Chapter 36

1.3K 21 5
                                    

CHAPTER 36:

“sige pag nilibre ka ba namin ng alak eh, may mapapala ba kami sa iyo? Matutulungan mo ba kami sa problema mo ah??” ang sabi ni Ryel

“Sus iyon lang pala eh, sisiw lang iyan!” ang pagyayabang ni Kulas

“Siguraduhin mong sisiw nga lang at mamaya itlog palang pala iyan..” ang singit ni Carmilo

“Eh ano pa bang inaantay natin Ryel, lasingn natin tong si Kulas, masusulusyunan pala problema ko eh, walang atrasan na to kulas ah, nawalan ako ng singsing, paano mo iyon mapapalitan?” ang sabi ni Aldrin

“kayang kayang gawan ng paraan iyan!!” ang sabi ni Kulas

“Aba, paano mo iyon malulutas, ang tagal ko kaya pinag ipunan iyon.. Teka nga pala bago tayo magkalimutan may utang ka pa pala sa akin ah!!” ang sabi ni Aldrin kay Kulas

“Nyemas kelan iyon ah? “ ang pagtataka ni Kulas

“Nung isang linggo, nangutang ka sa akin noon kaso nga lang lasing ka non..” ang sabi ni Aldrin

“ah iyon ba? Naku bayad na iyon eh..” ang sabi ni Kulas

“hala kelan ka nagbayad? Wala akong natatandaan..” ang sabi ni Aldrin

“Nung lasing ka din, nagbayad ako non.. wala pa nga iyong sukli ko eh..” ang sabi ni Kulas

“Hahaha! Kala mo Aldrin maiisahan mo si Kulas, eh mas wais pa sa matsing yan! Hahaha!” ang pagsingit ni Carmilo..

“Ano ba, baka usapang lasing naman yan Kulas..” ang sabi ni Ryel..

“Wala ka ata bilib sa akin eh, ano ba, interesado ka ba ah, kung hndi edi si Aldrin nal ang tutulungan ko..” ang sabi ni Kulas

“Sige na nga, siguraduhin mo lang epektib yan ah..” ang sabi ni Ryel

Nagbulungan na nga ang magkakaibigan, at sinabi na rin ni Kulas kung anong diskarte ang dapat nilang gawin..

Kinabukasan..

Pagdating sa school..

Habang pumapasok sa eskwelahan ang magkakaibigang Ryel, Carmilo, Aldrin at Kulas ay may mga kaklase na silang nakakasalubong at binabati si Kulas..

“Pare hanep ka talaga! Idol!!!” ang sabi ng isa nilang kaklase at inappear-an si Kulas at saka umalis

Nagtaka naman ang magkakaibigan bakit sinasabi nitong idol nia si Kulas

“Pare, may tagahanga ka pala akalain mo iyon..” ang sabi ni Carmilo

“siempre, iba na tlga ang gwapo.” Ang pagyayabang ni Kulas

Maya maya may kumamay naman sa kanya at sinabing .. “buong akala ko pare torpe ka.. tsk.. tsk.. matinik ka din pala! Lufet mo!! Sige pare alis na muna ko..” ang sabi ng nakasalubong na naman nilang kaklase nila at umalis din naman ito agad... takang taka ang magkakatropa, at lahat sila’y nakanganga na parang naghahanap ng kasagutan kung ano ba ang nangyayari, biglang nagsalita din si Kulas at binasag ang katahimikan

“Pare, sabhin ninyo sa akin ang totoo.. kayo ba’y may inalok na babae sa akin sa bar kagabi ah habang ako’y lasing ah?? At pinagkalat nio ang nangyari?? Bakit ganon ang mga reaksyon nila na parang may ginahasa akong babae ? sabihin nio ang totoo!!” ang sabi ni Kulas sa mga tropa nia..

“Pare, gagawin ba naming sayo yon!! Edi sana kami din meron noh! Alanganamang ikaw lang ang masaya hahaha! Joke!” ang sabi ni Carmilo

“Pare, di kaya ikaw ang umalis at pumuntang bar pagkatapos ng inuman natin at sinisisi mo pa kami ah..” ang sab ni Ryel

“Hay naku, ignore nio nga muna yan at pumasok na tayo bago pa tayo mahuli..” ang sabi ni Aldrin..

“nakakapagtaka kasi eh, tingnan mo yung iba na di ako kilala kung makatitig parang may krimen talaga akong ginawa eh.. ano ba kasalanan ko.. wahhh!! Di ako pumatay kay Rizal, maaaring si Lapu lapu pa pinatay ko dahil iyon ang pulutan naming kagabi! Nyemas!!” ang sabi ni Kulas

Pgkapasok nila sa eskwelahan, tumpukan ang mga estudyante sa isang bahagi ng eskwelahan dahil may mga litratrong nakapaskil..

Napatingin silang lahat kay kulas at sabay tingin din sa litratong nakapaskil..

Nagtataka naman ang mga magkakatropa kung ano nga ba ang pinagkakaguluhan nila sa litratong iyon..

Sa nagtutumpukang mga tao ay biglang lumitaw doon si Amatz..

“Pakner, ano ibig sabihin na tong mga litratong ito??” ang sabi ni Amatz

“ang alin?? Saan??” ang pagtataka ni Kulas at sabay sumugod sa mga litratong nakapaskil..

“Wow hanep! Ang cute ko dito ah.. teka si.. si. Lani to ah!! Hehe, bakit ganyan ang kuha nakayakap ako.. ahh, ano kaya nga ba nangyari sa part na to?? Uhmm ah oo, yan yung may problema sia.. sayang naman sana dito sa angulo sia banda kumuha para mas malinaw ang face ko, dibale, talikodgenic pa rin naman ako eh.. hehehe” ang sabi ni Kulas na parang wala lang sa kanya ang nakita nia sabay tiningnan nia pa ang mga iba pang picture.. “Wow, ako uli to ah.. hahaha! Bagay talaga sa akin itong gupit na to oh.. papagupit nga ko uli nian, teka si ano to ah, wahhh! Si Rich to eh, bakit nakayakap din ako sa kanya? Ay tama eto iyong nakiusap ako sa kanyang gawan nia ko ng thesis, hahaha!! Hanep galing tyumempo ng photographer ah! Idol ba nia ako? sino kaya photographer na to.. heheh” ang sabi uli ni Kulas

“Kulas ano ba pinagggawa mo bakit may mga picture kang ganyan??” ang sabi naman ni Amatz..

“abay malay ko, baka type lang ako nung kumukuhang yan,.. teka kuha lang ako ng bolpen pipirmahan ko, baka kasi need nia rin ng autograph galing sa akin hehe..” ang sabi ni Kulas at habang pinipirmahan nia ang mga pictures nia ay nakatawag pansin ang isang litrato..

“Teka ako to saka si Ely Pante ah! Nyemas walang patawad pati pala kay ms ely meron akong litrato hahaha!! Teka bakit parang naghahalikan kami dito?” ang sabi ni Kulas at tinitigan pang mabuti ang litrato para maalala nia ang eksaktong naganap noon at biglang nagsabi sia ng “ Tama! Naalala ko na hahaha! Yan yung napuying sia at saktong napadaan ako at nakiusap na hipan ko ang mga mata nia hahahah!! Ang galing ng photographer talaga ,naipalabas niang parang naghahalikan.. heheh” ang sabi ni KUlas

“tawa ka pa dyan ah!! Di mo ba alam na sinisiraan ka ng gumawa nian.. “ ang sabi ni Amatz

“Pero mas malala naman tong picture mo kesa dyan, tingnan mo to..” ang sabi ni Ryel

“patingin nga..(at inagaw bigla ni Kulas) wahhhh!! Kami ni Sir kulafo? Ano to!! Saan to bakit may ganto kaming kuha.teka isipin ko nga.. ah alam ko na, di nia kasi masara zipper nia kaya nagpatulong sia sa akin sa CR.. badtrip naman oh, chikboy nga ako, pwede sa chicks pwede rin sa boy.. hanep!” ang sabi ni Kulas

“parang may nais gawing di maganda ang gumawa nito. Sino naman kaya ang salarin.. “ ang sabi ni Aldrin

“baka naman may mga naiinggit kay kulas, pero ano naman ba kakainggitan sa mokong na yan eh wala ngang kachicks chicks yan.. haha” ang sabi ni Carmilo

“Hindi kaya may nais siang paselosin? Eh sino naman?” ang sabi ni Ryel

“Ako.. malamang ako.. dahil ang akala ng iba eh magjowa kami ni Kulas, parang kilala ko na kung sino yan..” ang sabi ni Amatz

“nagseselos ka nga ba pakner? Hehe.. aminin mo ? nagseselos ka nga ba? Weeeeeee..” ang pang aasar at pagbibiro ni Kulas..

“Tumigil ka nga dyan, baka bunutin ko yang B mo na nagtatapos sa G eh..” ang sabi ni Amatz

“ayan ka na naman pakner nagsimula ka na naman ah.. naubos na natin ang B at G meron pa bang natira ah?? Bakit wala pala tayong picture, sayang naman..”

“kelangan nating malaman kung sino ang may pakana at ano ang kanyang pakay..” ang sabi ni Amatz

“Tama ka dyan pakner, dahil wala na kong dangal, sinira nia na pagkatao ko’t pagkalalake, paano pa ko magkakachicks nian, isipin lalo na chickboy ako.. wahhhh

PAKNERS IN CRIME (COMEDY) by Athena Adamas [ongoing series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon