- 0 -

10.5K 444 6
                                    

-----

May mga mundo at mga dimensyong hindi nakikita ng ating mga mata. Mayroong mga nilalang na nakakasalamuha natin pero hindi natin nalalamang naiiba.

Katulad ng dimensyon kung saan tayo nabibilang, may mga nilalang ding nabubuhay sa mga dimensyong banyaga sa atin. May sarili rin silang kapangyarihan at batas na umiiral.

The first dimension - ang dimensyon ng mga anghel at ng iba pang may-pakpak na nilalang ng Diyos.

The second dimension - ang dimensyon na pinaghahatian ng dalawang uri ng kapangyarihan. Sa liwanag ay naroon ang mga nilalang na tinatawag na invisibles o mga hindi-nakikita. Kapag napapadpad sila sa ating daigdig at nakakasalamuha natin sila, tinatawag natin silang mga diwata, mga engkantado, mga maligno, mga tikbalang, mga kapre, mga sirena, mga nuno sa punso, mga duwende, mga lamang-lupa at iba pang katawagang nababasa natin sa mga mito at alamat.

Sa dilim ay naroon naman ang mga nilalang na tinatawag na mga untouchables o mga hindi-mahawakan o ang mga isinumpa. Kapag napapadpad sila sa ating daigdig ay tinatawag natin silang mga kulam, mga buklaw, mga ligaw na kaluluwa, mga multo, mga anino, mga katok, at iba pang katawagang nababasa natin sa mga nakakatakot na kwentong-bayan.

The third dimension - ang dimensyon kung saan tayo namamayani bilang mga tao - mga nilalang na nakakarinig pero hindi nakakakita, nakakakita pero hindi nakakapangusap, nakakaamoy pero hindi nakakadama... ang ikatlong dimensyon ng may katawang-lupa na paminsan-minsan ay tinutuklas ang iba pang dimensyon; paminsan-minsan ay sinusubukang tawirin ang hindi-nakikitang pagitan para humingi ng tulong sa mga anghel, sa mga invisibles o sa mga untouchables.

Between these dimensions, there are those born to protect us from possible warfares and dominations; tinatawag silang mga ermitanyo, mga hinirang, mga isinugo, at mga pinili sa ibang aklat.

Tungkulin nila ang pumagitna sa tao at sa mga anghel, mga hindi-nakikita at mga isinumpa - isang tagalayag at isang tagapagbantay. A Drifter and her Guardian. #

The Drifter Case #01 : The 150-year Old Man (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon