Chapter 3

94 5 0
                                    

                                                       (Rachel Ania Amorcillo's P.O.V)
                                                                " Hey, Classmate! "

Pfftt...

Pasalamat si LBC at si Mel na sumunod ako sa kanila, umiyak na rin ako sa harapan ng mga magulang ko para lang  sa kanila...kasi boring kapag wala sila eh kaya sumunod nalang ako sa kanila.

"Rachel nandito kana pala?", tanong ni Lester.

"Ay wala nandoon pa ako sa bahay natutulog. Ang hanep 'no?", sarkastikong sagot ko sa kay Lester.

"Nagtatanong lang. Sensya! Ah! Tara punta na tayo sa classroom" , sabay kaladkad sa'kin ni Lester. Wow ha? Kung makapagkaladkad ng tao, wagas? Pft.

Nung pumasok na kami sa classroom pumunta agad ako sa upuan ko. Wow! Ang ingay parang may artista lang ang peg ah? Kaya hindi ako nagdalawang-isip na umalis doon kasi ang ingay-ingay eh, ayaw ko pa naman sa maiingay. Nakakbasag sa eardrums at natatanggal ang earwax ko ng walang oras.

Heto ako ngayon nasa playground dahil tahimik dito plus may fresh air pa PLUS pwedeng magmuni-muni! Oh diba? 3 in 1.

"Pumupunta ka ba rito palagi?", biglang bungad ng isang weird na lalaki sa'kin. 

"AY! Anak ng kabayo!" 

WHAT THE! Nagulat talaga ako roon ah? May isang lalaki kasing naka jacket tapos naka shades pa parang ka-batch ko pa nga 'to eh o baka classmate ko? Still ka batch ko pa rin. Nah! Imposible, ang ingay kaya nung mga classmates ko at kung titignan ko 'tong isang 'to parang EWAN , hindi ko magawang i-describe.

Tinitigan ko pa siya for the last time at sinagot ang katanungan niya kanina. Anyway, naka-get over na ako sa gulat mode syndrome ko.

"Nah. First time ko pa rito dahil new student pa ako." 

Nginitian ko siya kahit hindi ko siya kilala kasi ang awkward eh. And I don't want awkward moments. Ang creepy kaya , diba? Diba?

Hindi ko pa rin tinatantanan ang pagtitig sa kanya kasi baka kapag tumingin ako sa ibang direksyon bigla nalang niya akong tututukan ng baril tapos AKIN NA ANG PERA MO , PERA-NAP 'TO! , ayoko pang makaranas nun. Based on my notifications(sa FB ko) , ang sagwa raw kapag nanakawan. Kahit nga, ballpen ninanakaw na sa henerasyon natin ngayon , pera pa kaya?

"Eh, bakit ka ba pumunta rito?", tanong niya sa'kin. 

Teka nga , anong pakealam ng isang 'to kung pupunta ako rito? Hindi naman palagi ah. At hindi niya rin naman ito pagmamay-ari. Pagmamay-ari kaya 'tong playground nato ng may-ari sa school. Duh.

"Ang Ingay kaya sa classroom namin.", usisa ko.

"Teka bakit ka ba naka-"

Hindi pa nga ako nakatapos sa babanggitin ko pa lamang inisturbo niya na agad ako , KAPAL NG MUKHA!

"Anong section ka ba?" 

Pero hindi rin naman ako masasayangan ng laway kung sasagutin ko 'tong weird na'to diba?

"Section B" 

Bigla niyang itinaas yung kanang kamay niya at may kasama pang ngiti. Parang gusto niyang makipag-high five sa'kin.

"KAKLASE PALA TAYO! GOOD 'YAN, GOOD!" , sigaw niya sakin with a thumbs up sign.

"Eh, bakit ba?! Anong GOOD DOON?!", sigaw ko rin sa kanya, eh kasi sinigawan niya rin ako eh kaya wala akong choice kung hindi sigawan ko rin siya.

Tumahimik siya bigla tapos tumingin sakin at sabi niya, "Oo nga 'no, ba't good iyon? Hmmm..."

Aba! Tinatanong pa ako! EH DIBA SIYA LANG ANG MAY ALAM! Gusto kong suntukin ang mukha ng isang 'to eh!

"Aha! Alam ko na."

Hindi ako umimik. Hinintay ko lang iyong sagot niya sa katanungan ko.

Tapos sabi niya with a smirk, "Kasi may maganda at cute na babae sa classroom, eh."

Huh? Sino yung maganda at cute na babae sa classroom? Ako? BOLERO! Makaalis na nga.

Tumayo na ako para bumalik na sana sa classroom nang bigla niya akong pinigilan. Hinila niya ang braso ko para harapin ko ulit yung weird na mukha niya.

"Oy! Saan ka ba pupunta?"

"Babalik sa classroom. Bakit ba?" , ani ko habang itinaas ang isang kilay ko.

"Ayeee! Flattered! Flattered!" , ani niya sa'kin.

Anong flattered? Flattered? Huh?

Pero in all fairness ah, ankyut niya kung ganun siya---makapag flattered flattered thingy.

Teka! Woah, Rachel stop saying stupid things!

"Tse! Tumahimik ka nga. I'm not flattered no, asa ka!" , utas ko sa kanya tapos bumalik na ako sagad sa classroom ko. Pero tama siya,  to be honest na flattered si ako . Maganda at cute raw? Naks!  Ayiee!

Nang makarating ako sa classroom ay umupo ako as armchair ng upuan ko para tignan kung totoo nga bang kaklase ko yung si Mr. Flattered. Hinintay ko siya nang hinintay pero wala eh, walang naka-shades, walang naka-hood, walang naka-jacket. Saang lupalop na kaya siya? Paasa iyong isang iyon ah? Nagsinungaling ata sa'kin. Ambad! Gusto ko pa naman sanang makipagdaldalan sa kanya. Hayst.

Ilang minuto ang nakalipas ay umupo na ako sa upuan ko pero lumilinga-linga pa rin ako. Nagbabasakaling nandoon si Mr. Flattered. For the second time , I failed. Pero geez ang creepy, may isang lalaki kasing tinititigan ako every 5 seconds, hindi naman si Lester pero basta!

After 7 hours...

*Ting Ting Ting Ting*

Dismissal Time is here!

"Hi! Rachel at Lester tara umuwi na nga tayo!", sabi ni Melanie aka Seniah sa'min.

"Pupunta ako sa inyo Mel, gusto ko kasing matulog eh.", sabi naman ni LBC kay Melanie.

"Uhm. Sige! Pero mauna na muna kayo 'coz I'll just get my things first, hindi ko pa kasi na-ready eh, sensya na." , ani ko naman.

Isinuot ko yung earphones ko na naka-konekta sa phone ko habang naglalakad ako papunta sa classroom . Pumili ako ng kantang pwede kong kantahin at ayun I sang along with the music na pinaparinggan ko sa phone ko. Para naman hindi ako ma-bored habang naglalakad patungo sa classroom, ang layo pa kasi ng classroom namin eh.

Kkwak jaba nal deopchigi jeone

Ah, alam niyo bang mahilig ako sa KPOP songs? Kung hindi , ngayon alam niyo na. Ang gaganda kasi eh.

Nae mami neol nochigi jeone
Say what you want
Say what you want
Niga jinjjaro wonhaneun ge mwoya

It's so relaxing to the point na napapakanta narin  kayo kahit hindi niyo masyadong kabisado yung kanta at hindi masyadong alam yung pronunciation ng lyrics sa kanta? It's so cool. 

Kkwak jaba nal deopchigi jeone
Nae mami neol nochigi jeone
Say what you want
Say what you want
Niga jinjjaro wonhaneun ge mwoya

Ilang centimeters nalang ay mararating ko na yung classroom ko ng biglang... *BOOGSH*

May bumanga  sakin! Oh My!

Binangga ako ng isang lalaki, yung nandoon sa classroom kanina. Nanlisik ang mata ko nang tinitigan ko siya. At ayos din ah? Inaasar ata ako ng kantang 'to, nasa favorite part ko na kasi yung kanta eh. 

Doegopa neoui oppa
Neoreul hyanghan naui maeumeul wae molla
Nareul moreun cheokhaedo chagaun cheokhaedo
Neol mireonaejin motagesseo.....

Hindi ko parin siya tinatantanan, binigyan ko siya ng deathly glare. Aish! Kaasar naman oh. Wala na akong ibang choice, kasi nga diba , ayoko ng AWKWARDNESS term.

Doegopa neoui oppa
Neoui namjaga doel geoya dugobwa
Naui maeumi nege datorok
Jigeum dallyeogal geoya.........


Lalo akong naasar noong nginitian niya ako bigla with matching kaway-kaway at , "Hi!"

Eh? Who you?!

To Be Continued.....





My #Zero EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon