Chapter 5

210 9 1
                                    

Kath's POV

Nakakapagod naman ngayong araw. Tapos napahiya nanaman ako sa DJ na yun. Tuwing magkikta nalang ba kami ganun nalang magiging ekspresyon niya sa akin? Assumera? Feelingera? :(

Bigla nanamang may nagtext sakin na unknown number. Kanino ba nila nakukuha yung number ko?

From: +63906*******

"Kath, sa friday sasama ako sayo ha? Alam mo namang wala akong close dun.

- Dj gwapo forever"

Gwapo Forever? GGSS talaga tong lalaking to.

To: DJ Panget

"At bakit? Close ba tayo ha?"

From: DJ Panget

"Hmm, ewan ko. Hahaha. Tsaka para naman may kasama kang gwapo"

To: DJ Panget

"Ewan ko sayo. Bahala ka jan! Matutulog na ako!"

From: DJ Panget

"Haha. Okay! Goodnight sungit."

Srsly? Ano talaga tingin niya sakin? Una panget, ngayon naman sungit. Kupal talaga!

------------

Its Friday.

And Start of Campaign.

Maliban sa wala akong matututunang mga lecture, buong araw kong makakasama si DJ dahil sa campaign na to. Haaays!

Natigil ang pagmumuni-muni ko ng bigla akong kinalabit ni DJ.

"Ano na naman? Aasarin mo nanaman ba ako?" Sabi ko sa kanya.

" Eto naman, iaabot ko lang naman tong shirt mo eh. Sungit!"

Di nalang ako nagsalita at kinuha yung t-shirt sa kanya sabay punta sa CR ng girls.

Pagkatapos kong magpalit ng shirt, nag-ayos lang ako sandali tapos lumabas na ng CR. Paglabas ko ng CR naklita ko si Dj na nakasandal sa may labas ng pinto. Hindi ko siya pinansin at nagdire-diretso nalang ako sa paglalakad. Baka naman kasi hindi ako yung hinihintay niya.

"Hinintay kita sa labas tapos iiwanan mo lang ako?!" Biglang sabi ni Dj na nasa tabi ko na pala.

"Ano ba yan! Bat ka ba nanggugulat? Tsaka sino ba nagsabing hintayin mo ako ha? Lumayo ka nga sakin"

"Sino naman hihintayin ko dun?"

"Baka girlfriend mo"

"Girlfriend?"

"Oo, imposible namang wala kang girlfriend sa gwapo mong yan!"

Napatakip ako bigla sa bibig ko pagkasabi ko nun.

"Hahaha. Sabi ko na nga ba eh. Ikaw pala ang may type sa akin. Pero wala akong girlfriend. Mag-aapply ka ba?" Pang-aasar niya sakin with matching taas-baba ng kilay.

"Asa ka! Umalis ka na nga sa tabi ko. Ang panget mo."

"Hindi ako aalis sa tabi mo kasi hanggang mamaya magkasama tayo. Eh hindi ko naman sila close, pati yung iba nating classmate. Tsaka sinabi mo na kayang gwapo ako. Wala ng bawian yun."

"Bakit close ba tayo? Chupi! Alis."

Pero hindi parin siya umalis kaya nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at hindi siya pinapansin. Nang makarating kami sa room eh nagulat ako ng pagpasok namin eh bigla silang nagtilian.

"OMG!! Ang gwapo talaga niya!" Girl 1

'Oo nga sinabi mo pa." Girl 2

"Pero sino yung kasama niya?" Girl 1

"Oo nga, ang panget naman" Girl 3

Kami ba yung pinag-uusapan nila? Tsaka, ako? Panget? Hmm, baka sarili lang nila yung sinasabihan nilang panget. Hahahahaha.

Together Forever (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon