Chapter 17

474 11 0
                                    

Joy Abigail's POV

"Myca?" wala sa sariling tanong ko habang nakatingin ako sa mga kamay nilang naka holding hands...

bakit magkaholding hands sila! 

"Joyjoy???" gulat na tanong ni Theydon sabay hila ng kamay nya mula sa kamay ni Myca

tinignan ko lang siya sabay lingon ulit kay Myca

"pssh.. so ikaw pala si Joyjoy?? ang malas ko naman" halatang iritableng sabi nito "bakit ba lahat nalang ng magustuhan ko eh close sa katulad mo?" 

"baka naman kase tinadhana na ako ang maging ka-close nila para mailayo sayo?... at tsaka para sayo dapat Joy or Abigail lang ang itatawag mo sakin, because only my friends call me Joyjoy... YOU.ARE.NOT.MY.FRIEND." sagot ko dito sabay ngisi ng nakakaloko

"yeah right? nice choice ka ngayon ah, bakit? wala na ba kayo ni Jayjay?" 

"anung sinasabi mo? baliw ka na yata?" 

nilingon nya lang ako at ngumiti ng sarkastiko sabay tingin ulit kay Theydon na gulong gulo na ang itsura, iba ibang expression na ng mukha nya ang lumalabas sakanya

"Theydon dear, I forgot we are having our getting to know each other right??" paglalambing nito sabay hawak sa baba ni Theydon, tinabig nya ito "dont forget my name... It's Myca" bulong nito sa tenga ni Theydon sabay wink dito bago tuluyang umalis... 

napatunganga lang si Theydon sakanya habang kami? sinundan naman namin siya ng tingin.

"dont forget my name... it's Myca... nye...nye...nye" gaya ko sa sinasabi niya sabay ismid dito. "bulong bulong pa dinig na dinig naman ng lahat!"

"Joyjoy... Are you OK?" nagaalalang tanong ni Theydon.

"oo naman! Baket?" inis na sagot ko sabay lingon dito

"huh?" naguguluhang tanong nya sabay bigay sakin ng blank expression nya

hindi nga pala nakakaintindi ng tagalog to.. iiiiiihhhhh

"yes. I'm. O.K." pagdidiin ko sa mga salita ko sabay tingin sa mga mata nya... yung mga mata nya blank ang expression pero nararamdamanan ko na parang may kakaiba... kakastress . bakit ba naman niya kase kinakausap si MYCA! 

"ehem!" pakunway ubo ni Hannah...

"ay..." kasama ko nga pala si Hannah na excited ng makilala si Theydon " by the way...Theydon this is Hannah" pagpapakilala ko dito... hindi pa rin inalis ni Theydon ang mga mata nya sa pagtitig sakin kaya naman umiwas ako ng tingin

"Hi Im Han-" akmang kukunin ni Hannah ang kamay nito ng bigla nalang ilayo ni Theydon yun

"are you not getting mad if we shake hand?" seryosong tanong nya sakin

"huh?" naguguluhang tanong ko

"i ask you? are you not getting mad if. I. shake. her. hand.??" seryosong tanong nya ulit sakin sabay tayo at lapit sa pwesto ko.. tinitigan nya ako sa mata ko at hinawakan nya ko sa wrist ko

"w... w...why w...would I g..get mad?" pabalik tanong ko dito pero kinakabahan na ko... ang init init na ng mukha ko... ang lapit lapit naman kase nya tapos ang seryoso nya pa

"because a while ago, I saw you looking at my hands and that girl... then you get mad?" paliwanag nya na hindi siya kumukurap 

that girl? hindi ba nya kilala talaga si Myca???

THE IM(POSSIBLE) DREAMOù les histoires vivent. Découvrez maintenant