Chapter 20

38 3 1
                                    

Kasalukuyang inaayusan na si Paige sa kanyang kwarto at nasa tabi niya ang kapatid niya na hindi siya iniwan mula kanina. Tinignan ni Paige ang wall clock, 6:30PM. Kalahating oras nalang at mag uumpisa na ang kanyang party. Feeling niya tuloy ay magde-debut na siya sa sobrang gara ng ayos niya. Hindi pa niya nakita ang sa baba dahil ayaw siya palabasin ni Yaffa sa kwarto niya, kaya mula kanina nakakulong sila sa kwarto at nagkukulitan.

Pumasok ang Papa niya ng di nila namamalayan. "Anak," Tawag niya kay Paige.

"Papa. Andyan pala kayo. Okay lang ba ang ayos ko?" Tanong niya sa ama niya.

"Oo anak. Ikaw na yata ang pinakamagandang nakita kong babae ngayong gabi. Kayong dalawa ng mama mo." Nakangiting sabi ni Robert. "You ready? In a few minutes kaylangan mo nang bumaba. Naghihintay na mga bisita." 

"Dad, is Cloven already here?" Tanong ni Yaffa. 

"Hmm, hindi ko pa siya nakita but Zephyr, Pryse and Ryker are already here." Sagot ni Rob. 

Nakita ni Paige ang biglang pag-aalala ng kapatid niya. "Why? Sino ba si Cloven?" tanong niya. 

"Yaffa's big brother Paige." Sagot ni Rob. "You'll gonna meet him later ate."Sabi ni Yaffa na  para bang mas kinukumbinsi niya ang sarili niya.

Napatingin sila sa pinto ng bigla itong bumukas. "Sir, It's time." Wika ng isang naka amerikana na parang body guard. 

"Okay." Maikling tugon ni Robert at nakangiting humarap kay Paige.  "It's time Princess.

PAIGE's POV

Grabeng kaba ang nararamdaman ko. Parang natatakot akong lumabas. Pano kung laitin ako ng mga kakilala ni Papa? Pano kung di ako magustuhan ng mga kamag-anak niya? Pano kung....

"Hey! Sissy! It's alright okay? Wag ka kabahan! Baka masira make up mo sige ka." Napangiti ako sa pagpapalakas ng loob ng kapatid ko sakin. Kahapon ko lang siya nakilala pero parang matagal na kaming nagkasama. 

Tinignan ko muna ang sarili ko sa huling beses bago kami lumabas ng kwarto. Nakahilera ang mga maids at guards sa baba ng hagdan hanggang sa main door ng bahay. Pagkalabas namin sa main door ay sumalubong ang malakas na palakpakan, kaya medyo nabawasan ang  kaba na kanina ay ramdam ko. 

Ngumiti ako sa mga bisita ng makita ko ang isang grupo sa isang mesa. Lalo akong napangiti nang makita ang grupo ng mga Diyos at Diyosa. E sino pa ba? Edi sina Cloud. Hmm. Teka bakit andito sila? Ah siguro in-invite ni mama. Di ko kasi pansin yung phone ko. Kumaway ako sakanila. 

"Yaffa, may ipapakilala ako sayo mamaya. Yung mga kaybigan ko." Excited na sabi ko kay Yaffa. 

"Where are they?"

Tinuro ko ang table nila kay Yaffa. "There. Mababait yang mga yan." Pagmamalaki ko sakanila. 

"Oh I already know them." parang wala lang na sabi niya. Teka pano niya nakilala sina Cloud? "Huh? Talaga?" Tanong ko sakanya. Kasi baka nagkamali lang. 

"Yea, That's Zephyr,Pryse, Ryker, Charlotte and Chennise." Huh? Sino yun? Si Char at Chen lang tumama sa mga sinabi niya. 

"No. That's Light, Cloud, and Thunder." Pagtatama ko. "Oh, I get it. Those are their First names. Mga kamag anak lang ang tumatawag sa mga second names nila." Pagpapaliwanag niya. 

The other side of PaigeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon