Chapter Fifteen

1.2K 57 22
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.







KUNG hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan?
Kung hindi ikaw ay hindi na lang pipilitin pang umasa para sa ‘ting dalawa.

Maingat na nagmamaneho si Archie habang si Lianne ay mahimbing na natutulog sa upuan sa tabi niya. Halos dalawang oras na silang bumabyahe simula nang umalis sila ng Tagaytay kanina at hindi pa rin sila malapit sa kanilang destinasyon.

Giniginaw at hindi makagalaw
Nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw…

Hindi mapigilan ni Archie ang mapangiti nang marinig ang awiting Kung 'Di Rin Lang Ikaw na inawit ng bandang December Avenue at ni Moira dela Torre na nagpe-play sa radio ng kotse. Wala namang espesyal sa awitin. Sikat na sikat ito ngayon. At dahil sa tahimik ay nagawa niyang namnamin ang lyrics niyon. Pakiramdam niya kasi ay ginawa ang awitin na iyon para sa kanila ni Lianne.

Gaya ng sabi sa kanta, kung hindi rin naman silang dalawa ni Lianne hanggang huli ay huwag na lang. Kung tutuusin kasi ay patay na ngayon si Lianne. Nagkaroon lang siya ng pagkakataon na makulong sa isang time loop. Pinipilit niyang iligtas si Lianne mula sa kamatayan upang sa huli ay sila pa rin.

Kung 'di rin tayo sa huli, aawatin ang sarili na umibig pang muli.
Kung 'di rin tayo sa huli aawatin ba ang puso kong ibigin ka?

Ginawa niya ang lahat para mailigtas si Lianne sa kamatayan dahil gusto pa niyang magpropose dito. Gusto niyang ikasal pa silang dalawa, magkaroon ng mga anak at mga apo. Gusto niyang tumanda silang magkasama.

Pero kung ibinalik kaya siya sa panahon na unang nagkakilala sila ni Lianne, makikipagkilala pa ba siya dito kung alam na niya ang mangyayari? Na magiging sila pero mamamatay din naman ito? Iiwas na lang ba siya? Hindi na lang ba niya ito papansinin sa booksigning niya noon? Kung hindi niya kaya iniligay ang number niya sa book nito na binili ay hindi ito maaksidente?

Kaya lang kung hindi niya iyon ginawa ay hindi magiging sila. Baka iba ang boyfriend ngayon ni Lianne at siguradong pagsisisihan niya iyon habangbuhay.

Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipiliin bang umiwas nang hindi na masaktan?
Kung hindi ikaw ay sino pa ba ang luluha sa umaga para sa ‘ting dalawa?

Huminga nang malalim si Archie na sinundan ng malaking ngiti. Alam na agad niya ang sagot sa mga katanungan na iyon. Kung sa panahon na nagkakilala sila ni Lianne paulit-ulit na ibinabalik ng time loop ay ganoon pa rin ang gagawin niya. Makikipagkilala pa rin siya dito. Ilalagay pa rin niya ang number niya sa aklat nito na pinirmahan niya. Liligawan niya pa rin ito. Mamahalin niya pa rin ito kahit alam niyang mawawala din ito. Walang pag-aalinlangan niyang mamahalin si Lianne kahit sa huli ay alam niyang masasaktan lang din siya. Mas mabuti nang makaramdam ng sakit basta naranasan niya kung paano mahalin ng isang Lianne Isidro.

Bumibitaw dahil 'di makagalaw
Pinipigilan ba ang puso mong ibang sinisigaw?

Sa gilid ng mata niya ay nakita niya ang paggalaw ni Lianne. Sinulyapan niya ito. Humikab ito sabay unat ng mga paa at braso. Tumingin ito sa dinaraanan nila.

Kung 'Di Rin Lang IkawWhere stories live. Discover now