Chapter 11

181 10 5
  • Dedicated kay Naniniwala na mayroong forever
                                    


Kath's POV

Habang nasa sasakyan kami, walang nagsasalita sa amin. Ang awkward naman nito.

"May boyfriend ka na ba?" Pagbasag ni Nicolo sa katahimikan.

Sa dinami-rami naman ng itatanong nito bakit yun pa? Isasagot ko bang wala kasi bigla nalang akong iniwan ng ex-boyfriend ko na hindi sinasabi kung anong dahilan?

"Wala na eh.. May mga bagay kasi na hindi talag siguro tumatagal" Sabi ko sa kanya.

"May mga bagay na tumatagal Kath, nasa tao lang iyon kung paano nila aalagaan at iingatan. Tatagal ang isang bagay kung marunong silang makuntento sa kung ano ang meron sila. Sabi nga nila, forever is a choice" Nakangiting sabi sa akin ni Nicolo.

May point siya. Bakit pa nga ba nila iiwan kung kuntento na sila sa atin.

Napa-isip ako sa sinabing iyon ni Nicolo. Kung iniwan ako bigla ni Kurt ng hindi sinasabi ang dahilan, siguro nga hindi pa ako sapat para sa kanya. I know everything happens for a reason but sometimes, I wish I knew what that reason was .....

"Penny for your thoughts?..." Pagputol ng kasama ko sa kung ano man ang iniisip ko.

"Nothing .... I just remembered something." Sagot ko sa kanya.

"You can share it to me." Sabi niya.

Nakita ko na malapit na kami sa school. Tinuro ko kung saan siya pwede magpark. Sa laki ba naman ng school na to, kasya ata kahit ilang sasakyan eh.

"Maybe next time. Andito na tayo eh. Hahahaha" sabi ko kay Nicolo.

"you owe me that story.. hahaha. Tara na.."

Paglabas namin ng sasakyan, nakita ko na halos lahat ng mata ng mga estudyante eh nasa amin. Sa gwapo ba naman ng kasama ko ewan ko nalang kung hindi pa sila mapatingin. Tiningnan ko siya.

Oo, gwapo si Nicolo. Naging player sya ng football sa Canada. Matalino, may kaya sa buhay, mabait, down to earth at hindi mayabang. He also had that body a girl wants. May Abs at yung biceps? Sheeeeems!! I'm really drooling right now.

"Kath? Uuuuy Kath?" Pagtawag sa akin ni Nicolo.

"You're saying something Nicolo?" Tanong ko sa kanya.

" Sabi ko tara na at baka malate ka pa! And, oo nga pala. Wipe your lips. You must be thinking of me." Nakangisi niyang sabi sa akin.

Shit! Paano niya nalaman na pinagnanasaan este iniisip ko siya? Well, hindi naman talaga sa iniisip. Sinasabi ko lang yung mga inside and outside features niya.

"And what makes you think na ikaw ang iniisip ko?" Panghahamon ko sa kanya.

"Ahm, maliban you're looking on my body, you nearly drool. Hahahahahah" Pang-aasar niya sa akin.

Napahawak ako bigla sa labi ko. Wala namang laway ah.

"Hahahahahahahahahah. I'm just kidding. Hahahahahahahaha" Sabi niya while still laughing.

Nagsimula na akong maglakad. Ganun ba talaga kapag gwapo? Ang yabang! Hindi naman ako naglaway ha. Muntik palang. Kasi naman, wala pa siyang uniform kaya naka-plain white t-shirt lang and a denim pants. Napansin ko lang naman yung maganda niyang katawan. Masama ba yun?

"KATH! Hey, wait up!" Sigaw niya pero hindi ko siya pinansin.

"Hey kath!"

Together Forever (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon