Chapter 6

703 19 0
                                    

Nakarating naman kami ng maayos sa school kahit na ilang beses nyang pinag laruan ang tali sa pagpapara ng jeep... Kulang nalang lamunin ako ni manong driver sa inis niya eh... ang hirap naman palang may kasamang kakaibang tao.. bukod sa makulit na ay agaw atensyon pa...

iniwan ko muna siya sa Library ng school, good thing at pinapasok naman siya... tinambakan ko siya ng mga sampong libro para di siya mainip... 

maalala ko lang... sabi niya nung una kaming magkakilala siya daw si Taehyung, kanina habang pinagmamasdan ko siya medyo hawig nga sila pero siyempre mas gwapo pa din si Taehyung my loves... pero cute din siya ah... magpakabait na kaya ako sakanya.....

eeeeeeeeeeee erase erase... anu anu na namang naiisip ko... anu ba yan... 

anu kayang ginagawa nya ngayon...ok lang kaya siya dun... 

"Joy..." tawag pansin ni Hannah sakin

"anooo" sagot ko na hindi man lang siya nililingon

"Joooyyyy" kalabit nya

"anooooooo" sagot ko ulit dito

"JOY ABIGAIL!" sigaw sakin

"anu nga!?" pabalik sigaw ko din sabay lingon dito... nakita ko nakayuko na si Hannah at nakatingin sakin na naniningkit ang mga mata ang professor namin.. natulala ako 

"I've been calling you for the nth time! are you listening!" galit na sabi nito

"yes sir... sorry po sir" sagot ko sabay tayo

"kung di ka magfo-focus sa subject ko... pwede ka ng lumabas!" dagdag pa nito

"sorry sir..." 

"answer the question on the board" di na nya ako hiningian ng paliwanag pero inabot sakin ang whiteboard marker.

hayst..bakit ko ba kase naiisip ang lalakeng yun... napapahamak tuloy ako eh!

focus.. focus.. focus..

****************************

"Joy anu bang nangyayari sayo kanina... bakit wala ka yata sa sarili mo" tanong ni Hannah sakin pagkaalis na pagkaalis ng professor namin... Kalahati kase ng klase eh naging sermon na...

"ewan ko ba... teka pala... wala na tayong pasok mamaya diba?"

"oo..."

"yes!! Oh pano una na ko sayo ah" pagpapaalam ko habang nagaayos ng bag ko

"saan punta mo?"

"uuwe?" alanganing sagot ko dito

"hmmm...." naghihinalang tingin nito sakin "oh sige.. Hindi kana sasama samin nila Nicole?"

"saan kayo pupunta?"

"sa magic land"

"eeee kainis... Hindi ako pwede ngayon eh..."

"sige next time nalang..." nakakalokong tingin ang binigay nya sakin

"sige..." sagot ko at tuluyan na ngang umalis si Hannah..wala pang isang minuto eh bumalik siya agad..

"Joy! May sundo ka.. Ang gwapooooo..." parang kinikilig na sabi nito

"anu?? Wag mo sabihing!" pinuntahan ako ni Theydon dito, yung taong yun talaga!!! ... 

Dali dali akong lumabas ng room...

"ANUNG GINAGAW--- Jayjay?" bigla akong nag lie low

THE IM(POSSIBLE) DREAMWhere stories live. Discover now