VII

3.8K 82 9
                                    

~KIEFER

I was told by ate Joy na masama daw ang pakiramdam ni kuya Mikko at mahihirapan siyang magmaneho kaya I took it upon myself na ako na lang ang magdrive pauwi. Sinabe ko kay ate Joy na ayos lang naman sa akin. Dumating na si Reyes sa tabi namin after niyang magpaalam kila ate Romy. I offered my hand para makalakad na din kami. Malakas na daw kasi ang ulan sa Maynila at baka abutin pa kami dito.

While inside the car and just 5 minutes into driving, biglang bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng malakas na hangin. I got a little bit worried pero hindi ko pinakikita kay Reyes.

Ate Kaye then called me and told me na mag-ingat sa pagmamaneho at huwag mabilis mag drive which I am currently doing. Of course ayaw ko naman madisgrasya kaya binuksan ko na ang fog lights and turned the hazzard on para makita kami ng mga sasakyan na nakasunod sa  amin.

I asked Reyes kung may bagyo ba since napakalakas talaga ng ulan at hangin. Almost the same as Ondoy which unfortunately na encounter ko since I live in Marikina. Biniro niya pa ako na matetest daw ang sasakyang ineendorse ko which I found funny kaya napatawa kami. 

Nakatingin ako sa kanya via the rear view mirror of the car nang nakita kong hinawakan niya ang cellphone niya and dialled a number. Mukhang may tatawagan yata. Hindi ko napansin na may puno palang nakatumba sa harap namin dahil busy akong titigan siya kaya muntik na muntik na kaming sumalpok sa puno.

Narinig kong sumigaw si Reyes dahil sa bilis at lakas ng pagkakapreno ko. I looked at her and assured her na gagawan namin ng paraan. She looked so worried.

Nang nakita ko ang pag aalala niya, I calmed myself down and told her na huwag siyang mag panic. Naka sunod lang naman sa amin sila kuya Choi at pihadong hindi nila kami pababayaan. 

After what seemed like 5 minutes, wala pa rin ang sasakyan nila kuya Choi kaya I decided to take matters into my own hands. I went out of the car to assess what happened at kung may madali bang solusyon.

I heard Reyes shouting at me nang buksan ko ang pinto pero dahil sa lakas ng hangin at ulan, hindi ko na siya naintindihan. 

Pumunta ako sa harap ng sasakyan para tignan kung gaano kalaki ang puno at kung kaya bang buhatin para mawala sa kalsada at nang makadaan na kami. I saw na may mangilan ngilan namang sanga lang at isang puno na hindi kabigatan na maaring buhatin. I started getting the twigs and bracnhes off para pagdating nila kuya Choi ay yung puno nalang ang pagtutulungan namin.

Nagulat ako nang marealize kong may tumutulong sa akin at nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong basang basa si Reyes at nagtatanggal din ng mga sanga sa kalsada.

~MIKA

Ravena told me not to worry pero how can I not when a tree is by the street serving as a barrier for us to pass through. Paano na kami makakauwi nito. May training pa naman ako bukas. A few minutes has passed and I know na nagiisip si Ravena ng paraan kung paano kami aalis dito. I was about to tell him na hintayin nalang namin sila kuya Choi when he suddenly opened his door.

"Hoy Ravena! Anong gagawin mo?! Ang lakas ng ulan bumalik ka dito!" I howled but since napaka lakas ng ulan, alam kong hindi niya ako naintindihan. 

Nakita ko na pumunta siya sa harap ng sasakyan and I know he is gauging kung kaya ba na matanggal ang puno sa kalsada. He then started taking the branches off the street.

I felt so useless. Nakaupo ako dito sa loob ng sasakyan habang nakikita ko si Ravena na medyo nahihirapan. I decided againts my will and got out off the car to help him.

Nagsimula akong tanggalin din ang mga maliliit na sanga ng puno. This is the least that I can do.

"Anong ginagawa mo?!" sigaw sa akin ni Ravena

Stay With MeWhere stories live. Discover now