XVI

3.2K 95 13
                                    

"Yeah that's very easy to do. Easy siya, like you."


Lahat kami nagulat. I can see from the reaction of everybody na lahat sila natigilan. Pati naman ako nabigla sa sinabi ng sister ni Kiefer. Ito ba ang reason kaya hindi niya nababanggit sa akin ang pinakabatang kapatid niya? 

I tried to rummage my mind. Pilit kong iniisip kung nagkakilala na ba kami before? May nagawa ba akong masama sa kanya? Sa Kaibigan niya? Sa kakilala perhaps?

I may have seen her before. Sa print ads probably but I can never remember an event na nagkakilala at nagkaharap kame face to face.

May event ba kaming pinagsamahan? 

Kahit anong kalkal ko sa isip ko, wala talaga akong maalala. 

Have I done anything wrng to her?

"Excuse me?" I was finally able to muster enough guts para magsalita. She may be young, at petty na patulan ko siya but I was not raised para pagsalitaan ng masakit ng kahit na sino. 

I may be timid when it comes to Kiefer, but I am not a push over.

~KIEFER

Eto na nga ba ang sinasabe ko. I knew Dani will make a scene. Kaya kanina pa ako kinakabahan pagdating namin na wala siya. Sabe ko na nga ba at may pinaplano na naman ang kapatid ko. 

Mika suddenly spoke. Subtly asking Dani kung ano ang problema niya. 

"Daniella!" this time it was papa who called her attention.

"May tatapusin lang po ako na homework ko sa kwarto. Bababa na lang po ako kapag dinner na."

Lahat kami nakatingin kay Dani hanggang sa makatalikod siya at maglakad.

Mama was about to follow Dani nang sabihin ni Mika na its ok. No harm done naman daw.

Tinitimpla ko si Mika. Thirdy was fast in coming up with another thing to talk about para mawala ang tensyon sa ere. He was asking about Mika's teammates at kung sino pa daw ba ang single.

Mika smiled and I took it na medyo ok na siya. Nakisali na din si Pauly sa usapan hanggang sa malimutan na namin ang eksenang ginawa ni Daniella.

---

Manang Mavic told us na handa na daw ang hapunan. Mama went inside kanina para ayusin na ang dining habang nagkwekwentuhan kaming lahat. Papa excused himself as well dahil may aayusin lang daw siya sa loob.

Sabay sabay kaming pumasok nila Thirdy, Mika at Pauly. nang yayain ko si Mika na pumasok and I offered my hand, naramdaman ko ang hesitation. Hinawakan ko na lang siya ng mahigpit as if to convey that I will never leave her side and not to worry because I am here.

Si Dani at Papa ang unang unang nakaupo sa kainan. Mama was still in the kitchen, mukhang inaayos pa ang isang putahe na hindi nailalapag sa lamesa. 

I took my usual spot and assisted Mika in sitting beside me. Sa tabi na ni Dani umupo si Thirdy and Pauly sat beside him.

Paglabas ni mama hawak ang soup bowl, umupo siya sa kaliwa ni papa and told us to start attacking the food.

"Ano po yang soup ma?" Dani asked

"Molo anak. Give me you soup bowl para malagyan ko." Dani gave her soup bowl and mama started putting some in it. "Iabot niyo na din ang mga bowl niyo manong para malagyan ko."

Stay With MeWhere stories live. Discover now