28. Bitches Don't Cry

72.2K 2.1K 272
                                    

Hindi ako nakareceive ng reply mula kay Cole

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi ako nakareceive ng reply mula kay Cole. Ilang minuto na ang nagdaan, halos lamunin ko na ang cellphone ko sa sobrang katangahan nito. Naturingang smartphone. Bopolsphone yata 'tong sa 'kin. Ang sabi ko sa saleslady hindi ko bibilhin ang lingerie, pero matigas din ang baga ng kaibigan ko hindi ako pinayagan, wala akong choice kundi bayaran iyon. Ang ending, pera ko din ang ginamit ko. Alangang credit card pa ni Cole di ba? Ang tigas naman ng mukha ko kapag ganun. Dalawang bagay lang kung bakit hindi nagreply ang kambing. Una, nasuka siya. Sumakit ang tiyan, nag-collapse. Pangalawa, dedma.

Eh bakit ba?

Nasusuka naman talaga ang kambing kapag hindi damo ang nakahain. Kasalanan ko bang bulaklak ako? Isa pa, kaka-baboy niya sa akin, baka sanay na siya sa nakita niya. Saan ka nga naman nakakita ng baboy na may damit di ba? Kaya dedma nalang. Pero punyemas grasyas. Nakakahiya kahit ano pang idahilan ko. Nakikita ko na ang tawa sa mukha ni Cole. Dugong. Elepante. Dinosaur. Naisip ko na kung anong mga karumal-dumal na pangalan ang pwedeng itawag niya sa akin. Nakakainis pa naman ang mukha ng kambing na iyon kapag nakangisi, pang-insulto eh! Akala siya lang ang anak ng Diyos! Oo na siya na ang lalaking pinagpala, nung nagsabog ng kaperpektuhan may dala siyang lambat, sinahod niya lahat!

"Ilagay mo 'tong perfume na 'to sa leeg mo. Subtle lang ang amoy nito pero maniwala ka nakaka-arouse 'to ng malala, hindi pa ako pumalya dito. Kailangan mong idikit ang ilong niya sa leeg mo para kabog ang effect!"

Pinag-isipan ko nga ng isang daang beses kong magpapakita pa ako, mang-akit pa kaya?

"Ibaba mo nga 'yang butones ng damit mo! Masyadong nakaangat hindi nakikita ang mamahaling bra." hinila ni Rushell pa ang damit ko nang makabalik kami sa kotse.

"Ibaba mo pa, utong ko na 'yan! Kung alam ko lang na sa tindahan ng pira-pirasong kulambo mo ako dadalhin hindi na sana ako sumama. Hindi naman lamok si Cole na kailangang gamitan ng ganun!" " napahawak ako sa noo. Sumobra na naman ang ilusyon ko, ngayon ang sakit ng ulo ko sa hiya. "Hubarin ko na nga 'to, mamaya magka-AIDS pa ako dito."

"Gaga, nakasatinized yan. Sabi mo sa bahay mo umuuwi si Cole di ba? Isuot mo na. Tapos ngayon, bago dumilim kailangang masilip niya 'yan no. Kailangan maglaway siya ng husto para mamaya pag uwi niyo, init na init na siya sa 'yo!"

Anong masilip? Nakita nga ng buo kaya malamang init na init sa galit ang loko. Ang gayuma nalang talaga ang pag-asa ko.





Pagdating ko sa site, dumiretso ako sa maliit na opisina ko doon. Alam ko na ang gagawin ko dahil nakausap ko na sa telepono ang assistant ni Cole. I'll just go over some things with the foremen, bigyan sila ng instruction tapos pwede na akong umuwi. Hindi ko kailangang magpakita kay Cole. Well, magpapakita naman talaga ako sa kanya, pero hindi sa araw na ito kung kailan fresh na fresh pa ang hiya ko. Kaya naman nang namataan ko siya ay kaagad akong yumuko. Paupo akong naglakad papunta sa lugar na hindi niya kita. Naramdaman ko ang pagkabanat ng husto ng fitted na skirt ko at blouse. Kapag bumigay na naman ang mga iyon, ewan ko nalang talaga. Nang bahagyang nawala na ako sa line of sight ni Cole na busy sa pagmamando sa mga tao niya at pagchecheck ng mga gawa nito ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Napahawak pa ako sa dibdib. Hindi ko inaasahan ang pagtilamsik ng sandamakmak na tubig-putik sa akin nang biglang dumaan sa gilid ko ang isang malaki at dilaw na kotse. Naramdaman ko ang pagsuot ng nakakadiring putik na may halo pang semento sa loob ng damit ko, pati na sa balat! Nanggalaiti ako dahil bawal ipasok beyond that point ang kotse kaya anong kalokohan ang pumasok sa utak ng driver nito? Nakakuyom na ang kamao ko, kahit si Manny Pacquiao pa ang may-ari ng Hummer na kotse na 'yon, boboksingin ko talaga! Para akong nahulog sa kanal pati buhok ko may putik. At ang pagkamahal-mahal kong stockings at underwear sa loob, pakiramdam ko basa din! Lintik! Nanginginig ako sa galit.

Bargain with the Rebel Heartbreaker (Published under ABSCBN Books)Where stories live. Discover now