Chapter 7

105 6 1
                                    

Pagkatapos ng lunchbreak ay pumasok na ulit sa mga class namin. Natapos ang unang subject sa hapon ng pumasok si Chennise.

"Anong ginagawa ni Ms.Chennise dito?"

"Wow. Mukhang nagpalipat ng section si Ms.Chennise."

"My God ang ganda niya."

Bulong dito bulong doon. Pero bakit nga ba nandito si Chennise?

Halos kakapasok pa lang niya ng pumasok rin ang guro.

"Good afternoon class." Bati ni Sir.

 Nagsitayo kami at gumanti ng bati sakanya.

"Ms.Chennise please take your seat. Starting today, she's part of this section. Alright Class?"

"Alright Sir." Lahat ay sagot.

Habang lumalakad siya ay sinusundan siya ng mga tingin, Paghanga at pagtataka.

huminto siya sa tapat ng upuan sa harapan ko. Kahit may nakaupo na. Tinignan niya lang ang nakaupo dun. At dali daling tumayo naman yung lalaki. Nakakabilib na sila. Isipin mo titignan lang napapaalis na nila yung tao. Pano kung magsalita pa diba?

Katabi ko parin si Cloud.Kinulbit niya si Chennise

"Princess, What are you doing here?" Bulong niya. Himala bumulong. Haha. Pagkakaalam ko kasi batas tong lalaking to eh.

"Why? I just want in here. My section is kind of boring." Simpleng sagot niya.

"And you thought this class is not boring?" Tanong parin ni Cloud,

"Yeah, Because you guys are here. You,Skye and of course Paige." Sagot niya ng hindi man lang  humarap sa kausap.

"Ibig sabihin gusto mo kong makasama sa klase?"Ako naman ang nagtanong.

"Yeah.." Tumalikod siya at humarap sakin. " Is there something wrong?"

"Ah, wala. Syempre gusto rin kitang makaklase." Ngumiti ako sakanya.

Tumalikod na ulit siya.

"Ah. Mr. and Ms.Varndelle. Pwede na po ba akong mag umpisa magturo?" Alanganing tanong ni Sir.

"You may proceed." Good na sabi ni Chennise kay Sir.

Parang hindi guro ang kinausap no? Haha. Kakaiba talaga dito.

"Thank you Ms.Chennise." Sabi ni Sir at nagpatuloy na siya sa mga aralin na dapat niyang ituro.

At pagkatapos ng tatlong subjects ay uwian na. Sabik na nagsitayuan ang mga kaklase namin at lumabas ng room.

Tumayo narin ako. Pero kampante paring nakaupo pa rin ang tatlo. " Uy di pa ba kayo tatayo diyan? Tapos na po ang klase." Tanong ko sakanila.

" When they're all out in this room. Doon tayo lalabas." Sagot ni Cloud sa tanong ko at hinawakan ang kamay ko at hinila ako paupo sa upuan sa tabi niya.

Ako naman ay hindi na nagkomento pa.

"Uy may tanong ako." Sabi ko.

Tinignan lang ako ni Chennise, Si Cloud naman "Ano yon?".

"Bakit espesyal ang trato nila sainyo dito?"Tanong ko sakanila.  Nagkatinginan si na Cloud at Skye. Si Chennise naman kampante paring nakaupo. "Samantalang pare-pareho naman kayong mayayaman. Pati yung mga guro parang kinakabahan pag kakausapin kayo."

The other side of PaigeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon