Chapter 11 : Of fire

6.4K 373 58
                                    

-----

Sa isang kisapmata ay natagpuan ni West ang sarili sa isang hindi pamilyar na lugar. Naubo siya at dumahak ng dugo. Mula sa pinto ng silid sa mansyon ay hinigop sila ng isang malakas at kakaibang enerhiya. Mala-apoy na liwanag na sumirko at tinangay sila. Sigurado siyang portal. Sa bilis ng mga pangyayari ay parang mailuluwa niya ang lahat ng mga lamang-loob niya.

Luminga siya sa paligid habang hinihingal. Parang lalo siyang nanghihina sa lugar na iyon. Hawig sa disyerto ang kinalalagyan nila. Sapo ang sikmura ay naupo siya at kinamal ang tuyot na buhangin. Pino. Mainit. At kakaiba. Tiningala niya ang mamula-mulang langit at ang parang hinawing anino ng ulap. Hindi mabilang ang presensiya na nararamdaman niya - mga malignos, encantados, elementos, higantes, at iba pa.

Napangisi siya. Sigurado siyang nasa mundo na sila ng mga Hindi-Nakikita. Mundo na hindi niya naisip na mapupuntahan niya habang nakakulong pa ang espirito sa mortal na katawan.

Bumuntong-hininga siya. Nararamdaman niya ang pagtagas ng kapangyarihan na mayroon siya sa mundong iyon. Sampung ulit na mas mabilis. Kaya kailangan niyang maging mahinahon at gawin ang tungkulin niya bilang isang Guardian. Pumikit siya at nagsimulang manalangin.

Sa di-kalayuan...

Sa isang kisapmata ay lumitaw si Helena sa pagitan ng pagsugod ni Genesis kay Alicia. Iginitgit niya ang hawak na hunting knife sa kahoy na Cabal ng batang babae. Ang kaliwang kamay naman niya ay itinulak si Alicia papasok sa isang pabilog na liwanag.

“I’ll take it from here, Lola.” aniya sa babae bago ito saluhin ng liwanag.

“Be very careful.” anito bago mawala.

Halos hindi niya nasulyapan si Alicia bago ito tuluyang higupin ng liwanag. Naggitgitan ang patalim na hawak niya at ang Cabal ni Genesis.

“Hello, daughter.” aniya sa babae at ngumisi.


Tumalim naman ang mata nito at tumalon pabalik. Ikiniling nito ang ulo na parang pinag-aaralan siya.

Hindi naman niya ipinahalata ang interes sa pagkakatingin dito. Hati ang mukha nila ni West sa batang babae. Pinigil niya ang sariling mapailing.

Sa buka ng palad ay tinawag niya ang kahoy niyang Paraiso. Isa iyong baton na may isa’t kalahating dangkal ang haba. Maputi na tulad ng ivory. May mga ukit iyong salita. At iyon ang pangunahing gamit niya bilang isang Drifter. Itinuktok niya ang kahoy sa ere. Mula sa kinatatayuan niya ay nakita niya ang pagguhit ng isang simbolo na pumalibot sa kinauupuan ni West.

‘What is this?’ asar na tanong ng lalaki.

‘Protection for you. This kid might attack you instead of me.’ simpleng sagot niya.

‘What makes you think I need it?’

Napangiti siya. ‘Wag kang mayabang. Nang lumabas tayo sa portal sa Drift Room, nakita ko kung paanong buto ka na lang ngayon. You’re even on the verge of dying as we speak. Mas malaki ang makukuha sa enerhiya mo dahil mortal ang katawan mong nandito sa mundo ng mga Invisibles. You need protection.’

The Drifter Case #01 : The 150-year Old Man (COMPLETED)Where stories live. Discover now