Chapter 21

34 1 1
                                    

Masayang natapos ang selebrasyon nang gabing iyon. Isang linggo na rin ang nakalipas. Wala nang mahihiling pa si Paige pero nag-aalala na siya sa mama niya na sobra ang pagbagsak ng katawan. Pero lagi nalang ‘Okay lang ako anak, wag mo na ko alalahanin.’ Ang sinasagot pag tinatanong niya ang ina. Wala naman din sinasabi ang kanyang Papa. Pero ramdam niyang may mali.

Nasa may garden siya ng hapong iyon at umiinom ng juice ng may marinig siyang sumisigaw. “Bakit di ka pa mamatay!?” boses ni tita alice. Pero sino anng sinisigawan niya?

“Alice, parang awa mo na. Nasasaktan ako.” Teka, boses ni mama yun ah.                                                           

“Nasasaktan ka? Edi mabuti.  Dapat lang na masaktan ka. Dahil wala kang karapatan lumigaya hanggang sa huling hininga mo!”

Nagmadali akong pumasok. “Bitiwan mo ang mama ko!”

“Edi bitiwan!”

Binitiwan niya nga si mama pero muntik na siyang mahulog sa hagdan. Buti nalang nakahawak siya. Agad akong tumakbo para alalayan si mama.

“Tama nga ang sinabi ni Yaffa. Bruha ka!  Wala kang karapatan ganunin ang mama ko.”

“Bakit wala naman? Sampid lang kayo ditto!” Sigaw niya at tumalikod na.

Di ko nalang siya pinatulan at dinala ko sa kwarto si mama. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan niya. Pinahiga ko muna siya sa kama. Nakita kong namumutla siya. At nangingitim ang gilid ng mata niya.

“Ma, magpapatawag na ko ng doctor. Di ko na gusto ang nakikita kong pagbabago sa katawan mo eh.”

“Anak, wag na. Sayang lang ang pera. Okay lang ako,  wag mo na ko alalahanin. Handa na ko.” Sabi niya at ngumiti sakin.

Parang kinilabutan ako bigla. “Handa saan ma?” Tanong ko.

“Handa na ko. Masaya ako at ikaw ang nagging anak ko. Mahal na mahal kita anak ko.” Nakangiti pa rin siya.  At bahagyang napipikit. Mukhang antok na antok.

“Mahal din kita ma. Mahal na mahal. At hindi ko na hahayaang maulit yung kanina.”

 Nakita kong sumilay na naman ang magandang ngiti niya kahit nakapikit.  Tumayo ako para magbanyo saglit. Pero pagbalik ko, nakita kong nakalaylay ang isang kamay niya. Nang hawakan ko ang kamay niya para ayusin ay bigla na naman ako nangilabot. Parang may mali. Hindi ko maramdaman ang pulso niya. Kinakabahang hinawakan ko ang dibdib niya. Di ko na rin maramdaman ang pagtibok ng puso niya. Nanlalambot akong napaupo habang hawak ko ang kamay niya.

Nakatitig lang ako sakanya. Parang gusto ko magwala pero di ako makagalaw. Gusto ko sumigaw pero di ako makapagsalita. Gusto ko umiiyak pero walang luhang tumutulo. Nagmanhid ang buong katawan ko habang tinitignan ko siya. Siya na ina ko. Siya na nagpalaki sakin. Siya na simula pagkabata ko naramdaman ko na ang pagmamahal niya. Siya na lagi kong kasama sa lungkot at saya. Wala na siya. Wala na.

ROBERT’S POV

7:00pm ako nakarating sa bahay galing sa company.

“Good evening sir. Di pa po kumain si Ma’am  Helen. Kanina pa po sila ni miss Paige sa kwarto niyo. Di pa po lumalabas.”

“Huh? Bakit?” tanong ko.

“Di ko po alam eh. Pero bago po sila pumasok sa kwarto, inaway na naman po ni Senyora Alice si Ma’am, muntik na nga po mahulog sa hagdan eh. Buti nalang po nakahawak si Ma’am. “

 Kinabahan ako sa sinabi ng katulong kaya agad akong umakyat sa kwarto. Nadatnan kong nakahiga si Helen at tulalang nakaupo si Paige habang hawak niya ang kamay ng ina. 

Hindi siya gumagalaw. Ni hindi man lang tumalima ng pumasok ako. Kaya ako na ang lumapit sakanila.

“Good evening princess.Kanina pa tulog mama mo?” Tanong ko pagkatapos ko siyang halikan sa noo.

Tumango lang siya. Weird.

Lumapit ako kay Helen at humalik sa pisngi niya. May mali. Inilapit ko ang mukha ko sa ilong niya. Pero wala na siyang hininga. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at bahagyang inalog. “Helen, sweetheart. Dinner na. Gising ka na.”

Pero di siya nagigising. “Sweetheart. Gising na. Please, gumising kana. Binili kita ng pasalubong. Yung paborito mo. Binili din kita ng bouquet.  Honey, gumising ka na.” Pilit ko parin siyang giinigising kahit alam kong wala na. Niyakap ko siya ng mahigpit at wala nang nagawa kundi ang umiyak sa balikat niya. Sa balikat ng mahal ko. Sa balikat ng reyna ko. Sa balikat ng kalahati ng buhay ko.

 Pagkatapos ng ilang minuto ay inihiga ko siya sa kama at nag isip. Nang tanungin ko si Paige kanina kung kanina pa tulog si Helen ay tumango lang siya. So kanina pang hapon ang pagpanaw niya. At hindi niya ito iniwan. Tinignan ko si Paige. Hindi pa rin gumagalaw at hawak parin ang isang kamay ng mama niya. Lalo akong nanlumo. Niyakap ko ang anak ko ng sobrang higpit. Pero wala akong maramdamang emosyon sakanya.

Nagpatawag ako ng mag-aayos ng burol ni Helen. At tinawagan ko si Skye.

“Yes tito?”

“Helen died this afternoon son.”

SKYE’S POV

“Yes tito?”

“Helen died this afternoon son.”

Si tita Helen?

Di ako nakapagsalita. Napaupo ako sa sofa sa panlalambot ng binti ko.

Tinext ko si Cloud at ang iba pa.

‘Tita Helen passed away this afternoon.’ Sent.

Nagmadali akong nagbihis at sumakay sa kotse papunta sa malaking bahay.

Si Paige. Kumusta na kaya siya. Lalo kong binilisan ang pagdadrive. Nag aalala ako sakanya.

Pagdating ko sa bahay ay nakasindi lahat ng ilaw. At naroon na rin ang mga sasakyan nila Cloud. Halos sabay lang kami, dahil papalabas palang sila sa mga sasakyan nila. Nagtinginan lang kaming lahat at nagmadaling pumasok sa bahay. Inaayos na nila ang burol ni tita.

“San si Paige?” Tanong ko sa dumaang katulong.

“Sa kwarto niya po. Kasama ang papa niya.”

 Agad kaming umakyat sa kanyang kwarto at nadatnan naming siyang nakaupo sa harap ng salamin. Tinignan naming si Tito, umiling lang siya samin at tumayo.

“Mula kanina di ko pa nakakausap si princess. Di siya nagsasalita.” Malungkot na sabi niya at lumabas ng kwarto.

Nilapitan namin siya. “Paige.” Tawag ni Light sakanya. Pero walang tugon.

Hinawakan ko siya sa balikat, pero tinignan niya lang ako sa salamin. Ang lamig ng tingin niya. Blanko ang mga mata niya. Parang sinarado niya ang pagkatao niya.

Anong nangyari sayo Paige? Tanong ng puso ko. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The other side of PaigeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon