#1

6 0 0
                                    

Mobile Legend lovers

'You have slain an enemy'

"Yes! napatay ko yung Miya, kanina pa ako nanggigigil dyan e" sabi ko at bumili ulit ng mga equipment. Layla kasi yung gamit ko, actually baguhan lang naman ako sa paglalaro nito kaya hirap pa akong gamitin yung ibang heroes sa ML.

"ML nanaman Macy, naaadik kana dyan ah" sabi ng epal kong kaklase na si Blaize at pinindot-pindot pa yung screen ng phone ko kaya hindi ko agad naalis yung hero ko.

'You have been slain'

"Blaizeee! pinatay mo yung Layla koooo, hali ka dito at ikaw mismo papatayin ko!" sigaw ko at hinabol siya saglit dahil ilang seconds pa naman natira bago mabuhay ito ulit.

"Aray Macy masakit hahahahaha" sabi ni Blaize habang hinahampas ko siya ng libro, natatawa pa ito habang hinaharang niya ang mga kamay niya para di matamaan.

"Bwesit ka! wag na wag kang lumapit sakin at baka mapatay talaga kita!" sigaw ko bago balikan yung cp ko at naglaro ulit.


VICTORY


"Oh yes! MVP HAHAHAA, galing talaga ng Layla ko"

"Puro ka Layla, cancer naman yan e" sabat naman ni Blaize, palibhasa di siya naglalaro ng ML e.

"Tsupi, cancer ka rin naman sa buhay ko kaya shooo!" sabi ko sa kanya at umalis naman din siya sa tabi ko.

*message request*

Hala, may nag message sakin sa ML account ko. Pinindot ko iyon at tinignan kung sino yung nagchat.

BAzrael:

; hi Mcy_Mn

; hello

; sexchat

; aba gago, kung
wala kang magawa sa buhay
mo layas!

"Bwesit na lalaki 'to ah, sexchat pa ang hanap sa ML." sabi ko at hindi na ulit binalikan yung convo namin.

Maglalaro sana ako ulit ng may nag message nanaman sakin. Pinindot ko iyon at tinignan kung sino yung nagchat. 'Aba yung lalaking sexchat ang hanap nag chat ulit'

BAzrael:

; uy sorry, nagbibiro lang
naman ako e.

; nagbibiro ka? so
akala mo nakakatawa yun
ha? nakakatawa yun?

; kaya nga sorry na e,
may boyfriend ka?

; sa tingin mo?

; sa tingin ko? ano ka sa Seth?
hindi, joke lang ulit.

; wala kasi hindi
ko naman kailangan yan.

; kakailangin mo rin
yan pag ako na manliligaw
sayo hahahahaha

"Akala mo kung sino, mas gwapo naman si B-"

"Mas gwapo naman ako dyan" sabat ulit ng epal na si Blaize.

"Alam mo, magkatulad kayo nitong kachat ko" sabi ko sa kanya at para naman siyang nabigla.

"H-ha? ako? hindi n-naman ah, mas gwapo ako dyan" sabi ni Blaize sabay ngisi.

"Layas nga, isang pang pangingialam sakin tutulak kita sa kanal sige" pagbabanta ko sa kanya kaya bigla naman siyang umalis.

Nireplyan ko yung BAzrael at habang tumatagal nagiging komportable na akong kausap siya. Hindi naman pala siya manyak, parang gago lang siya kanina. At himala dahil hindi na nga ako pinapakialaman ni Blaize, natakot ata sa banta ko sa kanya.

BAzrael:

; So Mcy_Mn, pwede
ba kitang ligawan?

; nagbibiro kaba?
hindi ako nagpapaligaw
kung hindi sa personal e.

; edi liligawan kita sa
personal, basta ba wag mo
akong itataboy pag lumapit
ako sayo.

; bakit naman kita
itataboy? ni wala ka pa
ngang ginagawa ah

; hindi mo ako paaalisin
pag lumapit ako sayo ngayon?

Nabigla ako sa sinabi niya. Ngayon? lalapit siya ngayon? Napatingin naman ako sa paligid at inisa isa ang mga nakikita kong nakahawak sa phone nila, baka kasi isa sa kanila yung kachat ko.

"May hinahanap ka? sino?" tanong ni Blaize na bigla nanamang sumulpot sa tabi ko at tumingin-tingin rin sa paligid.

"Pake mo ba? diba sabi ko wag mo akong pakikialaman?" sabi ko at tinignan siya ng masama.

"Sabi mo hindi mo ako paaalisin pag lumapit ako sayo" sabi niya at tumingin sakin ng seryoso.

"W-what? i-ikaw si BAzrael?!" sigaw ko kaya halos lahat ng kaklase namin ay nakatingin sa amin ngayon.

"Hindi mo alam Macy? naglalaro rin kaya si Blaize ng ML, matagal na. BAzrael username niya." sabi ni Brent at para akong naistatwa sa kinatatayuan ko ngayon.

"Sorry kung hindi ko sinabi agad sayo, pero seryoso ako Macy, liligawan kita. Sa ayaw o sa gusto mo" sabi ni Blaize at tumalikod sakin.

"T-teka Blaize!"

Humarap naman siya sakin na para bang nagtataka.

"Hindi mo manlang ako pinasalita. Actually gusto kong bumalik tayo sa dati. Kung dati LOL Lovers tayo, ngayon gawin nating ML Lovers" sabi ko kaya naghiyawan lahat ng mga kaklase namin.

"Whoooo! muling ibinalik! LOL lovers to "Whoooo! muling ibinalik! LOL lovers to ML lovers!"

"Congrats! sa wakas thanks to Mobile Legends! HAHAHA"

"Yieee, may Forever na sila ulitt!"

sigaw nila at kitang kita ko kung paano pumula ang mukha ni Blaize, at siguro ako ganun din.

Hindi ko inaasahan na sa larong ML ulit kami magkakabalikan ng ex-boyfriend ko na si Blaize.

A STORY FOR YOU (SHORT STORIES)Where stories live. Discover now