Kurt.

"Ewan ko sayo! Kunwari ka pa jan eh. Kasama ka rin nila Kurt sa pambababae." Sabi ko kay Drick sabay dila. Tawa naman ng tawa si Aly sa akin.

Nagulat ako ng mapansin ko si DJ na palapit sa pwesto namin. Nang nasa harap na namin siya bigla siyang nagsalita.

"Hindi niyo ba alam na bawal ang maingay?" Hindi ko alam kung ako lang nakapansin pero ang cold ng pagkakasabi niya kay Drick. Anong problema nito?

"Pare-----" Hindi na natapos ni Drick ang sasabihin niya ng bigla akong hilahin ni DJ palayo sa kanila.

Sinubukan kong magpumiglas pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Nang makarating kami sa hallway papuntang library ng bigla niya akong binitawan. Napahawak ako sa pulsuhan ko sa sobrang higpit ng hawak niya sa akin.

Galit ko siyang tinignan. "Ano bang problema mo ha?!" Sigaw ko sa kanya.

"Ikaw?! Ano bang problema mo ha?!" Sigaw din niya sa akin. Aba, siya pa may ganang magalit eh siya nga 'tong nanghila bigla!

"Anong ako?! Bakit ba bigla bigla ka nalang nanghihila jan?!" Sabi ko.

"Hindi niyo ba alam na bawal magdaldalan?! May akbayan akbayan pa kayong nalalaman! Hindi 'to Luneta Kath!" Nagpipigil niyang sabi sa akin.

"Ano bang pakelam mo ha!! Ano naman sayo kung akbayan niya ako? Ano ba kita?!" Bigla siyang natahimik sa sinabi ko. He look at me cold heartedly. Namutla ako ng makita ang emosyong iyon sa kanya.

Matagal na katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Akala ko magsasalita siya pero imbis na magsalita pa, tiningnan niya ulit ako bago tumalikod at naglakad.

"Yan! Jan ka magaling eh. manghihila ka tapos kapag napipikon ka umaalis ka! Bahala ka nga jan!" Sabi ko sa kanya pagkatalikod niya sa akin. Nakakainis! Nang hindi siya lumingon ay tumalikod na rin ako. Hindi pa man ako nakakalayo ng marinig ko ulit siyang magsalita.

"Kapag nakikita kita, nagiging masaya ko. Kapag wala ka, ang panget ng araw ko. Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko pero sa tuwing may kasama kang iba, naiinis ako." Bulong niya pero sapat na iyon para marinig ko.

Napako ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko yung sinabi niya. B-bakit niya sinabi yun?

Dugdug. Dugdug

--maeyonaissee<3

Together Forever (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon