CHAPTER 46

905 22 8
                                    


Chapter 46

Pag alis ng mga tropa ni Kulas at sina Tiya Nac at Daisy. naiwan na lamang si kulas at Amatz sa Ospital.

bigla namang tumalikod si Amatz na may paisnab pa kay Kulas at sabay lakad palayo.

"So anong drama yan Amatz? pakipot mode ba yan? eh di mo nmn ako jowa para magpakipot ka at para maghabol sayo!" ang sabay sabi ni Kulas

"Alam mo kaya hindi ka nagkakajowa kasi sa ugali mo, wala kang karoma-romantic sa katawan!" sabay harap at sabi ni amatz

"Masakit sa ulo magkajowa, kelangan mo ng pera, kelangan mo ng oras at higit sa lahat kelangan mong mag enroll sa eskwelahan at di ko alam kung anong kurso kkunin ko para maintindihan ang mga babae at pano kayo ispellingin!"

"kaya ba pumayag kang maging secret bodyguard ko para magkapera ka, ginamit mo ang pagiging magkaibigan natin na buong akala ko totoo kang kaibigan, na lahat ng pinapakita mo eh totoo at sincere pagkatapos hindi pala totoo lahat ng yon! niloko mo ko kulas! sinayang mo tiwala ko!" pasigaw at sabay umiyak si Amatz na biglang napasandal sa pader at may paghawak pa sa pader habang humahagulgol pababa at napaupo sa sahig!

sabay nagpalakpakan ang mga tao sa ospital at nagbubulungan!

"nagsho-shooting ba sila?" bulong ng isang nurse

"siguro! pero nasaan ang camera? Indie Films siguro to ano? di ko kasi kilala mga artista" sabay sabi ng isa

"pero ang galing ng babae umiyak no! at ang lalake nakakakaawa ang itsura!" sabay sabi ng isa..

Napatayo bigla si amatz at inayos ang sarili sabay walk out sa ospital. hinabol naman ito ni Kulas

"Amatz, saglit lang! hayaan mo nmn ako magpaliwanag Pakner!"

"Wag mo kong tatawaging pakner! pagkatapos ng ginawa mo, sa tingin mo magpakner pa rin tayo?"

"wala akong ginawa at wala akong dapat ikakunsensia! teka pwede ba.. di tayo pang drama kaya wag mo nmn seryosohin to. Ang pangit ko na sa comedy,ano pa kaya itsura ko kapag nagdrama ako! Maawa ka naman, kahit sa ending lang maging gwapo naman ako sana!"

Humarap bigla si amatz sabay sabi " sige, makikinig ako sa kasinungalingan mo.. anong rason mo bakit mo ginawa yon aber?"

"Kasinungalingan man ang mga sinasabi ko sa paningin mo, pero ang puso mo ang makakakita ng katotohanan sa mga sasabihin ko! kaya makinig ka sa puso mo, dahil di sia nagsisinungaling.. " ang matalinhagang sabi ni Kulas sabay bulong ng "Naks! sinabi ko ba yon? akalain mong makata talaga ako ano! hehe! pwede na nga siguro ako magtry manligaw sa chicks ang galing ko ng mambola..

"Pwes, di tumalab ang bola mo! Che!" sabay talikod at akmang mag wa-walk out uli, narinig pala nia ang bulong na pasimple ni Kulas

Hinabol ni Kulas at hinarangan nia ito sabay sabi " aww! sorry na, di ka na mabiro.. masyado ka kasing seryoso, comedy nga tayo diba.. osha sige na magpapaliwanag na ko."

"bilisan mo at naiinip na ko!" ang masungit na sabi ni Amatz..

"Amatz, sorry na.. wala nmn sa plano talaga ang pagtanggap ko as secret bodyguard mo eh.. napasubo lng ako dahil nanay mo ang nagpiyansa skin sa kulungan.. dahil kasalanan mo kaya ako nakulong" ang sabi ni Kulas

"At ngayon binabaliktad mo na ang sitwasyon.. ako na ngayon ang may kasalanan.. hay naku! dyan ka na nga!" ang walk out muli ni Amatz

"teka lang teka lang.. sorry na! sige na ako na may kasalanan.. Kasalanan ko kasi dahil binangga kita kaya naghalo ang pera natin.. kasalanan ko dahil naframe up ako kaya ako nakulong dahil kesyo ninakaw ko ang pera mo.. ay mali.. kasalanan ko dahil di ako nagpaliwanag ng maayos kung bakit naghalo ang pera natin kaya nakulong ako.. ayan ah.. ( at nagkaron ng konting katahimikan at humarap na si Amatz kay Kulas na parang handa na sia makinig pa sa mga susunod niang paliwanag) .. Sorry na Amatz, nung tinanggap kong maging secret bodyguard, di ko inaasahang magiging magpakners in crime pala tayo, di ko akalaing magiging swabe ang friendship natin.. lalo na ang dakutan ng B at G natin, nasarapan ako dun este mamimiss ko un kung di na natin gagawin pang muli yun.. (at naghagikhikan silang dalawa)

Sana mapatawad mo na ko Amatz, at kung mapapatawad mo na ko. pwede bang mag apply sayo bilang lifetime bodyguard mo? lifetime bestfriend mo? at lifetime dakutan pakner mo ng B at G?.. at lifetime..."(sabay takip ni amatz sa bibig ni Kulas sabay dugtong niya ng..)

"...at lifetime Pakners in Crime mo... I love you pakner! sorry na, alam kong may kasalanan din nmn ako bakit napasubo kang maging secret body guard ko.. pinapatawad na kita, kaya quits na tau ah." ang sagot ni Amatz.

"talaga! yehey!!" sa sobrang tuwa ni Kulas, napayakap sia kay amatz at muntikan ng mag kiss sa lips!

"teka! teka! ang usapan magpakner lang! kung matuwa ka nmn parang sinagot na kita!" ang sabi ni Amatz

"kadiri ka pakner! tingin mo naman liligawan kita! pero pwede ba pakiss? friendly kiss lang nmn eh"

"sige sige! pero sa kili-kili ah!" ang sabi ni Amatz

"sige na nga, mahilig nmn ako sa maasim eh! " ang sabi ni kulas

at nagkiss nga ito na may pagdiin parang batang nagkikiliti sa kili kili!

"pakner! nag bunot ka ba?" ang tanong ni kulas

"hindi eh, pwede ikaw na rin pakner ko sa pagbubnot ng buhok ko sa kili kili?"

"osha sige na nga, ako na magbubunot niyan, tara sa bahay, ang dami nating drama! nagutom tuloy ako" ang pagyaya ni kulas na may pag akbay pa kay Amatz

"habang naglalakad.. biglang may lumipad na papel sa harap nila"

"Wanted Detective! Pakner, eto na yata kasagutan sa mga pangarap ko, para may extra income ako.." ang sabi ni Kulas

"oo nga ano pakner.. gusto mo samahan kita. Mukhang masaya yan!!" ang masayang tugon ni Amatz

"Sige pakner, mukhang masayang magsolve ng kaso.. hehehe"

"Kulasss!!" ang biglang sigaw ng isang lalakeng papalapit sa kanila

Abangan!



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PAKNERS IN CRIME (COMEDY) by Athena Adamas [ongoing series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon