14. When the Universe Conspires

67K 2K 32
                                    



Limang beses kong inulit ang blueprint na iyon bago tanggapin ni Cole. Basag na basag ang diwa ko, ilang gabi din akong puyat at walang ibang ginawa kundi 'yon lang. Inabot ng isang linggo bago ko nahuli ang gusto niyang disenyo. Mahirap man, aminado akong marami akong bagong natutunan sa kanya. He practiced what he wrote in his books and with so much more insights to give in real life. Kung tutuusin isang malaking blessing sa career ko ang pagtatagpo ng landas namin ni Nicholas Ramirez, he's like the personification of all the books I treasured and adored all my life. Instead of getting the ideas from a cold hard-bound piece of printed sheets, I was now getting it from the hottest piece of celestial god that came right in front of me. I began to think that probably I wanted this to happen so much that even the universe conspired to give me what I exactly longed for.

Pinagmasdan ko ang kulay pink na hello kitty plastic wall decor na nakadikit sa ibabaw ng study table ko. Kapag nakikita ko iyon naaalala ko ang lahat ng kahihiyang ginawa ko kasama si Cole. Kaya siguro pagkatapos ng gabing iyon, at pagkatapos niyang tahiin ng stapler ang skirt ko, hindi na siya lumapit sa akin maliban kung tungkol sa trabaho. Pakiramdam ko pa nga iniiwasan niya ako. Despite his rugged outfit, napaka-professional niya pagdating sa trabaho. At sobrang talino. Hindi nakapagtataka kung iba-iba ang babaeng nakikita kong nag aabang sa kanya sa parking sa tuwing pareho kaming late umuuwi. Cole was a man of the world, GMM siya (gwapo, matalino, mayaman) kaya naman palipat-lipat ng legs na sinisisid gabi-gabi. Mga babaeng may waistline na kasing nipis ng pisi, hindi ko alam kung kompleto pa ba ang mga internal organs nila. Totoo, hindi ko maimagine kung paano sinalansan ang bituka nila sa ganoon kanipis na tiyan. Tapos ang mga legs, ang hahaba pero ang liliit. Hindi sila magsusurvive sa baha, promise!

"Wala kang pakialam!" mariin kong sabi sa sarili ko.

Minasahe ko ang sentido ko habang nakatingin ng diretso sa kisame ng apartment ko. Hindi pwedeng tumigil ang mundo ko kay Nathan, kailangan makahanap na agad ako ng kapalit niya, dahil oo, nagmamadali ako. Matanda na si Eleanor baka mamatay na iyon nang hindi man lang ako nakakabawi sa kanya.

Sinubukan kong isearch ang matanda sa social media, pero ni isang balita tungkol dito wala akong makita. Naglalagi lang talaga ito sa lungga nito sa hacienda, ayaw lumabas ng syudad dahil baka mahingan ng donasyon, napakakunat ng gurang na 'yon.

Nagbrowse ako ng profile ng mga kilalang negosyanteng walang asawa dito sa Pilipinas. Yung iba matatanda na, yung iba bata nga pero hindi naman ganoon kayaman na papansinin ni Eleanor ang apelyido. Kung papatol ako sa matanda mga ilang taon kaya bago iyon mamatay? Gaga. Mura ko sa sarili. Ipinilig ko ang ulo dahil sa nangyari sa amin ni Nathan, alam ko na ngayon na sensitive masyado si Mareng Karma, hindi mabiro baka sa akin na naman bumalik at sapol na naman ako sa mukha.

Pahiga na ako nang tumunog ang cellphone ko. Pangitain ba ito? Hulog ng langit? Hindi ako kakarmahin kapag pinatulan ko? Nagchat kasi si Paul Demontero. Nahanap nito ang account ko sa social media at ngayon ay nagha-hi sa akin. Dapat bang mag-hi din ako sa kanya? Urggh! Pagod na ako gusto ko nang magpahinga. I knew I had dreams but my dreams could wait until tomorrow. Pagod na pagod hindi lang ang katawan kundi pati na ang utak ko. Ibinuhos ko ang lahat ng lakas ko sa nagdaang isang linggo para lang maperpekto ang design ko. Abot langit ang standards ni Cole kaya naman inakyat ko iyon, I took every freakin stair there was para umabot ako sa standards niya. Buti pa sa blueprint umabot ako sa standards, pagdating sa ibang bagay, lalo na sa usapang katawan, wala akong pag asa. Kaya naman tanggap ko na iyon ng maluwag sa aking dibdib at hinding hindi ko na talaga siya pagnanasaan. Kambing nalang ang tingin ko sa kanya ngayon. Hindi na siya isang napakagwapong Spartan warrior, isa nalang siyang kambing. Sa tuwing iniimagine kong kambing siya, nagpa-function ako ng maayos sa harapan nya. Nagagawa ko ng maayos ang trabaho ko. So far effective naman.

Bargain with the Rebel Heartbreaker (Published under ABSCBN Books)Where stories live. Discover now