Chapter 29

1.6K 18 0
                                    

CHAPTER 29;

Bumaba na rin si Ryel at nakita niyang busy si Dette na nanonood ng TV, dumeretso muna ito sa kusina para ihatid ang kanyang pinagkainan..

“Yaya, sorry po sa inasal ko kanina.. nabigla lang po kasi ako dahil di ko akalaing nakatulog ako sa ibang bahay.. pasensia na po..’ ang sabi ni Ryel

“Wala iyon, naiintindihan ko naman..oh akin na yang pinagkainan mo’t huhugasan ko na..” ang sabi ni Yaya..

“Yaya, nasaan po mga magulang ni Dette..” ang sabi ni Ryel

“Nasa ibang bansa, maliit pa lang si dette ako na halos nag alaga sa kanya, bihira umuwi ang kanyang mga magulang kaya parang halos anak na rin ang turing ko dyan kay Dette kaya naman natuwa ako’t napalaki ko naman sya ng ayos , kahit wala dito mga magulang niya eh di naman sia napariwara, sa katunayan nga, never pa nagkakaboyfriend yan sa buong buhay nia..” ang sabi ni yaya..

“ganun po ba,.. pero sa mga kilos ni Dette iisipin mong parang nakailang bf na.. hehe..” ang sabi naman ni Ryel

“mahilig kasi yan magbasa ng about fashion at pati nga lakad ni Shamcey Supsup na catwalk talagang ginagaya nia.. hehehe! Namimisinterpret sia ng ibang tao dahil malambing syang bata.. pero mabait yan si dette..” ang sabi naman ng yaya..

“maraming salamat po yaya sa infos, siguro uuwi na rin po ako at baka nakakaabala na ko.. maraming salamat po at pasensia po uli sa abalang ginawa ko..” ang sabi ni ryel at nagpaalam na rin ito kay yaya

Nang palabas na si Ryel ay nadaanan nito si Dette..

“Dette..” ang pagtwag ni Ryel ngunit di sia pinapansin ni dette, sinubukan nia uling tawagin ng pangalawang beses ay di pa rin ito pinapansin pero nagsalita pa rin ito.. “Dette, sorry as abala, sorry din kung hinusgahan kita.. alam kong nasaktan kita, gagawin ko lahat.. mapatawad mo lang ako..” at tumalikod na ito at pinlanong umalis na..

“ryel…” ang pagpigil ni dette, napangiti naman bigla si ryel dahil napansin din sia sa wakas at paglingon nia..

“pinapatawad mo na ko?” ang masayang sabi ni Ryel

“hindi… gusto ko lang sabihing may muta ka pa, maghilamos ka kaya muna at magmumog dahil may tuyong laway pa dyan sa gilid ng labi mo..” ang sabi ni dette saka ito tumayo at umakyat sa kwarto niya..



Kinabukasan..

Nasa mahabang upuan si Amanda noon sa loob ng school nila at nakaupo ito sa medyo bandang dulo at nakapatong ang bag nito sa pinakadulo… habang si Ely Pante ay napadaan at pinlanong umupo rin sa upuang iyon dahil may nais syang hanapin sa bag nito na hindi niya Makita..

Maya maya, dumating si Kulas at tinawag si Amanda..

“Amanda!!! Amanda!! “ ang dali daling tumatakbong si Kulas.. At bigla rin namang napatingin si Amanda at nang mapansin niyang si Kulas ang tumatawag ay bigla itong tumayo na syang ikinabagsak ni Ely Pante at tyempo namang natapakan din ni Kulas ang kamay nito nang siya’y napabagsak..

“Aray!! ARay!!!” ang sabi ni Ely Pante, dali dali namang lumapit si Kulas at Amatz

“Ma’am naku po sorry po.. di ko po sinasadya..” ang sabi ni Amatz

“Naku po, bumagsak ang ely pante.. este bumagsak si mam ely.. lagot na!” ang medyo pabulong na sabi ni Kulas

“bitawan nio ko!! Mga pasaway kayo!! Wala kayong galang..” ang sabi ni Ely Pante sa inis nito

Binitawan din naman agad ni Amatz at Kulas at bumagsak muli itong si Ely Pante dahil sa pagkabiglang bitaw nito nang tinutulungan sana siang patayuin
“ARaaaaaaaayyyyyy!! Mananagot kayong dalawa!!!’ ang sigaw ni Ely Pante

Tinangkang tutulungan siang muli ng dalawa ngunit nagkaphobia na ito at sumesenya na wag na..

Dali dali namang umalis ang dalawa at nagkatawanan…

“Pakner, pasaway ka talaga! Hehehe! Parang ang malas malas lagi ni Elepante sa atin” ang sabi ni Kulas

“oo nga eh, tiyak di na nia papangarapin pang makasalubong tayong muli.. hahaha.” Ang sabi ni Amatz

At naghanap ng mapagtatambayan ang dalawang magkaibigan..

“Alam mo Kulas, nakakatawang isiping, ang pangit ng una nating pagtatagpo tapos di natin akalaing magiging magbestfriend tayo.. pero alam mo, masaya ako.. masaya ako dahil andyan ka parati para tulungan ako..” ang sabi ni Amanda..

“Oo nga eh, halos gusto kong isuka ka dati dahil ikaw ang rason sa muntik ko ng di matupad na mga pangarap..” ang sabi ni Kulas

“alam ko.. kaya nga sobrang nakokonsensia ko non, kaso naunahan ako ng takot.. pero paano ka nga pala nakapag enrol ah?” ang sabi ni Amanda..

“Ah eh.. actually Amanda. Mmaaaayy gusto san..a akong sabihin sayo eh..” ang sabi ni Kulas na hindi nia masabi sabi ang totoong rason at halos gusto na nitong aminin ang napag usapan nila ng ina ni Amanda..

“Ano iyon? Wag mong sabihin sa aking naiinlove ka sa akin ah.. naku pareho tayong may “B” at nagtatapos sa “G” kaya di tayo talo..” ang sabi ni Amatz

“huh? Lalake ka dati?” ang pagkagulat ni Kulas

“ahahahaha!! Sira!! Hindi noh!!! Pareho tayong may bewang! Haha! Kala mo kung ano noh!” ang sabi ni Amatz

“ah ganon? Kala mo ikaw lang may alam niyan ah.. uhmm sige, pag di mo to nahulaan dadakutin ko ang iyong “S” na nagtatapos sa “O”” ang sabi ni Kulas na gustong gumanti..

“hahaha!! Si Amanda pa kinalaban mo eh mas mahalay to kesa sayo!! Sige dakutin mo na ang “S” ko na nagtatapos sa “O” dahil papahimas ko pa sa iyo!!” ang pang aasar ni Amanda

“hala pakner! Hindi nga papahimas mo sa akin yan?” ang pang tataka ni Kulas

“oo papahimas ko pa sa iyo ang siko ko! Hahaha! “ ang sabi ni Amanda

“ay ang daya mo, pano mo nalaman iyon.. kainis naman” ang sabi ni Kulas

“Mag aral ka muna ng pagkamahalay, kasi di ka mananalo sa akin.. hehe..” ang sabi ni Amanda at nagsimula na itong kunin ang kanyang ipod at nakinig na lamang ng music habang nag uubos sila ng oras para sa una nilang klase..

Medyo may pagkamalungkot ang mukha ni Kulas dahil di nia alam kung paano nia aaminin ang napagkasunduan nila ng ina ni Amatz, dahil tiyak hindi nito magugustuhan at napamahal na rin sa kanya si Amatz bilang kanyang bespren..

“Kulas..Kulas..” ang sabi ng lalakeng tumatawag sa kanya..

napalingon naman agad si Kulas at nakita nito si Red..

“Oi pareng Red, andyan ka pala.. kamusta ka naman? Ano maipaglilingkod ko? Ang sabi ni Kulas

Hindi naman napansin ni Amanda na tumayo si Kulas at lumapit kay Red dahil nakikinig ito ng music habang nakapikit pa..

“Kulas, alam kong may sikreto kang tinatago..hindi ko gusto ang ginawa mong panloloko kay Amanda..” ang sabi ni Red na tinutukoy nito ay ang pag aakala niyang magjowa si Lani at Kulas

“Naku Red sasabihin ko naman talaga sa kanya ang totoo eh, humahanap lang ako ng tiyempo.. please wag mo muna kong unahan, aamin naman ako pare eh.. saka paano mo nalaman iyon?” ang sabi ni Kulas

“Hindi na importante iyon Kulas, andito ko para protektahan si Amanda.. kaya ayaw ko sa mga taong mananakit sa kanya lalong lalo ka na.. kaya binabalaan kita pag di mo tinigil ang ginagwa mong panloloko kay Amatz.. mananagot ka sa akin.. usapang lalake iyan ah!” ang sabi ni Red..

“Oo pare, bigyan mo lang ako ng panahon.. aamin din ako sa kanya, ayaw ko lang masira mood nia..” ang sabi ni Kulas..

Tumapik sa balikat si Red at dinuro nia ang dalwang daliri nia sa mata nia at ibinalik ang pagduro kay Kulas na nagsisimbolong, nakabantay sia sa lahat ng ikinikilos nito..

Umalis na rin si Red at bumalik na rin sa upuan si Kulas..

“Oh, saan ka galing?” ang sabi ni Amanda na naramdaman nito ang pag upo muli ni Kulas at tinanggal ang earphone..

“ah wala.. may kinausap lang..” ang sabi ni Kulas na problemado..

“ah ganon ba.. ayus ka lang ba?” ang sabi ni Amanda..

Tinitigan naman ito ni Kulas si Amanda na parang gusto ng magsalita pero nauunahan ng takot na baka mawala sa kanya si Amanda..

“Amanda.. natatakot ako..” ang tanging nasambit ni Kulas

“Saan? Anong problema ba?” ang sabi ni Amatz

“Natatakot ako na darating ang panahon.. iiwanan mo kong mag isa..” ang sabi ni Kulas

“bkit nama?”

“Kkaassii iiwanan mo kong mag isang nakaupo dito dahil may gagamba sa tabi mo!!!” ang sigaw ni Kulas

At sa takot ay napatayo si Amanda at nagtititili..

Tawa ng tawa si Kulas at halos humiga na ito sa kakatawa dahil sa natatawa sia sa itsura ni Amanda pag natatakot..

“Siraulo ka kulas!!! Hayop ka talaga..huhuhu”” ang mangiyak ngiyak na sabi ni Amatz

“hahaha!!! Hindi man ako sing galing mo pagdting sa halayan, pwes sa kalokohan mas lamang ako sa iyo! Hahahah!” ang pang aasar ni Kulas

PAKNERS IN CRIME (COMEDY) by Athena Adamas [ongoing series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon