Moving On -- An After Break Up Story (Part 1)

11.8K 79 50
                                    

"You're ugly."

"You're a bitch."

"I wish you were dead."

"I hate you."

These were the last words I heard from my boyfriend. Well, ex-boyfriend. Sobrang nasaktan ako noong narinig ko ang mga salitang yan. Pero ang mas mahirap dito, hindi ko magawang magalit sa kanya kahit sobrang nasaktan ako sa mga sinabi nya bago kami maghiwalay. Ganun lang talaga siguro kapag mahal mo yung tao. You can't bring yourself to hate the person even if you have every reason to. 

Mahirap ang pinagdadaanan ng lahat ng tao after a break up. Lalo na kung natapos kayo na hindi kayo nagkausap ng matino. You ended up in bad terms. Not only that, hindi mo mapigilang maalala lahat ng masasayang memories nyo. Lahat ng mga pinagdaanan nyo bago dumating ang araw na bigla na lang kayong maghihiwalay...

Ako si Adie. 1st year college student ako in one of the pretigious schools here in the Phillipines. Pero hindi kami mayaman. Scholar ako. Hindi rin ako maganda. Yung average girl na hindi mo mapapansin. Minsan pa nga feeling ko pangit ako eh. Nakilala ko si Keith noong 4th year highschool ako. Pareho kaming galing sa kilalang school. Pareho ng institution pero magkaibang campus. Sa Manila siya, sa Batangas ako. 

Noong 4th year days ko, wala akong iniisip kung hindi ang maka-graduate at mag-college na. Nagsasawa na kasi ako sa buhay ko noon. Parang may kulang. Parang may kailangan ako pero hindi ko alam kung ano. Nung nakilala ko si Keith, saka ko na-realize na "love" pala yung bagay na hinahanap ko.

School fair namin noon nung una kong makita si Keith. Invitational basketball game. School namin versus school nila. Wala sana akong balak manood kaso pinilit lang ako ng mga kaklase ko. Sigurado daw maraming gwapo kasi sa all boys school galing ang kalabang team. Napilitan na ako kasi ayoko din namang mag-isa during school fair. Ayoko maging Forever Alone. Maaga kaming nagpunta sa gym ng school dahil paniguradong magkakaubusan ng upuan kapag na-late kami. Nakakuha kami ng magandang pwesto. Sa likod lang ng bench ng mga players ng school namin. 

Naging masaya yung game. Kaso nga lang, talo ang team ng school namin. Halos mawalan ng boses ang mga kaklase ko kakasigaw para sa mga gwapong players ng kalaban. Mga balimbing talaga. Basta may gwapo cheer agad. Pagkatapos ng game, pumunta ang mga kaklase ko sa court para magpa-picture sa mga players. Nagpaiwan ako kasi ayokong ma-suffocate sa dami ng tao. Sobrang ingay sa gym noon. Nakaupo ako at hindi ko napansin na may papalapit pala na lalaki sakin.

"Hi miss."

"Miss?"

Sino kaya tinatawag neto? Lumingon ako sa likod ko para maghanap ng babae na pwedeng tawagin nya pero ako lang pala nakaupo sa parte na yun ng bleachers. Napilitan tuloy akong sumagot. Baka masabihan pa akong suplada eh.

"Ako ba tinatawag mo?"

"Yes. Why? Are there other girls sitting in your place?"

"Malay ko ba kung may iba ka palang tinatawag."

"Why aren't you taking pictures like the others?"

"Ayoko eh. Masikip."

First time ko lang nakita ang pagmumukha ng lalaking nasa harapan ko. Judging from his face, taga kabilang school sya. Kasi kung taga school namin sya, mamu-mukha-an ko siya kahit papano. Tsaka inglisero eh. Isang napansin ko agad sa kanya eh yung buhok nya. Naka-mohawks. Pero hindi yung sobrang taas. Yung medyo mataas lang ng konti yung gitna kesa sa gilid. Cute siya at matangkad. Yung eyes nya sobrang expressive.  Pero hindi mukhang inosente. Halata sa kanya na may kaya sya sa buhay.

"Don't you feel bad that your team lost?"

"Okay lang. Wala naman akong hilig sa basketball eh."

"Oh. Okay. Me either. I like football more. Sumama lang ako manood dito kasi pinilit ako ng schoolmates ko."

Nye. Hindi pala siya basketball player. Akala ko basketball player din siya kasi matangkad sya. Bakit kaya inaaksaya neto oras nya sa pakikipag-usap sakin? Dami namang ibang babae sa gym eh ako pa iniistorbo.

"So anyway, I'm Keith. Keith Garcia. You are?"

"Adelaide Martinez. Adie for short."

"Nice to meet you, Adie."

At this time, inilahad nya kamay nya sa harap ko para mag handshake kami. Nag-dalawang isip pa ako. Hindi ko alam kung bakit. Pero hinawakan ko na rin. Mabait ako eh.

AT YUN......

Walang spark.

Pero may kuryente.

Magkaiba yun. Mas matindi yung kuryente eh. Yung parang may kable ng Meralco sa kamay nya tapos na-transfer sakin yung current? Ganun. 

Pero biglang may tumakbo papalapit samin at tinawag si Keith. Kaibigan nya ata. 

"Keith, bro. Let's go na. We have an after party pa."

"Oh. Okay bro. I'll be right there. Give me a minute."

Ay nye. Aalis na sya agad. Bitin yung kuryente. 

"I have to go na Adie. But can I have your number first?"

WEH? Kinukuha nya ba talaga yung number ko? Ibibigay ko ba o hindi? My gawd. Di ko alam ang gagawin ko. 

"Hello? Earth to Adie. Are you there?"

Binigay nya sakin yung cellphone nya para i-type ko yung number ko. iPhone. Mayaman nga talaga. Nanginginig ang kamay ko habang tina-type ko yung number ko.

"Oh eto na. Baka inaantay ka na nung kaibigan mo."

"Thank you. I'll text you ha?"

"Okay."

At tumakbo na sya palayo. Noon ko lang napansin na nakatingin pala sa akin ang mga kaklase ko. Isa sa mga pinaka-echosera at ang best-friend ko, si Bridgette, ang unang nang-asar.

"Uy. Sino yun. Ikaw ha. Habang wala kami namimingwit ka ng taga kabila ah."

"Ano ba Gette. Friendly lang yung tao."

"Wushu. Ayaw mo lang mag-share eh."

"Ay ewan ko sayo. Tara na. Kain tayo. Gutom na ko."

Lumabas na kami ng gym. Habang naglalakad kami, narinig kong tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ko. Binuksan ko yung cellphone ko. Message from an unknown number. I clicked "Read" at eto yung laman:

"Hi Adie! Sorry if I had to leave so soon. Text me. :-) -- Keith."

AT AYUN....

May kuryente na ulit.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's Note:

Hello! Salamat po sa mga patuloy na bumabasa sa story na 'to. I appreciate it. Napansin ko lang po na maraming nagtatanong kung kailan maipopost ang next parts at ibang new stories so gumawa po ako ng Facebook Page:

https://www.facebook.com/StephJaurigueWattpad

Dyan po mapopost lahat ng bagong updates tungkol sa lahat ng stories! :) Pwede po kayo magpost ng stories at character requests dyan. Thank you! :)

-- StephJaurigue. xx

Moving On -- An After Break Up StoryWhere stories live. Discover now