Chapter 27

459 12 5
                                    

nagising ako sa isang kwartong hindi pamilyar sakin, narinig ko ang ate kong sumigaw at nagkagulo na ang mga nurses at doctor sa paligid ko.. nag BP sila sakin at chineck ang vitals ko,

"mukhang OK naman na po siya.. stable na ang patient in 3 days baka makalabas na po kayo ng hospital" sabi ng doctor bago tuluyang umalis

"ok kana ba bebe?" tanong ni Mommy sakin

"opo.. anu po bang nangyari?" pabalik tanong ko sakanya

"naaksidente ka beh, matapos ang midterm nyo ay naka-receive ako ng tawag na naaksidente ka at si Jayron kaya naman dali dali akong nagpunta sa hospital nun" kwento ng ate ko

si Jayron... naaksidente din??

"based sa mga taong naka-witness ng insidente, patawid ka daw nun ng bigla nalang sumulpot ang kotse ha harap mo pero imbis na ikaw lang ang tamaan, tinamaan din si Jayron sa tangka niyang pagsagip sayo"

"kamusta po siya ate?"

"si Jayron? Ok naman na siya... kani-kanina lang din siya nagising"

"i.. ilang araw na ba akong tulog ate?"

"11 days"

11 days??? anung nangyari sakin sa loob ng 11 days??? 

"ahhh..." biglang sumakit ang ulo ko 

"anung masakit sayo?" alalang tanong ng ate ko

"wa.. wala ito ate..."

"Cheena, pagpahingahin mo muna ang kapatid mo... umuwi kana din.. maaga pa ang pasok mo bukas" saway ng mommy namin dito. kiniss ako ni ate sa pisngi bago tuluyang lumabas ng pinto ng kwarto "anak, kapag maayos ayos na ang pakiramdam mo, bisitahin mo si Jayjay at magpa-thank you ka sakanya ah" bilin ng mommy ko, hinalikan niya din ako sa noo at hinayaan akong matulog.

*******************

napakabagal ng oras dito sa hospital, may TV naman pero parang hindi ko ramdam... ilang minuto pa ang lumipas ay bigla nalang bumukas ang pinto ng kwarto ko

"Joy!" masayang sabi ni Hannah sabay yakap sakin, "kamusta kana??" halos maiyak iyak na sabi pa nito

"Ok lang ako.. anu kaba?" natatawang sagot ko dito

"mabuti naman at OK kana" sabi naman ni Myca sabay abot ng fruit basket

Myca? 

"sa.. salamat" nagaalangang sabi ko

"Alam mo ba Joy, ilang araw ng pabalik balik si Myca dito, lagi niya kayong binibisita ni papa Jayron" kwento ni Hannah

"talaga? salamat Myca" di makapaniwalang sabi ko

"wala yun,.. siguro nakokonsensya lang ako" sagot naman nito "alam mo na... bigla nalang kaseng nasira ang friendship natin ng di natin namamalayan, sorry Joy ah" 

ngumiti ako...

"wala na yun., ok na yun ang mahalaga, magkaibigan na tayo ulit" sagot ko

"talaga?? pw.. pwede bang yakapin din kita?" pagpapaalam pa nito

"oo naman"

at niyakap namin ang isat isa... at yun ang eksenang dinatnan ni Jayjay

"wow,.. ang sweet.. pasali naman!" pang-aasar pa nito

"magpagaling ka muna... sira ka!" sagot ni Myca dito

THE IM(POSSIBLE) DREAMWhere stories live. Discover now