Chapter 1

4.1K 62 7
                                    

Maaga pa lang ay gising na ako at gaya ng nakagawian ko na ay agad ako nagscroll ng cellphone ko para macheck kung anu na ba ang latest update ng pinakamamahal kong K-pop group na BTS (Bulletproof Boy Scouts(Korean) or Behind The Scene (english).

habang nag-i-scroll ay di sinasadyang napatapat ako sa event kung saan nakasulat na magkakaroon na sila ng concert  sa pilipinas... dali dali akong tumakbo papunta sa kwarto ng ate ko..

"ATE! ATE!" sigaw ko "Atteeeeeeeeeeeeeeee!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

"ano?" sagot nya sabay bukas ng pinto nya

"ate!!! magkaka-concert ang BTS dito sa pilipinas sa *******" masayang sigaw ko habang tumatalon talon pa sa sobrang kilig ko.... "eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee anu kayang susuotin ko sa concert nila.. yung tipong makikilala at maaalala ako ni Taehyung!!!"

"wow ah.. susuotin agad? hindi ba pwedeng magka ticket ka muna bago mo planuhin ang damit mo?" pambasag ni ate Cheena bago tuluyang bumalik sa higaan nya para matulog.

"ahh basta!!! dapat maganda at memorable ako sakanya, alam mo kase ate nabasa ko sa isa nilang article gusto daw ni Taehyung na makapang-asawa ng Filipina kaya dapat malakas ang dating ko sa kanya sa meet and greet ng mga fan nila" 

"soooo... expect mo ikaw talaga ang matatandaan nya sa dami ng filipina sa buong pilipinas?? hay naku joy.. ewan ko sayo tsaka teka nga saan kaba kukuha ng pambili ng ticket mo jan sa sinasabi mong concert?" tanong nya.. 

isang malaking ngiti ang sumilay sa mga labi ko na halata namang naiintindihan na nya

"aruuuuuu wag mo ko idamay damay jan Joy Abigail!!!" 

"sige na ate,.. please please please!!!" 

"no! hindi! ayaw ko!"

"please ate! magpapakabait na ko.. matutulog na ko ng maaga promise!!!"

"hayst, pagiisipan ko muna"

"ate wag mo na pagisipan please!" 

"magkano ba kase ang ticket na yan??" 

"a.. e... 12,500 lang" alanganing sagot ko

"ANOOOOO!!!! 12,500 lang ka dyan!" reklamo niya

"Ate please.. VIP na yun.. malapitan ko na siyang makikita nun.. kahit hati na tayo sa ticket hihingi nalang ako pera kay mommy!!!" maiyak iyak na sabi ko... gusto ko talaga to gustong gusto ko... 

"o  siya sige na nga!"

"talaga ate?" di makapaniwalang tanong ko

"oo... pero  sa isang kundisyon" 

"ahhh anu yun??"

"yaya kita hanggang sa concert ng BTS okay?" sagot ni ate sabay kindat sa akin

what the!!! naloko na........

******************************

sa paglipas ng araw ay ginawa nga akong yaya ng ate ko, ako taga laba, taga handa ng food pagdating nya, taga ligpit ng pinagkainan nya, taga gawa ng gawain niya sa bahay, taga handa ng uniform nya, taga plantsa at kung anu anu pa! naku!!!! kung di ko lang talaga gustong makita si Taehyung hinding hindi ko gagawin to... hayst! sarap magreklamo eh...

gabi na naman, darating na ang señorita kong ate.. tawagin ko kaya siyang señorita? hahaha wag na nga mamaya mapikon, maudlot pa concert ticket ko hahaha

maya maya pa ang narinig ko ng bumukas ang gate namin..

"hi ate" masaya kong pagbati pagdating nya

THE IM(POSSIBLE) DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon