Chapter 3 : Mimic

8.5K 416 45
                                    

-----

“Feeling better?”

Napatingin si Helena sa nagtanong na si West. Nasa loob sila ng itim na sedan ng lalaki. Nagmamaneho ito. Nakasunod sila sa kotseng kinalululanan ng mag-asawang Banaag. Papunta sila sa tahanan ng mga ito para makilala ang tatlong Protacio.

“I still feel cold and nauseated. Pero mas maayos na ang pakiramdam ko ngayon kaysa kanina nang una akong gumising.” tukoy niya sa babahagyang lamig at pagkahilo na nararamdaman. Pakiramdam niya, nangangapa at nagsasanib pa lang ang espirito at katawang gamit. May ilang pagkakataon na nawawalan ng pandama ang ilang bahagi ng katawan niya. But, it’s true that she felt better.

“Do you have your memories of that Protacio? Seems like he’s claiming to have met you in the planes of the Invisibles.”

“No.” umiiling na sagot niya, “Like before, I still don’t remember a thing from that drift. I don’t know kung ano ang nangyari sa halos tatlong buwan na pagtulog ko. Ni wala akong idea kung saan ako napunta ng mga panahong iyon.”

“Must be because of the fact that you are fighting unconsciously to keep your silver cord. You’re bound to lose memories kapag ganun.”

Nagsikip ang dibdib niya. Talking about those three months of drift reminded Helena how she lost her twin. Kahit pa sabihing sinubukan ni Alena na gumawa ng bagay na ikamamatay niya, kahit papaano ay naiintindihan niya ang saloobin ng kapatid. She understood her. Especially during those times when she override her body.

“But then, how do you plan to confirm who’s the real Protacio from the 1850’s?” tanong uli ni West habang pumapasok ang sasakyan sa malaking tarangkahan ng bisita nila.

Ngayon ay nangiti naman siya. Wala pang malay ang katabi sa iniisip niya. Which is rare. Mukhang hindi nito binabasa ang isipan niya tulad ng napagkasunduan nila.

“I have you with me.” binalingan niya ito ng mapang-asar na ngiti, “You can taste their skin or kiss them, too. That way we can be sure. Right, Guardian?”

Maasim ang mukha ni West nang tumingin sa kanya, “Are you toying with me? Drifter?”

Hindi naalis ang ngiti ni Helena. Ganitong mga mukha ni West ang gusto niyang nakikita, “No. Pero kung ayaw mong gawin, then I have no choice but to do it to confirm.”

“You...” madiin na sabi ni West bago umangil, “I won’t let you.”

“I know. So, you do it.” sabi niya rito, “Guardian.”

Umangil uli si West. Kontento namang nakangiti si Helena.

‘Kiss them, too, perv.’ sa isip ay sabi niya rito.

‘Hmm... Someone’s making a big deal out of that kiss.’ buwelta ng lalaki, ‘And I saw you naked a lot of times... yet you never complain.’

‘Shut up, West.’

Ngumisi ito sa kanya habang hinuhugot ang susi ng kotse sa ignition, “We’re here.”

The Drifter Case #01 : The 150-year Old Man (COMPLETED)Where stories live. Discover now