Chapter 21:

619 17 0
                                    

She's A Boyfriend Stealer by MyrrhRamirez

Chapter 21:

Anna Marie's POV:

"Gusto ko maging girlfriend mo ko.."

Nagulat naman si Rence sa sinabi ko, alam kong hindi nya inaasahan ang sasabihin ko sa kanya.

"Hindi ako nagbibiro Rence, di ba eto naman yung gusto mo? O ayan sinasagot na kita kahit hindi ka pa nanliligaw sakin." sabay ngiti ko naman sa kanya.

"Seryoso ka ba sa sinasabi mo Anna?" tumalikod naman ako sa kanya.

"Bukas na natin pagusapan to Rence..." at sabay pasok ko sa loob ng bahay.

Rence POV:

"Seryoso ka ba sa sinasabi mo Anna?" tanong ko sa kanya.

Tumalikod naman ito sa kin, naguguluhan ako sa mga pinagsasabi nya.

"Bukas na natin pagusapan to Rence.." at sabay pasok naman ito sa loob ng bahay nila.

At naiwan naman akong gulong-gulo ang isip ko. Ewan ko ba? Hindi ko alam kung bakit nya sinasabi sa kin to? Hindi kaya may nangyaring hindi maganda sa kanya.

Kanina habang papunta ako sa bahay nila Elaine ay bigla namang lumabas at nagulat naman ako ng yakapin naman ako nito. Ewan ko sa sarili ko at bigla na lang akong kinabahan nang niyakap nya ako.

Wala naman akong nagawa kundi ang icomfort sya, hindi ko alam ang dahilan kung ano ang iniiyak nya kaya hinayaan ko na lang sya na umiyak sa dibdib ko.

Tapos nagyon pumayag maging girlfriend ko? *kamot ulo* 

Ang gulo! Kailangan alamin ko ito bukas.

Princess POV:

*dingdong! dingdong!* 

Agad naman akong tumayo para pagbuksan ng pinto kung sino man yun. Pero laking gulat ko ng buksan ko yung pinto ay tumambad sa harapan ko si Gil.

"Gil? Gabi na ha! Napadalaw ka?" sabi ko.

Pansin ko naman sa kanya  ang mapupungay nyang mga mata, hindi kaya may sakit to?

Nagulat naman ako ng napatumba naman ito sa kin kaya naman sinalo ko ito.

"Gil?" tinignan ko naman ito pero mukhang tulog na ito.

Naamoy ko naman na amoy alak ito, kaya agad ko naman syang dinala sa loob ng kwarto para asikasuhin. Kumuha na ako ng basin at tsaka nag-init ako ng tubig at kumuha ng bimpo at sabay pinunas ko sa mukha nya.

"Wag mo akong iiwan.." napahinto naman ako sa pagpupunas ng magsalita ito.

"Hindi kita iiwan Gil.." sabi ko at tinuloy ko ang pagpupunas pero...

She's A Boyfriend Stealer [CGS #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon