CHAPTER 21

1.9K 18 0
                                    

CHAPTER 21:

Dinala na ng mga pulis sina Kulas, amatz at Daisy sa kulungan at pati na rin ang isang lalakeng kagrupo ni Red Eye, dahil nakatakas si Red Eye at ang ibang kasama nito..

“Who punched you?” ang sabi ng pulis sa lalake ng makitang medyo may konting pasa ito..

“di ako nakakaintindi ng English..pakitagalog naman.” Ang sabi ng lalake

Aakmang tatagalog na ang pulis pero biglang inunahan ni Kulas..

“Sino daw si Panchio?” ang sabi ni Kulas

“Ahh ehh ewan ko, wala naman akong kilalang panchio, ano ba pangalan mo?” ang sabi ng lalake kay Kulas

“Kulas naman ang pangalan ko, baka isa sa mga kasama mo? Hindi mo ba chineck ang name nila?” ang sabi ni Kulas

“ah eh, ang pangalan naman nila eh Alex saka Ryan, baka nag iba na sila ng pangalan..” ang sabi ng tangang lalake..

“Hindi iyon ang ibig kong sabihin!!! Ang sabi ko sino sumapak sa iyo!” ang sabi ng Pulis sa tangang tauhan ni Red Eye at bigla rin itong humarap kay kulas at pinagalitan.” Ikaw naman, huwag ka ngang sumasabat pag di ka kinakausap..”

“Sorry naman po..” ang sabi ni Kulas

Pagkatapos nilang magpaliwanagan at mahina ang ebidensiya na hindi nga sila ang naunang nanggulo ay pansamantalam una silang kinulong sa kulungan…

“Sige pasok muna kayo dyan ah..” ang sabi ng pulis at pinasok na silang lahat sa kulungan..

“Teka mamang pulis! Hindi na naman naka-lock oh.. ikaw talaga pasaway! Pag ako nakatakas ah hindi ko na kasalanan yan!! “ agn sabi ni Kulas

“hayaan mo na, andyan ka naman para bantayan mo sarili mo para di makatakas diba?” ang sabi ng pulis

“Adik din tong pulis na to eh noh.. paano na tayo nito Kulas! Kasalanan mo to sinama sama mo ko dito” ang sabi ni Amanda

“Hoy wag mo kong sisihin dahil may kasalanan ka din! Di mo ko inantay at nakipagdate ka na sa iba..” ang sabi ni Kulas

“Kuya nagugutom na ko… di pa ba tau uuwi, tawagan mo naman si Tiyang para hatdan tayo ng pagkain dito.. “” ang sabi ni Daisy

“ikaw tumigil ka dyan, tiisin mo yang gutom mo.. sasali Sali ka pa kasi sa fliptop wala naman tayong hinita dyan..” ang sabi ni Kulas

“Kuya naman eh, alam mo naman ito ang passion ko eh, siempre kahit walang papremyo masaya naman ako dahil natalo ko iyong isang matang iyon! Nag iisang mata na nga lang may muta pa!” ang sabi ni Daisy…

“Sana nga lang makarating agad si Mam Lenie at si Red, tinawagan ko na sila..” ang sabi ni Amanda..

Sa Kabilang Banda..

Nagmamadali sina Lenie at Red sa presinto.. kaya hinarurot ito ni Red ang kanyang kotse..

“Red, alam kong nagmamadali tayo para makaabot si Amanda sa beauty contest pero kung ganyan naman na malapit na ang disgrasya sa atin dahil sa bilis mo eh baka lalong mapasama pa.. bagal bagalan mo naman..” agn sabi ni Lenie

“ma’am lenie, kaya nga po binibilisan ko eh para di tayo maabutan, sabi mo malapit na ang disgrasya..!.. saka gusto ko talaga makaabot si Amanda.. sayang naman kung di sia makakasali..” ang dahilan ni Red..

“sige paliparin mo!! Siguraduhin mong uuwi ako na hindi malilipat ang ilong ko sa tuhod ko ah!” ang sabi ni Lenie..

Sa Kabilang Banda..

PAKNERS IN CRIME (COMEDY) by Athena Adamas [ongoing series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon