Chapter 5

32 2 2
                                    

                                                                  (Seniah Melanie Dy's P.O.V.)
                                                                       "People These Days"

Palagi na lang ganito ang buhay ko matutulog, gigising na naman, kakain at pupunta sa paaralan. Ganyan talaga ang buhay.

"Its already time! Pass your notebooks." Sigaw ni Ms.Camabung.

"Teka muna Ma'am! Wait! Maganda ka naman Ma'am eh!" Sabi ko sa kanya.

Bumalik ako sa aking upuan nang may nagsalita.

"Tch. Ano ba iyan, ang hinhin mo."

"Mmkay..." Tipid kong sagot sabay irap sa kanya.

"Seniah Melanie Dy!" Tawag sa'kin ni Ma'am.

"Eh? Bakit po Ma'am?" Takang tanong ko.

Ayon pala, ibang notebook yung naibigay ko kay Ma'am pero nagtataka nga lang ako kasi tiningnan ako ni Zero na parang gulat yung mukha niya na parang hindi siya makaget-over.

"Seniah Melanie Dy?!" Gulat na sabi ni Zero sa akin.

"Oo. Bakit ba? Anong mayroon?" Tanong ko ulit. Ano na ba ang nangyayari sa mundong 'to at naging sikat ang pangalan ko? 

"Wala lang. Ang bading kasi pakinggan ng pangalan mo." Sabi niya ng wala sa sarili. Nag-init talaga ang ulo ko sa sinabi niya. Akala niya na hindi bading ang pangalan niya? Pwes, mas bading yung pangalan niya kesa sa pangalan ko pero wait ZERO --- hidden name niya lang ata iyan diba? 

Pumunta ako sa canteen para hanapin si Lester at kumain kami sa isang table malapit sa ZERO AND FRIENDS, duh. Tahimik kaming kumakain nang lapitan ako ni Dos tapos ngumiti siya sakin at ibinigay ang kanyang tubig kay Zero na nagtaboy ng tubig sa akin..

"Ay, sorry!"

"ANONG SORRY KA DIYAN?! HUWAG KANG MAG-SORRY SORRY DIYAN dahil alam kong sinasadya mo YUN!" Inis kong sabi tapos pinagpagan ang sarili ko using a white clean na tissue. Like what the.

Mahinang tumawa si Lester tapos tumingin sa likod para di ko makita yung pagmumukha niya! Aba't!

"Ay, sorry na kasi naman e hindi ko sinasadya, babe." Kinindatan pa talaga ako pagkatapos ng nakakadiring babe na word niyang 'yun. Ew lang.

"Alam mo ang weirdo mo! Yucks! Umalis ka nga!"galit kong sabi

"Umalis na daw kayo 'tol!" Sabay tawa ng malakas tapos ngumiti nang nahimasmasan na.


Nung umalis na sila ay narinig ko silang tumawa ng malakas. Nakakainis talaga! 

Pumunta muna sa CR si Lester tapos si Rachel naman ay katabi ko na ngayon.

"Oy sorry ha Mel, late ako. Nagpraktis kasi kami sa presentation namin para sa club." Paliwanag sa akin ni Rachel.

"Ok lang 'yon Rachel tapos wala ka namang ginawang masama diba? Late lang naman iyan. O siya kumain ka na kasi mukhang gutom na gutom kana ha?" Ngumiti ako kay Rachel tapos bumili na siya ng pagkain. Pagkatapos noon bumalik na si Lester galing sa CR at parang tulala yung mukha niya. May problema ata. Ano kayang problema ng isang 'to?

*

"Class dismissed." Ani ni Ms.Camabung, ang aming class adviser, of course.

At dahil dismissal time na, yes, makakauwi na ako! Malamang, ano pang gagawin ko dito sa school, magyoyoga? Ha? Anong konek? Walang konek.

Pumunta ako sa labas ng gate sa paaralan para hintayin sina Lester at Rachel. Nakita ko si Lester na tulala pa rin hanggang ngayon papunta sa direksyon ko.

"Les! Uy! " Tawag ko sa tulalaers na lalaki.

"Ay! Hi, uy!" Ani niya pabalik sa akin. Nginitian ko ito. Nginisian to be exact.

"Okay ka lang ba? Kasi kanina pa kita nakitang nakatulala diyan." Sabi ko.

"Wala may iniisip lang." 

"Ano 'yun?" Curious kong sabi.

"Mamaya ko na lang sasabihin kapag pupunta na tayo sa bahay niyo," Sabi niya. Wow, seryoso naman ng isang 'to ngayon a? Anong kinain niya? Toyo? Diba naiinom 'yung toyo? Nakakain lang 'yun kapag ginawang sawsawan sa mga foods?

"Guys! Sorry na naman at na late ako! Tara! " Sabi ni Rachel.

Naglakad kami patungong bahay namin. Si Lester kanina pa nakatutok sa daan. Specifically, out of space. Blank space,

Sinundan ko siya tapos tumingin ako sa kanya. Hindi ko namalayan na may nabangga na pala ako!

"Dahan dahan ka naman!" Sabi ng pamilyar na boses.

Napalingon ako sa nabangga ko at HA, si Zero at Uno na naman? Na naman? Nakakaumay na 'tong pagmumukha nila.


"Bakit kayo nandito?!" Tanong ko sa kanila. Ba't tanong kaya ako nang tanong sa araw na'to? Matanong ko nga ang sarili ko mamaya.

"Binibisita ko 'yung pinsan ko kaya huwag kang feeler diyan." Tumawa sila tapos ngumiti naman si Uno. Ngiti-ngiti ng isang 'to? Napairap na lang ako sa kanila.

Ang weird ni Uno ngayon kaya tumakbo na lang ako palayo sa kanila dahil mukhang mayroon na naman silang plano na pukpukin yung ulo ko or kung ano ba 'yan, or baka lang talagang FEELER ako? Hahay ewan, people these days.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Kain na kayo." Alok ng nanay ko sa kanila. Ma, kahit huwag na lang silang kumain, okay na sa akin.

"Yes po Nay!" Energetic kong sabi. Kumuha ako ng maraming-marami na pagkain. 

Kumain kaming tatlo ng hapunan tapos umuwi kaagad si Rachel sa kanila. Kami naman ni Lester ay pumunta sa kwarto ko.

"Les, ano nga pala yung sasabihin mo sa akin kanina?" Taka kong sabi.

"Yung TresZoned kasi may narinig ako sa CR tungkol daw sayo" Pagsisimula niya.

"Hahay, sila na naman? Huwag na natin silang pag-usapan. Bahala na kung sasabihin nilang tanga ako o yung mga negative comments!" Ani ko.

"Pero hindi ganoon yung sinabi nila eh!" Sabi niya sa'kin.

"Eh? Ano?" Tanong ko.

"Kilala ka daw ni Zero noong bata pa tayo. Elementary pa tayo. Kaya nga lang, wala akong naalala na batang katulad niya e."

"Wala akong kilalang Zero noon no ! Echosero talaga  yung mga TResZoned. Feeling close with our past." Giit ko.

"Bahala na nga yan. Change Topic please." Pagsuko ni Lester sa topic. Ayun o. Buti't nagbalik na siya. Hindi na siya tulalaers.

"Anak , may bisita ka!" Sigaw sa'kin ni Mama. Ma, may mga taenga po ako, hindi ako bingi. 

"Huh? May tao palang pupunta dito? Ba't 'di ko alam?" 

"Di ko rin alam tiyaka wala naman akong inimbitahan dito e." 

Bumaba kami para tingnan kung sino pero...

"Hi babe!" Pagbati sa akin ni Zero.

What the?! SIYA NA NAMAN?! NAKU ANO NA NA MAN ANG GAGAWIN NIYA DITO SA BAHAY?

Napahinto si Nanay at dahan-dahang  lumingon sa akin. O no! Sisigaw iyan for sure. Takip sa taenga, Mel.

"BABE?! BAKIT DI MO SINABI SA AKIN NA MAY BF KANA PALA?!" Gulat na sabi ni Nanay sa akin.

Oh. My. Goodness. Sake.

I'm his next victim!

Bye Philippines! 

To Be Continued....


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My #Zero EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon