Chapter 29:

556 16 0
                                    

She's A Boyfriend Stealer by MyrrhRamirez

Chapter 29:

Anna Marie's POV:

Ilang buwan na rin ang nakalipas. 

Ordinaryong araw para sa aming apat. DG na naman kami in short dating gawi na naman kami. Aral-aral na naman ang peg namin, makikita ko na naman araw-araw yung mga kaklase kong walang ginawa kundi pagusapan kami. Nakakainis lang, sa araw-araw na ginawa ng Diyos, all about us ang maririnig kong topic. Minsan nga pag dadaan sa hallway kaming apat, tatawagin kang 'princess' at babatiin. Ayokong sumikat.

Pero ibahin mo si Elica at Myrrh, naku tapatan mo lang ng spotlight yan, hahangin na sigurado. Ewan ko ba sa dalawang yun at gustong-gustong sumisikat sila.

"Morining class!!" bati samin ni Ms. Javier, kaya naman tumayo kaming lahat para batiin ito.

"Good morning miss!!" bati namin.

"You may now sit class, before we proceed to our discussion, my new classmate akong ipapakilala ko sa inyo.." at nagsimula naman ang bulong-bulugan sa paligid, kaya naman kaming apata napatingin sa isa't-isa, at tsaka bumalik ng atensyon kay Ms. Javier.

O_O  O_O  O_O  O_O

'ANONG GINAGAWA NYA SA LUXURY UNIVERSITY?' 

"My gosh! Hindi man lang sinabi ni Rence na papasok na sya sa L.U?!" sabi ni Myrrh.

Kahit ako hindi ako makapaniwala na nandito sya sa school. Bakit hindi nya sinabi sakin? Surprise ba ang peg nito?

"Hello guys! Ako pala si Rence Villaflores, tsaka pinsan hello! Kaway-kaway naman dyan!! sabi nito kaya naman napatingin naman kami kila Van at nakangiti lang ito.

At nagtama naman ang paningin namin ni Rence at ngumiti ito sakin pero inismiran lang ako nito.

'Ang sama nya bakit hindi nya sinabi sakin' 

At nagsimula na ang discussion ni Ms. Javier.

Lecture-Lecture-LECTURE..

Hay...Nakakaantok naman!

After a few hour natapos na ang klase at asula canteen na naman ang tungo naming apat, i mean tatlo pala kasi humiwalay na samin si Elaine. Err, you know magsosolo lang sila ng asawa nya.

Nagpaiwan naman ako sa kanila at sinabing susunod na lang ako, hay bakit kasi may favoritism tong si Ms. eh ako pa yung napiling magbura ng white board!

Habang naglalakd ako hindi ko inaasahan ang masasalubong ko.

'What the heck is she doing here!' 

"Oh hi!" bati nito sakin pero hindi ko ito pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad. "Seems magiging schoolmate tayo for a month.." sarcastic nitong sabi.

Napahinto naman ako sa paglalakad at humarap sa kanya.

"K.." tipid kong sabi sa kanya.

"Ganyan ka ba magwelcome ng new comer? Tsaka balita ko nasa iisang class kayo ni Rence, good to you girl, para may pagkakataon akong masolo si Gil.." at nagpantig naman ang tenga ko sa sinabi nya kaya naman napataas ako ng kilay."What? May mali ba sa sinabi ko? And by the way hindi ba sinabi ng bestfriend mo na nasa iisang class lang kami?"

"Ano bang gusto mong palabasin Princess?" iretable kong sagot sa kanya.

Dahan-dahan naman itong lumapit sa kin at saka bumulong sa tenga ko.

"Na ang sakin lang, hinding-hindi mapapasayo si Gil.." sabay tap nito sa balikat ko at umalis sa harapan ko.

Gusto ko syang sabunutan ng bonggang-bongga! The truth is ako ang mahal ni Gil at hindi sya! How dare she!!

Pero isa lang ang kinatatakutan ko. Paano kung malaman nila ang relasyon namin ni Gil? Tama pa ba tong ginagawa ko? Pero...

''Bakit hindi nya sinabi sakin to?' 

Ganito ba talaga ang salubong ng January sakin? Pinagt-tripan ba ako ng tadhana? Ang sabi sa feng shui seswertehen ako ngayong taon. Kakainis naman o! Sinugaling naman yun!

Napailing na lang ako sa sarili ko, at nagpatuloy sa paglalakad.

Kung anu-ano kasi ang iniisip mo eh! Napaparanoid na ko!!

CANTEEN.

"Uy Anna! Kanina pa kita hinahanap! Ang tagal mo! San ka ba galing?" salubong sakin ni Elica.

"Bakit mo naman ako hinahanap? Alam mo namang may ginagawa ako diba?" napakunot naman ako ng noo sa sinabi nya.

"Ewan ko dun kay Kuya Gil eh! Pinapapunta ka sa Secret Garden, uyyyy may D sila.." pang-aasar sakin nito.

"Anong D pinagsasabi mo dyan?"

"Hala umalis ka na nga sa harapan ko kanina ka pa hinihintay ng isang yun! Sige.." at tinulak ako nito.

Umalis na lang ako sa harapan nito at nagtungo sa Secret Garden. Pero iba yata yung nakita ko...

Isang eksena na hindi ko na dapat nakita...

"Gil?"

Myrrh's Notey: Hi! Short update lang po!! Babawi ako next time! Promise yan!  And thakies pala sa mga nagbasa nito! Nakakatuwa dahil 1k na sya!! Hahaha! Sayaa ko! Anyway enjoy reading!! May ipapasok akong bagng character sa  SABS.  ABAGAN!!

#MyrrhRamirez

She's A Boyfriend Stealer [CGS #2]Where stories live. Discover now