Chapter Eight

648 33 7
                                    

“TO BE HONEST, malaki ang ibinagsak ng sales ng books mo, Archie, simula nang magpakita ka ng mukha at malaman ng lahat na may girlfriend ka na. This collaboration with Knight, baka ito ang makapagsalba sa writing career mo. Yes, you have a talent. Walang duda. Pero alam mo naman na ang publishing ay isang business. Dapat ay hindi puro talent lang. Dapat ay bumebenta din ang books mo para mabawi ng kumpanya ang ipinuhunan namin sa iyo. Tinaasan pa rin namin ang TF mo dahil may tiwala kami kay Knight na maisasalba ka niya…” Tila alingawngaw na paulit-ulit na naririnig ni Archie ang huling sinabi ni Boss Benj sa kaniya bago siya umalis ng office nito.

Malinaw na malinaw sa kaniya na wala nang tiwala ang boss nila sa kaniya. Sabagay, tama rin ito. Negosyo ang publishing. Ginagawa lang nito ang sa tingin nito ay tama para kumita ito ng pera. Masakit man ngunit iyon ang katotohanan sa mundo ng industriyang ginagalawan niya.

Mabigat sa dibdib na tinanggap niya ang pakikipag-collab kay Knight. Marahil ay gagalingan na lang niya. Pipilitin niyang mas umangat kesa dito.

Malungkot siya nang umuwi sa kaniyang condo unit. Walang gana siyang humiga sa kama at tumingin sa kisame.

May dapat nga ba siyang pagsisihan sa pagpapakita niya ng mukha? Dapat bang isinikreto na lang niya ang relasyon nila ni Lianne? Pero si Lianne, ito ang klase ng babae na hindi itinatago. Dapat pa nga siyang magmalaki dahil may nobya siyang maganda, mabait, supportive at maunawain.

Teka, bakit ba niya iyon naiisip?

Kung naririnig lang siguro ni Lianne ang iniisip niya, malamang ay masasaktan ito. Wala siyang dapat pagsisihan. Hindi porket bumaba ang benta ng books niya ay mababawasan na niyon ang kakayahan niya bilang manunulat. Mas gagalingan pa niya. Ipapakita niya na mahusay pa rin siya at kayang ibalik ang dating sales ng books niya. Papatunayan niya iyon kay Boss Benj!


-----ooo-----


NANG mga sumunod na araw ay naging abala si Archie dahil sa collaboration nila ni Knight. Palagi silang nagkikita para mag-share ng ideas. Medyo naiinis lang siya kay Knight dahil halos wala itong maiambag sa ideas. Siya na lang lagi. Puro oo lang ito o kaya ay hindi. Kapag may naisip siyang idea, ire-revise lang nito ng kaunti at parang feeling nito ay ito ang nakaisip talaga.

Laking pasalamat ni Archie na sa kabila ng pagiging busy ay naiintindihan siya ni Lianne. Hindi muna ito nakikipagkita sa kaniya. Hinahayaan siya nitong makapag-concentrate sa ginagawa nila ni Knight. Nakakapag-usap pa rin naman sila sa telepono. Palagi nitong pinapalakas ang loob.

Makalipas ang dalawang buwan ay natapos na nila ni Knight ang nobelang ginagawa nila. Parang siya nga lang ang gumawa dahil abala din madalas si Knight sa pag-aaral. Agad iyong pinublished at naging mabenta. Naging top one pa iyon sa isang kilalang bookstore. Kaya naman nagsagawa agad ng booksigning ang Precious Life para sa book nila ni Knight na may pamagat na “Hell In School”.

Sa isang malaking mall sa Manila ginanap ang naturang booksigning dahil tila alam na ng Boss Benj nila na marami ang magpupunta. At hindi nga ito nagkamali. Punong-puno ang venue ng mga taong bumili ng book nila ni Knight na gustong magpapirma sa kanila.

Pumwesto na silang dalawa sa stage para umupo. Panay ang sigawan ng tao. Pero napansin niya na halos fans ni Knight ang naroon. May malaking banner pa ang mga ito. Ngunit sa kaniya ay walang may nagdala ng banner kahit isa. Ipinagkibit-balikat lang niya iyon. Naisip niya na baka nagtitipid ang mga readers at fans niya.

Inumpisahan na ang booksigning. Pumila na ang mga tao. Dahil dalawa silang nagsulat ng “Hell In School” ay dalawa silang pipirma sa aklat. Pero napansin ni Archie na karamihan sa mga tao ay kay Knight lang nagpapa-pirma at nagpapa-picture. Nilalampasan lang siya na para bang wala siyang naiambag sa aklat na iyon. Kung alam lang ng mga ito na siya ang halos nagsulat ng lahat ng nasa aklat at kaniyang ideya rin ang plot at twist ng naturang kwento.

Kung 'Di Rin Lang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon