Chapter 3

132 8 4
                                    

Brigette's POV

2 days passed.

"Ano? Gora na tayo Brigette?" tanong ni Kyla.

"Aba, malamang. Sasama ba ako kung hindi?"

Papansin din kasi itong si Kyla eh. XD

Hindi ko ba nasasabi sa inyo na ngayon yung punta naming Pilipinas! Oh yeah!!! This rocks dude!!!

Hindi ko nga alam kung papaano ko napapayag sina Mama at Papa eh. XD

-Flashback-

Kakauwi ko lang ngayon galing sa trabaho at balak kong magpaalam kina Mama tungkol dun sa pagpunta namin sa Pilipinas.

"Anak? How's work?" sabi ni Mama habang inaabot sa aking gamit.

"Okay naman Ma. Medyo tiring sya pero keri ko pa naman." sabi ko.

"Anak ah, wag masyadong sine-stress ang sarili. Alam mo namang masama sayo ang ma-stress." sabi ni Mama.

"Kaya ko naman Ma. Okay lang. Saka ma, 1 year passed na simula nung inoperahan ako kaya hindi na ako ganung dapat ipagpaalala. Ma? Bakit nga po ba ulit ako inoperahan?" ito talaga ang malaking tanong sa akin eh. Kung bakit ako pina-operahan sa ulo? Di ko gets.

"Anak, diba nga? Sabi namin sa iyo, na-akisidente ka at namuo ang dugo dyan sa ulo kaya pinatanggal pero dahil masyadong complicated ang operation, nadamay yung ibang nerves sa utak mo kaya nakalimot ka. Gets anak?" tanong ni Mama.

Tumango na lang ako. Kahit ilang beses nilang sabihin ang tungkol dun, wala talaga akong maalala kahit isang blurred image manlang.

Kaya pag minsan, napapatanong ako sa sarili ko kung totoo ba talaga yung sinasabi nina Mama.

Diba? Dapat kahit isang blurred image manlang dapat may nakikita ako? Sabi kasi dun sa isang libro kong nabsa, ganun daw yun. XD

Aakyat na sana ako sa kwarto nang naalala ko yung tungkol sa pag-alis ko.

"Ah ma?" tawag ko ulit kay Mama.

"Hmmmm?" tugon ni Mama sa akin.

"Papayagan nyo nanaman ako siguro dito ma." sabi ko. Napa-frown naman sa akin si Mama.

"Bakit naman? San ka pupunta?" tanong nya.

"Magpapaliwanag muna ako Ma. Naalala mo nung nabalita sa TV na magtatayo ng bagong branch ang aming kumpanya sa iba't-ibang bansa?" tanong ko kay Mama.

Tumango naman sya kaya pinag-patuloy ko ang pagsasalita ko.

"Ang mga tatayuan ng kumpanya namin ay Korea, China at----"

"Sasama ka ba?" tanong ni Mama

"Opo ma!!!!" masaya kong sagot

"Okay. Kelan ba ang balik nyo?" tanong ni Mama.

"Sa Korea, tatagal kami ng two days, sa China, 1 day lang kami dun. Tapos sa Pilipinas kami tatagal ng sobra kasi 2 weeks kami dun."

"Ano?! Kasama ang Pilipinas?!" sigaw ni Mama.

"Ma, kalma. Masyado kang high." sabi ko kaya medyo kumalma naman sya.

"Anak, bawal. Hindi ka sasama dyan." sabi bigla ni Mama.

"Ma!!! Pumayag ka na kaya!!! Wala nang bawian yan!!!" pagmamaktol ko.

"Pag sinabi kong hindi. Hindi. Pag sinabi kong bawal, bawal." gigil na sabi ni Mama.

"Wala nang bawian ma! Wala ka namang isang salita eh!!!" paiyak kong sabi.

Sabihin nyo nang para akong bata eh wala naman akong magagawa eh. Nagsabi na kasi si Mama na okay tapos babawiin nya.

Milion Memories of Yesterday (AMDA Book 2) (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon