46. Uncertainty

44.8K 1.5K 80
                                    


Thanks for waiting:D

Thanks for waiting:D

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Dalawang oras pagkarating ng Manila, maaga akong pumasok sa trabaho dahil pagkatapos ng tatlong araw na langit at ligaya, kailangang bumalik sa realidad

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Dalawang oras pagkarating ng Manila, maaga akong pumasok sa trabaho dahil pagkatapos ng tatlong araw na langit at ligaya, kailangang bumalik sa realidad. Sandamakmak ang trabaho kong nakatambak, walang tigil ang tawag ng mga kliyente pati na ng assistant ko, at marami na din akong unopened emails mula sa mga boss. Hindi naman ako pwedeng tumulad kay Engr. Ramirez na kahit maglaho ng ilang buwan pagbalik niya siya pa rin ang nag-iisang tagapagmana. Ako pag naglaho ako ng ganoon katagal, pagbalik ko AWOL na ako.

Nakapagtataka at hindi ako pinagpipiyestahan ng tingin ng mga tao pagpasok ko sa lobby ng building. Ang sabi ni Atty. pinagtsitsimisan akong bagong fling ni Cole. Di ba dapat lumalapit na sila sa akin at makikitsismis din? Mula sa kinaroroonan ko ay nakita ako ang isang pamilyar na babaeng nakikita ko sa mga commercial sa TV. Nakaputing haltered na damit ito, maiksing skirt at sobrang habang biyas. Nakikipagtalo sa reception dahil gustong umakyat sa opisina ni Cole, ayaw payagan. Nakabantay sa likuran ng babae ang dalawa naming security guard dahil malapit na itong magwala base sa ekspresyon ng mukha.

"Look. My baby wants to see me. He asked me to come here!" tunog Latina ang dila ng babae. "You'll regret it if you did not let me through!"

Aba. Baby? Simula ng tawagin akong baby ni Cole gusto kong ako lang ang tatawagin niyang ganoon simula ngayon. Alam kong madami siyang baby noon pero ngayon ako nalang dapat! Nakaoff shoulder akong damit pero gusto kong magtaas ng manggas para sugurin at pitikin sa tainga ang ilusyunadang linta!

Mapagsabihan nga. Lalapit na sana ako pero naunang makalapit sa babaeng iyon si Naomi. Hindi ko alam kung anong binulong niya sa nagwawalang modelo pero natahimik ito at nagtubig ang mga mata. Binalingan ni Naomi ang mga tao sa front desk.

"Sa susunod na may nagwawalang babae dito hinahanap si Cole, call me. I'l handle it." nakangising turan nito na parang pasimpleng pinangangalandakan sa lahat na siya pa rin ang nagmamay-ari kay Cole matapos nilang magbreak! Sinasabayan niya ang tsismis na sila na ulit ni Cole kahit hindi naman totoo. Ito namang si Cole hindi rin tinatanggi!

Kasalanan mo! Sinong gaga ang nagsabi na 'wag ipaalam sa mga ang relasyon niyo? Ikaw din di ba?

Gusto kong pumikit sa lakas ng bulyaw ng sarili kong konsensya sa akin. Naalala kong bago kami umalis ni Cole sa isla, sinabi ko sa kanya na 'wag sasabihin sa iba ang tungkol sa amin. Sumusunod lang naman si Cole sa akin. Hindi niya kasalanan kung sobrang gwapo niya ang daming higad na gustong lumandi sa kanya.

Bargain with the Rebel Heartbreaker (Published under ABSCBN Books)Where stories live. Discover now