TGH Special 2.: Marcus and Jenina

37.1K 759 18
                                    

TGH Special 2.: Marcus and Jenina

Jenina's POV

"Ethinaaaaa!!! Huwaaaa!!!"

Ngumangawa akong pumasok ng bahay nila Ethina. Pagpasok ko naupo ako sa harap niya. Pinatahimik niya ako dahil tulog pala si Sanjun Jr.

Humihikbi hikbi pa ako sa harap niya habang pinupunasan ang luha ko. Napatingin naman ako sa kanya ng marinig kong bumubungisngis siya. Sinamaan ko siya ng tingin at kinuha ang isang pillow sa sofa at binato sa kanya.

"Oo tama 'yan pagtawanan mo ang kaibigan mong umiiyak!" Singhal ko sa kanya. Hindi naman na siya nagpigil ng tawa at humagalpak na sa kakatawa. Naningkit ang mata ko't tiningnan siya ng masama pero naluluha pa rin ako. "Ethina na naman eh." Maktol ko't tinakpan ng dalawang palad ko ang aking mukha tsaka umiyak pa ulit.

"Hoy tumigil ka nga, baka magising ang anak ko." Sita niya sa akin. Tinanggal ko ang pagkakatakip ng palad ko sa aking mukha at tiningan siya habang umiiyak pa rin. "Bakit ba kasi? Anong nangyari friend?" Tanong niya pero nakangiti pa rin.

"Si Marcus kasi!" Sigaw ko pero pinatahimik niya naman ako dahil baka nga magising ang bata. "Sorry, eh kasi naman Ethina, yung kolokoy na 'yon. Nakakainis!"

"Eh ano na naman bang ginawa sayo? Sinungitan ka na naman ba? Pinahiya? Sinigawan?" Tanong ni Ethina, natulala naman ako sa mga sinabi niya at napaisip.

"Sandali, bakit mo alam na ginagawa sakin ni Marcus yan?" Naguguluhang tanong ko.

"Wala, na-kwento kasi sa akin ni Sanjun yan. Ganun pala talaga si Dr. Marc, allergic sa mga babae." Sagot naman niya.

"Allergic? Anong allergic, eh kung makipagtukaan nga kanina sa office niya, eh walang hiyang doctor." Maktol ko. Nagtaka naman si Ethina sa sinabi ko.

"Ano? Sinong nakipagtukaan? Manok na ba si Marcus? Wait, nakikipaghalikan si Dr. Marc sa manok?"

"Tonta! Hindi, may kahalikan siya kaninang girl...nakakainis Ethina! Ang tagal tagal ko ng pinagnanasaan ang labi niya pero naunahan ako ng babaeng 'yon!" Nagwala na ako.

"Eh kasi nga ayaw sayo ni Marcus." Natigilan naman ako sa sinabi ni Ethina.

"Salamat sa encouragement ah." Sarkastikong sabi ko. "Pero hindi, alam ko magugustuhan din ako ni Marcus babes ko."

"Aba, yan ang spirit!" Puri niya't pumalakpak pa. Bigla ko namang naalala ang nangyari kanina sa office ni Marcus.

"Ay teh, knowing mo na?" Tanong ko sa kanya. Nakita ko namang nagtaka siya sa sinabi ko.

"Huh? Ang alin?" Pinalapit ko sa akin at may binulong. "Ano what? Di nga?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo day! Mas maganda pa sa atin ang ex mo!" Natawa naman ako "Akalain mo? Hinayupak na baklang 'yon?"

"Hay nako, buti na lang talaga nahuli ko siyang may kahalikang hipon, naku kundi baka hanggang ngayon bangko pa rin ako ng baklang 'yon."

"Tama!"

Bigla namang nag-ring ang doorbell nila Ethina. Sabay kaming napatingin sa pinto. "May tao 'te" Sabi ko.

Tumayo naman si Ethina para pagbuksan ang nag-doorbell. Pagpasok ni Ethina, kasama niya na si Siren.

"Uy, ikaw pala 'te!" Bati ko kay Siren.

"Napapunta ka Siren?" Tanong naman ni Ethina sa kanya. Pansin naming naguguluhan naman si Siren at parang balisa't di mapakali.

"May nangyari ba?" Tanong k okay Siren. Humarap naman sa amin ni Ethina si Siren na nakanguso.

"Hoy Ethina! Turuan mo akong magluto ng chicke cordon bleu!" Sigaw ni Siren na nagpatahimik sa amin ni Ethina. Nabigla naman kami kay Siren na kumpyansang gustong matutong magluto.

"Aba 'te, anyare?" Tanong ko. Nagbuntong hininga naman sya at parang nalungkot.

"Nakakainis kasi si Shawn, palagi niyang sinasabi yung luto ni Ethina na chicken cordon bleu." Asar na sabi niya. "Kaya turuan mo ako!"

"Hay naku Siren, kung alam mo lang, di ba nga maalat yung naluto ko noon!? Nilait mo pa nga eh." Sagot naman ni Ethina sa kanya.

"Sandali, ako Siren tuturuan kita, pero sa isang kondisyon." Sabi ko kay Siren. Nagtaka naman siya sa sinasabi kong kondisyon.

"Ano naman yung Jenina?" Mataray niyang sabi.

"Ikikwento mo sa akin si Marcus, basta yung mga tungkol sa kanya. Please!"

"Yun lang pala eh gawin natin yan habang nagluluto. Tara!"

Pumunta na kaming tatlo sa kusina nila Siren at Ethina. Namili pala ang lokaret ng mga ingredients bago pumunta dito. Habang nag-pi-prepare kami. Nagkikwento naman si Siren ng mga tungkol kay Marcus.

"Noong highschool kami, mailap na talaga sa babae si Marcus, pero maraming nagkakagusto sa kanya. Ako lang nga yata ang babae na kinakausap ng matino nun, yung iba kasi naming kaklase, sinusungitan niya. Madalas tahimik lang siya, at bilang lang sa daliri ang mga oras na ngumiti siya." Kwento ni Siren. Tulala naman ako sa habang naghahanda ng chicker cordon bleu. "Tapos, noong fourth year kami, nangligaw si Marcus."

"Ano?" Nabitawan ko ang hawak kong chicken breast at napasigaw. "Sinong hitad yan?"

"Ang OA mo Jenina, patapusin mo muna." Saway naman ni Ethina. Huminahon naman ako.

"Niligawan siya ni Marcus, pero pinaasa niya lang si Marcus." Nabigla naman ako sa sinabi ni Siren. "Kaya simula 'non. Di na nangligaw si Marcus at tinuon na lang ang sarili sa pagaaral at sa aming apat nila Shawn at Sanjun. Hindi naman siya naging mailap sa amin, pero sa mga babae, naging mailap siya't naging masungit."

"Pero doctor?" May pang-aasar na tanong ni Ethina.

"Dahil kasi sa medicine field kilala sila Marcus. Sila ang mga private doctor namin nila Shawn at Sanjun."

Napatahimik ako, ngayon. Alam ko na kung bakit ganun nga siya.

"Pero may balak naman siyang mag-asawa right?" Tanong ko.

"Honestly, sabi niya wala." Sabi ni Siren. Pagkarinig ko nun, parang nabasag ang puso ko. Para akong tinapakan. Nawala naman ang pagdadrama ko ng tumawa si Ethina.

"Ay friend, talo ka na!" Aniya habang natatawa.

"Hindi." Natigil naman sa pagtawa si Ethina. Tiningnan ko siya ng seryoso. "Magugustuhan din ako ni Marcus! Itaga niyo yan sa bato!" Sigaw ko't tinaga ng kutsilyo ang nakalapag na chicken breast sa chopping board.

To Get HerWhere stories live. Discover now