Chapter 4

31 3 0
                                    

                                                         (Seniah Melanie Dy's P.O.V)

"Sino ka?" , gulat kong sabi.

Aatakihin na 'yata ako sa puso nito.

"Si Zero, 'yung lalaking nakita mo kanina." , sagot niya naman.

Heto naman oh parang galit lang? Eh joke lang naman 'yun. .Diba? Diba?

"That was only a joke,  Mr. Zero" , sabi ko with my funny british accent. Actually, kinakabahan na ako ngayon. Waah!

"Wala akong pake. Iniintroduce ko lang naman yung pangalan ko sa'yo eh" ,sagot niya with matching evil smirk.

Sana hindi nalang kami lumayas sa probinsya, miss ko na roon. Hindi ko gusto rito kasi parang may mangyayaring masama. Nakakaiyak.

Nataranta naman ako nang lumapit siya sa'kin at natakot ako roon kaya sumigaw ako ng malakas para lumayo siya.

"AAAHHH!!!"

Nahiya ako pero saktong-sakto na pumasok naman si Ma'am Gram  sa room kaagad, kaya go on with the flow. Gagawin ko 'to para sa ikabubuti ko.

"A-AH! Magandang umaga Ma'am Gram, kamusta na po kayo?! Ang sakit ng tiyan ko kaya pupunta muna ako sa banyo ha?!" , tumakbo ako paalis ng classroom kahit hindi pa ako sinasagot ni Ma'am Gram at habang papaalis ako sa classroom ay nakita ko ang mukha ni Zero na naka-'anong-nangyari-ng-babaeng-yan-look'.

HA! Akala niya matatalo niya ako ha? Ako kaya si Seniah Melanie Dy! The girl who's always on the loose pero hindi natatalo kasi hindi naman ako nagpapatalo. Gets?


Naglakad ako ng mabilis. Wala akong pakealam kung may mabangga man ako o wala basta makakatakas ako sa Zero'ng 'yon. Argh. Gosh. Expect nga naman the unexpected. Hindi pa rin ako humihinto sa paglalakad ng may nabangga akong tao. Oo , tao.

"Aray! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!" , sabi nang nabangga ko sa'kin. Aba't! Tignan mo 'to, kapal! Pero, may karapat din naman siyang ganyanin ako.

"Sorry po ha, hindi ko naman po sinasadya eh." ,magalang kong sabi sa kanya. Tinitigan niya ako at napatawa naman siya ng mahina. Hala! Sinapian na 'yata ang isang 'to. Juice colored!

"Haha! Ikaw pala 'yung babae kanina sa hallway? " , aniya. Tumango naman ako sa kanya. Tiningnan ko 'yung mukha niya at nalaman ko na siya si....

Siya si...

'Yung eyeglass student kanina sa hallway! Badtrip naman oh, nagkita na nga kami ng Zero na 'yun at ngayon naman si eyeglass student. Sino na naman kaya ang susunod?

"Bakit ka ba kasi nagmamadali ha? Tignan mo tuloy, nakabangga ka ng tao. " , aniya. Hindi pa rin ako nakaimik. Kinagat ko lang ang labi ko pero inamin ko rin naman kung bakit ako tumakbo.

"A-ano kasi. M-masakit 'yung tiyan ko and kailangan ko lang naman pumunta sa clinic para uminom ng gamot." ,mahina kong sabi. At nakita ko na habang nagpapaliwanag ako ay binigyan niya lang ako ng malamig na titig na siya lang namang ikinatindig ng balahibo ko.

A-anong g-gagawin niya sa'kin? Ba't ganyan siya makatitig? Waaah!

Nang tinititigan niya pa ako ay nagpaalam na ako sa kanya kaagad ng hindi hinihintay ang kanyang 'bye bye' rin sa'kin. Mahirap na! Baka rapist 'yon. Lumiko ako sa may clinic para naman kung sakaling susundan ako ng lalaking 'yon ay maniniwala 'yon sa'kin. Kaya heto ako ngayon na nasa harapan na ng pintuan. Hinawakan ko 'yung golden door knob pero hindi ko 'yun inikot. Tumingin muna ako sa direkyson kung saan ako lumiko kanina at buti naman na wala akong nakitang eyeglass student. Mabuhay! Dali-dali kong inalis ang kanang kamay ko sa door knob at pumihit patungo sa playground at nag-relax. Maganda ang playground dito dahil palaging tahimik,masarap din gawing tambayan.

"Aha-ha-ha-ha-ha! Ako ay parang si Superman at ako aya-a-a,ba't ka tumitingin....", sabi ng lalaking biglang bumungad sa background ko. May paikot-ikot movement pang nalalaman ang isang 'to at parang lumilipad din ito, feeling superman talaga.

"Ako ba ang tinatanong mo?"

Tumingin ako sa kaliwa't kanan at nakita na ako nga lang ang nandito at 'tong lalaking 'to rin pala kaya sinabihan ko siya, straight to the point.

"...para ka kasing baliw ehh. Ano ba 'yan, 'yung 'super-superman mo?", nagtatakang tanong ko kay superman-kuno. Tama, SK na ang call sign ko sa lalaking 'to.

"Nagpa-practice lang para sa isang declamation contest next, next week.", sagot naman niya sa'kin.  Wow, declaimer pala ang isang 'to. Cool!

Habang tinitignan ko yung si SK ay hindi ko namalayan na may babaeng biglang sumulpot sa gilid niya. And base sa mukha nilang dalawa, mukha silang ano --- parang "identical twins"! Ohh.

"Ah! Siya nga pala.", ani niya sabay turo sa babaeng nasa gilid niya

"Kapatid ko."

"Identical twins?" 

"Oo. Ako nga pala si Paul. Siya si Maria.", masayang ani niya sa'kin. Sabi ko na nga ba't identical twins 'tong dalawang 'to eh. Ang galing ko talaga! I'm an observant kind of girl nga naman. Well.

"Ikaw anong pangalan mo?" Nagitla ako nang nagtanong si Maria sa'kin. Akala ko silent type siya na babae or like pipi kasi nakangiti lang siya 'nung bigla siyang sumusulpot na para bang mushroom.

"Seniah Melanie. Mel nalang 'yung itawag niyo sa'kin." Ngumiti ako sa kanila kasi kanina pa sila ngumingiti sa'kin kaya gagantihan ko nalang din sila ng ngiti para hindi A W K W A R D.

Kaya pagkatapos 'nun, for 10 minutes, nag-usap kami at ang maganda pa roon ay hindi ako nakasali sa introducing of whatosever thing.

Nagpaalam na ako sa kanila at bumalik na sa classroom.

Umupo ako sa upuan tapos tinignan ko si Zero na parang galit pero tumatawa siya ng mahina at walang paki sa ginawa kong reaksyon sa ginagawa niya. Weirdo.

Ilang oras na ang nakalipas ay nag-ring na ang bell.

Kaklase kami ni Zero at ni eyeglass student pero hindi ako masaya roon kaya salamat naman at tapos na ang klase dahil wala na ang mga mambwi-bwiset sa'kin. Thank goodness.

"Um, sige mauna muna kayo kasi' I'll get my things first, hindi kasi ako nag-ready kanina, sensya na.", ani ni Rachel sa'min. Tumango naman kami ni Lester pero hindi ibig sabihin 'nun na hahayaan lang namin si Rachel 'noh, there's something stinky kasi kaya sinundan namin siya.

"Pumunta nalang tayo sa bahay niyo."

Huminto kaming dalawa sa pagsunod kay Rachel at bumalik nalang sa hallway.

Pumunta nalang kami ni Lester sa bahay ko.

"'Yung lalaki kanina sa hallway...", ani ni Lester.

"Ano?", tanong ko.

"Diba siya 'yung nakita natin sa mall 'yung si wrong 'Mr.Allan'? ", ani niya.

Teka, oo nga ano? Pero hindi ko siya kilala, hmm, parang close kami noon dahil familiar siya....

Familiar si...

Si Zero.

To be continued....

My #Zero EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon