Chapter 15

87 7 3
                                    

Stop muna sa mga Lyra and Nathan moments. Dumako na tayo sa makulit na loveteam! Steph and Adrian. Moment nila to. XD

--

Adrian's POV

Cartolina? Check!

Pentel pen? Check!

Banner? Check!

Couple Tshirt? Check!

Flowers? Check!

Mga ingredients para sa pagkain? Check na check!

Sabay-sabay tayo guys! CHECK YOUR HAIR!!! XD Lol. Joke.

Baka ako ay inyong nakakalimutan na ah! Adrian Ramirez, gwapong nilalang na nabubuhay sa mundong ibabaw na nagmamahal sa nag-iisang Stephanie Avila!

Ang tagal na pala simula nung huli kong POV. Teka? Nagka-POV na ba ako? Hahaha. Bad. XD

Dumiretsyo na ako sa bahay ko at nagluto na. Tinext ko na rin sina Pareng Nathan at Pareng Francis na pumunta na sya dito. Alam ko namang hindi ako matitiis nung dalawang yun. Mahal kaya ako nun! XD

Ginayat ko na ang mga patatas at kung anu-ano pang ingredients na pinagbibili ko.

Baka hindi nyo nalalaman, sobrang galing ko magluto!!! Gwapo na! Magaling pa magluto! San ka pa? *winks at you*

Ang gwapo ko talaga! XD

Binuhay ko muna ang speaker ko at sinaksak ang cellphone ko para patugtugin ang Lucky.

Paborito ko yun eh! Angal ka?

"Pars? Pareng Adrian?" pakinig kong sigaw nina Nathan at Francis sa labas ng bahay ko.

Pinahiran ko muna ang aking kamay at pumunta sa pinto.

"Sabi ko na nga ba eh! Hindi nyo ako matitiis!!!" sabi ko sa kanilang dalawa.

"Ano ba ginagawa mo ngayon?" tanong ni Francis.

"Nagluluto kasi ako!" sabi ko.

"Eh alam mo namang hindi kami ganung kagaling magluto eh tapos paglulutuin mo kami?" tanong ni Nathan.

"Relax lang kayo mga Pars! Pagagawin ko lang kayo ng lettering! Patapusin nyo kasi muna ako! Hahaha!" sabi ko sa kanilang dalawa at napatawa naman sila.

"Lettering? Para san?" tanong nilang dalawa.

"Hahaha! Para sa akin at sa minamahal ko Stephanie Avila! Angal?" tanong ko.

"Cheesy na ang corny! Hahaha. Sige ba! Ano ba ilalagay namin?" tanong ni Francis.

"Happy 10th Monthsary yung dun sa una." sabi ko.

"Oh? Tapos? Andami kaya nang binili mong kartolina." sabi naman ni Nathan.

"Sorry na." sabi ko.

"San ka nagsosorry? Saken?" tanong ni Nathan.

"HINDI! Ang ibig kong sabihin ay Sorry Na ang ilalagay nyo dun sa isa pang kartolina! Gets nyo?" sabi ko.

"Chillax bro! Hahaha! Nagtatanong lang kami!" natatawang sabi ni Nathan.

"Teka teka teka! Kelan mo ba gagawin to? Ngayon din o bukas?" tanong ni Francis.

"Ngayong hapon! Basta pag madilim na! Hahaha!!!" sabi ni Adrian.

"Sige na! Mag-uumpisa na kami para maagang matapos." sabi ni Nathan kaya tumango naman ako at dumiretsyo na sa kusina upang tapusin ang mga pagkain na ihahanda ko.

"Hoy Nathan! Yung cutter?! Nasan na?!" pakinig kong sigaw ni Francis.

"Kapit mo kaya kanina! Ikaw ang huling gumamit!!!" pakinig ko namang sabi ni Nathan kaya napa-sulyap naman ako dun sa dalawa at nakita ko namang nagwre-wrestling na sila. XD

Milion Memories of Yesterday (AMDA Book 2) (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon