26. The Seduction Game

71.5K 2.2K 166
                                    


Find out what Isabel has gotten herself into this time:)

Find out what Isabel has gotten herself into this time:)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isabel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isabel. Focus. The road to your dreams is paved with delectable temptations. Maraming kang pagdadaanang pagsubok, aakitin kang mag u-turn, kumaliwa o kumanan para lang hindi makarating sa paroroonan. Ang isipin mo lang lagi ay kung gaano kalaki ang hacienda ni Eleanor. Kung gaano kadaming Rolex ang pwede mong mabili, at kung gaano kaganda sa pakiramdam na mapatunayan mo sa lahat na hindi ka sinungaling. Na isa kang tunay na dugong bughaw, isa kang Imperial.

At si Cole, isang pansamantalang bahagi lang siya ng buhay mo. Huwag kang aasa na ang isang kagaya niya ay mags-stay sayo kapag sinabi mo. Sa dami ng babaeng pinaiyak niya, magaganda at mayayaman, what made you think you're special? Huwag kang lukaret dahil madami nang nahulog sa bitag na 'yan. Mga babaeng tanga gusto ng bad boy, thinking na kapag minahal at inalagaan nila ng lubos ay magiging good boy na. Tangna, fairytale 'yon. Walang ganun sa totoong buhay. Pinanganak ka sa totoong mundo, gising ka sa katotohan. Huwag kang magtulog-tulugan! Hay naku, kung pwede lang na tuktukan ang sarili.

Si Cole ay isang temptastyon. Isang gwapong-gwapo, malaman at masarap na distraction! Gusto ng puso kong dumikit sa kanya pero sinasabi ng utak ko na lumayo na. Nakared alert na si Cole sa sistema ko. Kapag nagpatuloy ako sa ginagawa kong 'to baka makalimutan ko kung ano talaga ang pinaglalaban ko. Dapat kasi sini-sex ko talaga 'tong si Cole para tantanan na ako. Iyon naman ang ginagawa niya sa mga babaeng tapos na niyang ikama di ba? Iniiwasan niya ang mga iyon na para bang biglang tinubuan ng cancer sa mukha. I'm sure pag nag-sex na kami, iiwasan niya rin ako.

Bargain with the Rebel Heartbreaker (Published under ABSCBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon