Chapter 31:

583 21 0
                                    

Myrrh's Note: Hi guys!! Malapit na holloween!! Woooh!! Ayan ha! Bumabawi na ako sa mga pagkukulang ko! Chos!! Anyway!! Here's the update!!

She's A Boyfriend Stealer by MyrrhRamirez

Chapter 31:

Anna Marie's POV:

"Ingat!" sabi ko at bumaba na ako ng kotse nya.

Nagulat naman ako ng bigla naman itong bumaba ng kotse nya, akala ko ba hanggang labas lang sya?

"Hatid na kita sa lobb.." sabi nito at pumayag na ako sa presentasyon nito.

Hahatid lang naman sa loob eh..

Sabay naman kaming pumasok sa loob, at nagulat naman ako ng tumambad sa harapan ko si Gil.

"Anna, we need to talk.." seryosong sabi nito at hinila ako palapit sa kanya.\

Agad ko namang binawi yung kamay ko sa pagkakahawak sa kanya.

"Sabihin mo na yung gusto mong sabihin Gil.." malamig kong sabi sa kanya.

"In private.." sabi nito kaya naman napalingon naman ako kay Rence na nasa tabi ko at binaling ko uli yung tingin ko sa kanya.

"Hindi ka ba makakapagsalita dito? Wala naman si Mama, at kung sino pa man na narito sa bahay? Ako, ikaw at si Rence lang ang nandito, kaya spill it Mr. Eleazar.." paliwanag ko.

Nagulat naman ako ng bigla namang tinap ni Rence yung balikat ko at bumulong sa tenga ko.

"Aalis na ko, kailangan nyong magusap ng mahihinan.." at tinap nito muli ang kamay ko at umalis sa harapan ko kaya naman naiwan naman kami ni Gil rito.

Napabuntong hininga naman ako bago ako magsimulang magsalita.

"Ano pa ba ang paguusapan nantin Gil?" sabi pero ramdam mo yung galit.

Nakatingin lang ako sa mga mata nya at hinihintay ko syang magsalita.

"Y-Yung nakita mo kanina-"

"Ahh yun ba? Hindi ko na matandaan kung ano yung nangyari kanina eh.." ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ang bitter yata ng tono ko, i think para na akong tanga sa harapan nya at kung anu-no na lang ang pinagsasabi ko.

"Anna, let me explain first.."

"For what Gil? Nakita na mismo ng dalawa kong mata, and for sure gustong-gusto mo naman diba?" sarcastic kong sabi.

"Anna.."

"Please leave alone Gil, kailangan kong mapagisa.."

"Anna please, let me explaine, i will tell you anything...." at nagsimula na namang bumagsak yung luha ko, hindi ko kasi maiwasan na isipiun yung nangyari kanina.

"Gil, pwede bang itigil na natin to?"

"What are you talking about Anna?" at lumapit naman ito sakin.

She's A Boyfriend Stealer [CGS #2]Where stories live. Discover now