#8

2 0 0
                                    

DOUBLE BUT OPPOSITE

"Sino bang matinong lalaki ang magkakagusto sayo? Tanga kana nga ang desperada mo pa"

Sinampal ko siya pagkatapos niyang sabihin sa'kin yun. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatitig sa mga mata niya. Parang may iba, parang may mali. Pero dahil nga sa tinding galit ay pinaghahampas ko siya at hinahayaan niya lang akong gawin sa kan'ya iyon.

"Tapos kana?" tanong niya sakin no'ng tumigil na ako sa paghahampas ko sa kanya at deretso siyang naglakad paalis nang walang emosyon ang kan'yang mukha.

"Oh my gosh, Louisa ayos ka lang ba?! Bakit mo ginawa 'yon?!" sabi ni Mariel na patakbong pumunta dito kasama si Nica, ang mga bestfriend ko.

"Hala Louisa, bakit mo ginawa yun kay Chryss John? Lagot ka sa mga babae no'n." sabi naman ni Nica at tumingin sa paligid. Maraming tao lalo na ang mga babae ang nakapaligid sa amin at halos lahat patay na patay kay Chryss.

Chryss John Andeia, ang lalaking minamahal ko nang patago. Ang lalaking nagsabi sa'kin na mahal rin ako. At ang tanga ko kasi naniwala ako sa kan'ya. Tama nga naman siya sa sinabi niya sa'kin kanina. Sino nga bang lalaki ang magkakagusto sa'kin e hindi naman ako maganda, hindi rin matalino, ni wala nga akong alam gawin kundi ang mahalin lang siya.

Umalis na kami doon dahil kung makatingin sa'kin yung mga babae ni Chryss ay parang papatayin na nila ako. Hinila ako ng mga kaibigan ko at dinala sa malapit na internet café.

"Seryoso Louisa, ano ba talaga nangyari kanina?" tanong ni Mariel at tinaasan naman ako ng kilay ni Nica. Napabuntong hininga ako, wala na akong ibang choice kundi sabihin sa kanila ang totoo.

     flashback.
    
"Ang gwapo talaga niya, kaya mahal ko siya e" kinikilig na sabi ko habang nakatitig sa wallpaper ng cellphone ko, si Chryss, yung lalaking matagal ko nang minamahal.

"Bakit mag-isa ka lang dito?" napaharap ako dahil familiar ang boses niya.
"Chryss" nanlalaki ang mata ko habang nakatitig sa kan'ya. "K-kanina kapa ba nand'yan?"

Umupo siya sa tabi ko dito sa tambayan ko.

"Hindi naman." Natahimik ako. Tahimik rin siya.

"A-ah sige, a-aalis na ako Chryss." sabi ko at tumayo nang bigla niya akong hinalin pabalik sa kinauupuan ko kanina, sa tabi niya.

"Teka lang, may sasabihin pa ako sa'yo" seryosong saad niya at tinitigan ako sa mata.

Enebe, wag kang gan'yan. Mas aasa lang ako sayo niyan.

"A-ano ba 'yon?" para akong tanga sa harap niya ngayon, nauutal pa ako tangina.

"Mahal kita Louisa, matagal na. Bigyan mo ako ng chance na patunayan sa'yo 'yon." napatayo ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit sa kanya.

"Nagbibiro kaba?! o pinagtitripan mo lang ako?" sigaw ko at mas naging seryoso 'yong mukha niya.

"I'm serious Isa, matagal na kitang mahal. Papatunayan ko 'yon sa'yo." huling sinabi niya bago niya ako iniwang mag-isa habang nanlalaki ang mga mata.

.
.
.

Pumunta ako sa tambayan namin, tanging ako lang ang may alam nito pero ngayon alam narin ni Chryss. Ang manliligaw ko, oo. Nililigawan niya ako, isang buwan narin niya akong nililigawan ng kami lang ang tanging may alam, pinatunayan nga niyang mahal niya ako, at mas lalo ko rin siyang minamahal.

"Oh Isa, hali kana. May dala akong lunch para sa atin." nakangiting saad niya. Kitang-kita kong masaya siya sa ginagawa niya, sa panliligaw niya sa'kin. At masaya rin ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 26, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A STORY FOR YOU (SHORT STORIES)Where stories live. Discover now