Chapter 25:

608 20 0
                                    

Author's Note: Hi! Medyo slow pa rin akong magupdate pero tinatry ko pa naman, anyways imagination ko lang pong ginawang rock yung weak ni jojo, parang ang ganda kasi eh.. Anyways here the update!!

***

She's A Boyfriend Stealer by MyrrhRamirez

Chapter 25:

Gilbert's POV:

Nakatingin lang ako kay Anna habang kumakanta ito, hindi ko maiwasang mapangiti habang tinititigan ko sya.

*dugdug dugdug* 

Nang matapos na silang kumanta ay agad itong tumakbo palabas kaya naman sinundan ko ito, bigla naman nitong linilagay sa tenga nya yung phone, may kausap yata?

Hay naku Gil ang obvious masyado ng tanong mo! malamang may tumawag sa kanya.

Nakatingin naman ako sa kanya ng maramdaman kong may malaglag na bagay na hawak ko, kaya agad ko namang dinampot ito.

Napangiti naman ako.

"Merry Christmas!!" sabi nito kaya naman napatingin uli ako sa kanya, napansin ko namang isinilid nya sa bulsa nya yung cellphone nya.

Kaya naman lumapit ako sa kanya ng hindi nya namamalayan.

"Anna.." sabi ko kaya naman napahinto at napatingin sakin.

"O? Kuya Gil? Bakit?" sabi nito sabay ngiti.

Hindi ako sanay na tinatawag nya akong Kuya dahil mag kasing edad lang kami.

"Merry christmas.." sabi ko at sabay abot ko ng regalo sa kanya.

Dahan-dahan naman nitong dinampot yung regalong hawak ko kaya naman kinuha ko na yung kamay nya at inilagay ko ito sa kamay nya.

"Salamat, merry christmas din.." sabi nito habang hindi nakatingin sakin.

*dugdug dugdug* 

Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko ng ngumiti ito sakin.

"Buksan mo.." sabi ko, kaya naman dali-dali naman nyang tinanggal yung gift wrap at nagulat naman ito ng makita iyon. "Di ba yan yung librong matagal mo ng hinahanap?" sabi ko.

Ang akala ko yayakapin nya ako sa sobrang tuwa ng makita nya yun, pero nagulat ako sa ginawa nya..

*tsup* 

Hinalikan nya ako sa pisngi.

"Thanks.." sabay bulong s tenga at umalis sa harapan ko.

She's A Boyfriend Stealer [CGS #2]Where stories live. Discover now