XXII

3.5K 78 14
                                    

"Please promise me Kiefer, and remember na kahit anong mangyari, I will always always take you back."


~KIEFER

Halatang halata pa din ang pag-aalala sa mukha ni Mika habang nagbyabyahe kami pauwi sa kanila.

Hinawakan ko ang kamay niya kahit pa nagmamaneho ako para iparamdam sa kanya na hindi mangyayari sa amin ang nangyari sa ate niya. Alam ko naman kasi na sa simula pa lang ng relasyon namin, nag dadalawang isip na siya at nangangamba.

Sumugal na nga siya para sa amin e, kaya wala akong ibang dapat gawin kundi iparamdam sa kanya na hinding hindi ako magloloko at maghahanap ng iba.

Kinwento pa nga niya sa akin dati diba kung ano ang kinahinatnan ng relasyon ng mama at papa niya.

I know Mika is full of doubts, alam ko na natatakot siya, pero naging matapang siya para ituloy kung ano ang meron kami at naging matapang din siya na sumubok.

Maging loving at faithful lang naman ang trabaho ko diba?

How hard can it be?


~MIKA

"Ye, tuloy ba tayo mamaya?" Kimmy asked me habang nagbibihis kame sa locker room.

Katatapos lang ng afternoon training namin. Nauna na ang mga bata sa dorm. Dahil nagkukulitan pa kami kanina, pinauna na namin ang mga rookies at sophomores na mag shower at magbihis.

Sinabe namin na mauna na at susunod din kami agad. Kailangan pa din nila magbihis at mag ayos dahil sasama sila sa amin ni Kiefer mag bar.

We are celebrating our 3rd monthsary today at dahil matagal tagal na din naman kaming hindi nakakalabas na magkakaibigan, I suggested na magsama sama nalang kame tonight.

Hindi naman nagprotesta si Kiefer dahil gusto din daw niya na kasama namin ang mga kaibigan namin habang nagcecelebrate, besides, parte naman silang lahat ng relationship namin.

"Oo naman. Sama daw ba si Mela?" tanong ko sa kanya.

"Sunod daw sila ni Bang. Sabe ko nga pumunta na lang dito e para sabay sabay na tayo, pero magdadala na lang daw sila sasakyan."

"Ok sige. Tara na para makapag ayos na?"

Sabay sabay kaming tatlo naglakad nila Ara at Kim pabalik ng dorm.

Everybody is busy pagdating namin. Kanya kanya na ng bihis at ayos ang mga bata. Halatang mga excited.

"Ate Ye, madami naman pogi na kasama si idol diba?" tanong sa akin ni Aduke.

May tuwalyang biglang tumama sa mukha niya. Binato na pala ni Des.

"Ikaw talaga Dukes! I cecelebrate natin monthsary nung dalawa, hindi tayo lalandi!" biro naman ni Kianna.

"Pero yung totoo ate Ye, wala pa ba yung 3 month itch?" napakunot ang noo ko sa tanong ni Eli.

"Naku don't tell me hindi mo alam ang 3 month?" inikutan pa ako ni Eli na para bang takang taka na hindi ko alam ang ibig sabihin noon.

"E kasi hindi naman 3 month itch yun! 2 year itch yun ano ba!" umikot pa ang mata ni Princess habang sinasabi ito.

"Hindi 2 year itch yun! 3 year itch yun!" sabe naman ni Cams.

Tawa ng tawa si ate Cyd at sinigawan pa kami. "7 year itch yun! Imbento kayong lahat!"

"Hay naku kayong lahat! Walang itch itch samen ni Kiefer ano! Baka ibang kati nararamdaman niya pero walang ibang itch itch ano ba! Mag ayos na nga kayo."

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon