Chapter 11

67 7 0
                                    

Nathan's POV

Tumakbo ako kung nasaan si Adrian at Francis na ngayon ay umiinom ng kape.

"MGA PAAARSSSS!!!" sigaw ko at umakbay ako sa kanila kaya daplis nang nalaglag yung kape nila.

"Leche Nathan! Daplis malaglag yung kape!" sabi ni Adrian.

"Bakit ba pare? May problema ka ba?!" sigaw naman ni Francis na ngayon ay binaba ang kape sa desk.

"Punta kayo sa bahay mamayang hapon ah!!! Wag nyong kakalimutan!!!" sabi ko at tumalikod na sa kanila.

"Birthday nya ba?" tanong ni Adrian.

"Hindi eh. Lagpas na birthday nya. Baka kay Tita?" pakinig kong tanong ni Francis.

"Ungas! Nung nakaraang buwan birthday ni Tita!" sigaw ni Adrian kaya napatawa naman ako.

Sa huli, napakinggan ko na pupunta rin sila sa bahay.

Lumabas ako sa opisina at sumakay sa kotse ko at bumili ng mga pagkain na pwedeng kainin mamaya.

Dumaan ako sa opisina nina Steph.

"Yo Steph!" bati ko sa kanya.



"Anong yo ka dyan. Bakit ka naman pumunta dito?" sagot nya sa akin



"Punta kayo mamaya sa bahay ah! Ngayong hapon! Isama mo buong Ultimate Gang saka sina Hazel! Sige! Alis na ako!!!" sigaw ko.



"ANO BA MERON?!!!!" sigaw nya kasi medyo malayo na ako.



"BASTA!!! IINTAYIN KO KAYO AHHH!!!" sigaw ko at tumango na lang sya at nagdrive naman papunta kina Janine.



Kasi nga pa-easy easy lang sina Janine at Darren, sigurado akong nasa studio lang sila.



Dire-diretsyo akong pumasok sa loob at inabutan silang nagsasayaw kasama si Angelo.



"Oy Nathan! Bakit ka nandito?" tanong ni Darren habang nilalapitan ako at pinahina naman ni Angelo yung music.



"Punta kayo sa bahay ngayon ah! Este mamayang hapon!" sabi ko habang nakangiti.



"Ano meron?" tanong ni Angelo.


"Secret!" sabi ko.



"Dali na! Ano nga meron?" tanong naman ni Janine.



"Basta! Isama nyo buong barkada nyo ah! Wag kayong mawawala!" sabi ko at tumango na lang sila na naguguluhan pa rin sa sudden actions ko.



Sobrang excited talaga ako sa mga mangyayari.



Last na lang, sina Kuya James at Cassy na lang


"Nasan kaya yung dalawang yun?" bulong ko habang nagda-drive.



Tatawagan ko na nga lang para hindi aksaya sa gasolina.



After three rings ay sinagot ni Kuya James yung tawag.



[Oh Nathan? Bakit?]



"Punta kayo sa bahay ngayong hapon ni Cassy ah. Wag nyong kakalimutan!"

[Bakit?]


"Ah basta! Surprise!!!" sabi ko na lang at pinutol ko na yung tawag.



Naguguluhan siguro silang lahat ngayon sa biglang pagiging jolly ko.



Milion Memories of Yesterday (AMDA Book 2) (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon