#6

0 0 0
                                    

FALLING STAR.

"Azi, falling star oh! Mag wish ka dali!" masiglang sabi ng batang babae sa batang lalaki na kasama niya, mahagip nito ang isang falling star na dumaan mula sa kalangitan. Napangiti siya nang makitang ipinikit ng batang lalaki ang kanyang mga mata. Maybe he already made a wish in a falling star that passed by the sky.

" Azi, what's your wish?" Fiena asked him.

Azi just looked at her then smiled. Tumingin ulit ito sa kalangitan. Napatingin rin si Fiena and she saw another falling star. This time, she made a wish for herself. 'I hope, Azi and I will end up together in the future' she wished while her eyes are closed. Nakita niyang nakatitig sa kanya si Azi nang imulat niya ang kanyang mga mata. Tinignan siya nito na parang nagtatanong kung ano ang hiniling niya. Ngumiti lang rin siya sa batang lalaki bago tumayo mula sa pagkakahiga sa damuhan.

"Let's go Azi, baka hinahanap na tayo ng parents natin" Fiena said and held her hands to help Azi stand up too.

Tinanggap ito ng batang lalaki at magkahawak kamay silang bumalik sa kani-kanilang mga bahay.

———

Napapikit si Fiena nang maalala yung araw na iyon. Nakahiga siya sa kanyang kama habang nakatitig sa kisame. Ilang taon na ang nakalipas nung nangyari yun pero lagi parin niya itong naalala.

"Azi, I miss you. So much." tumulo ang kanyang luha habang inaalala ang nakangiting mukha ng batang lalaki ka kasama niya noong gabing iyon.

*knock knock*

Napabalikwas siya sa kama nang marinig ang katok at nagmadaling punasan ang kanyang mga luha. She fixed herself before she opened the door and saw her mother widely smiling from ear to ear.

"What's the matter mom?" she asked and let her mother enter her room.

"Good news anak" nakangiting saad sa kanya ng kanyang ina.

"Ano po iyon? Nanalo po ba kayo sa lotto?!" nanlalaking mata na sigaw ni Fiena.

"Ay ano ba anak hindi! Hahahaha" sagot ng ina at hinampas siya sa braso kaya napahawak siya rito.

"Umuwi na kasi ang tita Zhesra mo galing states anak!" masayang wika ng kanyang ina.

Tila tumigil ang kanyang mundo ng marinig iyon.

'Tama ba narinig ko? Umuwi na sila rito?!'

"Paki-ulit nga ma, ano po yun?!"

"Ang sabi ko, umuwi na sila Zhesra dito galing States. Oh maiwan na muna kita dyan at pupuntahan ko siya sa kabilang bahay." sabi ng ina at aakmang lalabas na ng kanyang kwarto.

"Mom, did Azi came back too?" she asked her mom that made her mom stop.

"Ohh, I don't think so anak. Hindi ko alam kung umuwi ba siya para mag aral dito o nagpa-iwan siya doon para mag aral" sagot ng kanyang ina at tuluyang na itong lumbas.

Nanlumo siya. Yung sayang naramdaman niya kanina ay biglang nawala. Yung siglang meron siya ay napalitan ng panghihina. Napahiga ulit siya sa kanyang kama at parang naiiyak na tumingin sa kisame.

*knock knock*

May kumatok ulit sa kanyang pinto.

"Bukas po iyan" walang ganang sabi niya habang ang kanyang mga mata ay nanatili sa kisame.

Ni minsan, hindi niya narinig na nagsalita ang batang kasama niya noon. Hindi niya alam kung pipi ba ito o ayaw lang talagang magsalita. Naalala nanaman niya si Azi.

Kumunot ang kanyang noo dahil hindi bumukas ang kanyang pinto ngunit may kumatok. Hindi naman iyon naka lock kaya tumayo siya at naglakad papunta sa kanyang pintuan. Unti-unti niya itong binuksan at gulat ang unang reaksyon niya nang makita niya ang lalaking matagal na niyang hinihintay.

"A-azi, y-you're back" mautal-utal siya habang nakatitig ito sa kanya. Nakatingin lang ito sa kanya habang walang emosyon ang makikita sa mukha nito.

"Azi! Where are you?" a girl shouting Azi's name echoed in Fiena's room.

"Oh, you're here" sabi ng babae at hinawakan ang kamay ni Azi. Napatingin si Fiena sa kamay ng dalawa.

May kumirot sa kanyang puso. Unti-unting namumuo ang luha sa kanyang mga mata.

"Oh Rei, I just want to see my old friend." malalim at malamig na boses na pagkakasabi ni Azi at saka siya nito tinignan.

Natuwa siya dahil sa unang pagkakataon, narinig narin niya itong magsalita pero nasaktan siya nang sabihin ni Azi na isa lang siyang kaibigan NOON.

"Oh hi! I'm Azi's fiancé. I'm Rei." sabi nang babae at gusto pang makipag kamay kay Fiena.

Hindi ito tinanggap ni Fiena dahil nabingi siya sa sinabi nito.

'Fiancé'
'Fiancé'
'Fiancé'

Salitang umuulit sa kanyang isip.

"A-ah, n-nice to meet you but I have something to do. So talk to you later?" sabi ni Fiena. Tumango lang ang dalawa at  lumabas narin ito sa kanyang kwatro. She lean at the door and let her tears fall down.

"Wala palang silbi iyong falling star na iyon! O meron nga pero hindi lang talaga natupad kasi iyong wish ni Azi ay hindi kami ang magkakatuluyan." pinunasan niya ang kanyang luha ngunit hindi ito tumigil sa pag agos.

"Ni hindi ko nga narinig iyong boses niya kahit palagi naman kaming magkasama noon. Tapos old friend?! T*ng*ina niya! Ni hindi nga siya nagpaalam noong umalis sila papuntang States! Tapos malalaman ko na— na may fiancé na pala siya." tumayo siya at naglakad pabalik-balik habang walang tigil ang pagtulo ng kanyang luha.

"Malapit na kaya silang ikasal? Uwahh! I hate you Azi! I hate y—"

"You hate me that much Fie?"

Napatingin siya sa pinto ng kanyang kwarto at nakita niya ang nakangiting mukha ni Azi.

"W-what are you doing here?" dali dali niyang pinunasan ang kanyang luha habang nakatitig siya sa nakangiting mukha ng lalaki.

"I just can't stand there knowing that you are crying so, I came here to explain everything."

"Explain everything? Explain na kung kailan kayo ikakasal? Oh please Azi, wag nalang!" she rolled her eyes and saw Azi laughing.

"Ano tinatawa-tawa mo diyan?!"

"You really think that she's my fiancé eh? Hahahaha, damn silly girl." sabi nito at lumapit sa kanya kaya napaatras siya.

"Bakit hindi ba?" atras parin siya ng atras hanggang sa napaupo siya sa kanyang kama.

"Ah, let me think—"

"Don't fool me Azi pwede ba!"

"No. She's not my fiancé. She's my cousin Fie"

"Pinsan mo yun? Weh—"

"Yes, but I have a fiancé already." sabi ni Azi at tinitigan sa mata ni Fiena.

"Eh, @#$%&&$ ka pala e! Sabi mo wala!"

"I have, she's in front of me. Crying and cursing me, you silly."

"H-ha? Sino?"

"You, you are my fiancé Fie. Since we were in our mother's womb. We already made for each other" Azi said and touch her hair.

"That day. The day that we wished in the falling stars. I didn't tell you what's my wish because I'm afraid that we might not feel the same to each other. I wish 'Someday, someday I will marry this girl beside me. I wish I could spend my lifetime with her'. "

Umiiyak na ngayon si  Fiena, hindi dahil nasasaktan siya kundi dahil sa sobrang saya.

"I hate you! I hate yo—" hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil bigla siyang hinalikan ni Azi sa kanyang mga labi.

"I love you. I love you Fiena" Azi said.

"I hate you, but I love you too Azi"

Dapat lang talagang hintayin ang tamang panahon para sa sa tunay na pag ibig. Humiling ka man at hindi natupad, malay mo hindi lang talaga iyong ang oras para sa inyo. 

A STORY FOR YOU (SHORT STORIES)Where stories live. Discover now