Chapter 4

114 6 3
                                    

Brigette's POV

"Brigette!!! Pakinig mo yun? May nasigaw nung first name mo?" sabi ni Kyla.

Sa totoo lang. Kanina ko pa napapakinggan kaso wala akong pakialam.

Sabi kasi sa akin nina Mama, oras daw na may tumawag sa akin ng Lyra, wag daw ako lilingon o di kaya titingin.

Hindi ko nga alam kung bakit eh.

"Ha? Wala naman akong napapakinggan ah. May napapakinggan ka atang hindi namin napapakinggan? Kailangan ng ipa-mental si Kyla guys." biro ko sa kanilang lahat kaya napatawa naman sila.

"Promise!!! Meron talaga!!! Yun atang lalaking yun oh!!!" sabi nya sabay turo sa labas ng kotse.

May natakbong lalaki pero hindi ko masyadong makita ang mukha kasi mabilis ang takbo ng kotse, at the same time, mabilis din tumakbo yung lalaki.

Lahing kabayo ata yun ah. Waaa!!! Natatakot ako! So creepy! XD

Pinabayaan ko na lang yung lalaki hanggang sa nawala na sya sa paningin ko.

"Tikbalang ata yung lalaki kanina." sabi ko kay Kyla.

"Ha? Bakit naman? At ano ba yung tikbalang?" tanong ni Kyla.

Napasapo naman ako sa ulo ko. Hindi ata alam eh.

"Half human. Half horse. Tapos hairy sya!!!" sabi ko.

"Yaikkss!!! Nakakadiri Brigette!!! Tigilan mo ako!!!" sabi ni Kyla.

"Arte neto! Akala mo naman hindi naghohorse-back riding. Sobrang kaartehan na yan. Hindi naman nangangain ang tikbalang." sabi ko. Biglang sumabat si Brent sa usapan namin.

"Ito oh. Sinearch ko yung tikbalang. Ito ang itsura Kyla." sabi ni Brent habang pinapakita yung picture nung tikbalang.

"Yaaak!!! Hindi lang pala sya nakakadiri!!! Nakakatakot din! Ayoko maka-encounter ng ganyang creature! Iwww!!!" sabi nya.

Grabeng arte ahhhh!!! (-_-)

"San ka unang pupunta o unang mag-gagala Brigette?" tanong ni Brent.

"Kahit saan. Kung saan refreshing at makakagalaw ng ayos." sagot ko sa kanya.

"Beach?" tanong ni Kyla.

"Hindi naman ganun. Yung masarap ang hangin, maraminh flowers, makakahiga ako sa green grass as I look at the sky watching the birds and looking at the clouds." sabi ko sabay tingin sa kanilang lahat.

Okay.

"Guys, wag kayong nganga. Baka tumulo." sabi ko.

"Lalim mo Brigette." sabi ni Kyla at sinapak pa ako.

Ang bait na kaibigan talaga.

"Minsan na nga lang. Pagbigyan nyo na yan." sabi ni Ate Maira. Kasamahan namin sa trabaho.

"Ang bad nyo sa akin." yun na lang ang nasabi ko sa kanila habang tinatawanan nila ako.

After 10minutes eh nakarating na kami. More like hotel ang tinutuluyan namin.

"Ito na yung susi. Pwede na kayong pumunta sa rooms nyo at magpahinga. Bukas na bukas, pwede na kayong mamasyal. Okay?" sabi nk Boss. Tumango na lang kami.

Magkakahiwalay ang kwarto namin nina Kyla at Brent.

Medyo boring nga dito sa kwarto ko kasi wala akong kadaldalan.

Gusto ko puntahan yung kwarto nina Kyla kaso baka nagpapahinga na sila.

Biglang kumulo yung tyan ko kaya naisipan kong pumunta dun sa baba para umorder ng pagkain.

Milion Memories of Yesterday (AMDA Book 2) (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon