#4

0 0 0
                                    

GHOSTO KITA

“Ysa! Bakit ang tagal mo dyan sa CR?! Siguro nagcoconcert kana naman dyan 'no?!” pagalit na sigaw ni mama mula sa labas ng CR habang ako naman ay gulat na natatakot sa nakikita ko ngayon.

"S-sino ka?" tanong ko sa lalaking nasa harapan ko habang nakangiti siya ng malapad sa akin.

"Hindi mo ako kilala?" nakangiti niyang tanong sa akin and carefully touch my cheeks.

"Ysa, ano ba! Kanina pa ngumangawa kapatid mo dito sa sobrang tagal mo dyan!" pagalit ulit na sigaw ni mama.

"S-saglit lang ma! P-palabas narin ako" sabi ko dali daling binuksan ang pinto ng CR at tumakbo papunta sa kwarto ko.

"Naghahallucinate lang siguro ako" sabi ko ang umiling iling.

"You're not hallucinating sunshine" sabi ng lalaking nasa harapan ko na ngayon.

Hindi ko alam kung ano ang itsura ko dahil sa gulat at nakikita ko nanaman ang lalaking nasa CR kanina.

"S-sino kaba?! A-ano ang kailangan mo sakin?!"

"Ikaw ang kailangan ko sunshine, ikaw lang ang makakatulong sa akin" sabi niya at bigla nalang nawala.

"Fck, I don't even know you! Arghh!" sigaw ko at tumalon sa kama.

...

"Sunshine." kinilabutan ako nang may biglang bumulong sa tainga ko at dumampi ang malamig na hangin sa aking balat.

"Tangina. Wag ka ngang parang kabute!" bulyaw ko sa kanya at nakita ko kung paano tumingin sa'kin ang mga taong nasa paligid ko. Nasa park nga pala ako.

"Ano'ng magagawa ko? I'm a ghost" he chuckled and shrugs.

"Nagmumukha akong baliw dahil sa'yo." mahinang saad ko sa kanya at tinignan siya nang masama.

Ngumiti lang siya at tumingala sa langit. Ang gwapo pala niyang tignan. Kung hindi lang sana siya multo.

I sigh. "So, ano maitutulong ko sayo?" napatingin siya sa'kin at lalong lumapad ang kanyang ngiti.

"Are you really willing to help me?" he asked at kumikinang ang kanyang kulay asul na nga mata. I nodded in response.

"Kung yun lang naman ang paraan para maging masaya ka, I will help you. By the way, I'm Ysabel Shachi but you can call me Ysa" mahinang saad ko at baka pagkamalan nanaman akong baliw.

"Yeah I know, but calling you sunshine is much better." he wink.

Tanginang multo 'to, may gana pang manlandi. Pero natawa ako at tumayo na, maglalakad-lakad nalang siguro ako para di kami masyadong halata.

"Uhm, I am Kurt." bulong niya kahit di ko naman siya tinanong. Napalingon ako sa kanya at bigla nanaman siyang nawala. I sigh.

...

"Ate Ysa, sino po 'yang kausap mo?" tanong nang bunso kong kapatid at lumapit sa'kin. Gulat naman akong napatingin sa kanya.

"N-nakikita mo siya?!" napatingin ako kay Kurt at gulat na gulat din ang kanyang reaksyon.

"Opo ate, ang gwapo niya naman po, bagay kayo." sabi niya humagikgik

Nanlalaki ang mata kong bumaling ng tingin kay Kurt pabalik sa kapatid ko. Hindi pwede.

"Talaga liit? Bagay kami ng ate mo?" nakangising tanong niya sa kapatid ko. Kung pwede ko lang siyang batukan kanina ko pa ginawa.

"Opo kuya, pakasalan mo na po si ate–" mabilis kong tinakpan ang bibig ng balahura kong kapatid.

A STORY FOR YOU (SHORT STORIES)Where stories live. Discover now