Chapter Six

695 35 11
                                    

WALANG pagsidlan ang tuwa ni Lianne habang magkasabay silang naglalakad ni Archie sa mall. Kakatapos lang nila mag-lunch sa Jollibee. Nilibre siya nito. Doon daw muna sila kumain dahil wala pa itong sahod. Pero wala namang problema sa kaniya kung sa Jollibee. Masarap ang mga pagkain doon. Isa pa, aarte pa ba siya? Bukod sa libre na ay si Archie aka Mr. ArchAngel pa ang kasama niya. Ang swerte-swerte na nga niya sa part na iyon, e!

Lalo na ngayon, feeling niya ay magkasintahan sila ni Archie. Holding hands na lang ang kulang. Pero dapat ay itago niya ang kilig. Baka isipin nito ay nag-te-take advantage siya sa friendship nilang dalawa. Nakakahiya pa rin na siya ang unang magpapakita ng motibo. Dalagang Pilipina pa rin dapat.

Maya maya ay bigla silang nagkatinginan ni Archie nang hindi sinasadya ay nagkiskisan ang kanilang mga kamay. Namumula ang mukha na umiwas siya ng tingin sa lalaki.

Bakit may parang kuryente? Sa mga nobela lang niya nababasa iyong kuryente-thingy na iyon at hindi niya inaasahan na totoo pala iyon. Iyong mapapaigtad ka kapag nagkadaiti ang inyong mga balat. Tapos parang may mga paru-parong naglalaro sa tiyan mo. Ganoon ang pakiramdam!

Nagpatuloy sila sa paglalakad. Hanggang sa isang grupo ng mga babae na halos ka-edad niya ang nakasalubong nila. Lima ang mga ito. Wala namang kakaiba sa mga ito pero nakakapagtaka na pinakatitigan siya ng mga ito.

Humarang ang lima sa kanila ni Archie at kapwa masama ang tingin ng mga ito sa kaniya.

“Excuse me. May kailangan ba kayo?” tanong ni Archie. “Lianne, kilala mo ba sila?” tanong naman nito sa kaniya.

Umiling siya. “Hindi ko sila kilala.” May pagtatakang sagot ni Lianne.

“Sigurado kami. Ikaw 'yon!” sabi no’ng nasa gitna na ang angas tingnan. Malaki ang bulas nito.

“A-ako?” Itinuro pa niya ang sarili. “Bakit?” Puno pa rin siya ng pagtataka.

“Oo. Ikaw nga. 'Yong babaeng malandi na kasama ni Mr. ArchAngel sa picture!” sabi ng pinaka payat sa grupo. Parang isang ihip lang ng hangin ay tutumba na ito.

Bigla siyang kinabahan nang mahinuha niyang fan girls ni Mr. ArchAngel ang limang babae. Malamang ay kasama ang mga ito sa nag-send ng hate messages sa kaniya sa Messenger. Hindi lang niya matandaan ang mukha ng mga ito dahil ayaw niya talagang tandaan.

“Tama! Malandi ka talaga. Look, nilalandi niya si Mr. AA tapos ibang lalaki ang kasama niya ngayon!” Akusa ng isa na tadtad ng pimple marks ang mukha at may braces ang ngipin.

Gustong matawa ni Lianne ng sandaling iyon. Kung gayon ay hindi nakikilala ng mga ito na ang lalaking katabi niya ay si Mr. ArchAngel. Sabagay, walang mask si Archie ngayon. Hindi naman alam ng mga ito ang hitsura ni Mr. ArchAngel kapag walang mask.

Tila naramdaman ni Archie ang kaba niya kaya hinawakan siya nito sa braso. “Mga miss, nagmamadali kasi kami, e. Baka pwedeng makadaan na kami—”

“Tumahimik ka diyan!” Pigil ng nasa gitna sa pagsasalita ni Archie. “Oo, gwapo ka pero hindi mo kami mapipigilan. Ang dapat sa babaeng kasama mo ay turuan ng leksiyon. Malandi siya. Nilalandi niya ang favorite author namin tapos ngayon ibang lalaki ang kasama niya!”

“Sa tingin niyo ba ay matutuwa ang sinasabi ninyong author sa gagawin ninyo?”

“Ah, wala kang pakialam!” At bigla siyang hinila ng dalawa sa mga babae.

Nabitawan siya ni Archie at pinagsasabunutan siya ng lima. Mabilis namang umawat si Archie. Nabawi siya nito sa mga babae. Mahigpit siya nitong niyakap nang makita nitong hahampasin siya ng mga babae gamit ang kamay ng mga ito. Si Archie ang sumalo ng lahat ng hampas ng mga mapanakit na mga babae!

Kung 'Di Rin Lang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon