The Truth Beyond The Reality

374 3 4
  • Dedicated kay To my friend Rhox who keep in touch even she's away. To all my friends who suppo
                                    

Isa kang simpleng istudyante, paano kung maiba ito dahil sa isang lihim na di mo sinasadyang malaman.Paano kung may sekrto kang nalaman, sekretong makakasakit sa isang taong mahalaga sa buhay mo at naging bahagi na ng buhay mo... Anong gagawin mo?? Sasabihin mo ba para maproteksyonan siya o pababayaan mo na lang.......

YUn nga po pala si Karyll -------------------------->

_______________________________________________________________________________ (3:15 pm)

"KRING!!KRING!!KRING!!"

"Hay sa wakas natapos din ang math" bulong ni Karyll habang humihikab. Para sa kanya kasi ang math ang isa sa pinaka nakakasakit ng ulo.

(Si Karyll o " Karyll Catherine Anderson" ay isa sa mga studyante ng St. Benedick Academy. Siya ay isang junior student . Mayroon siyang kapatid na sophomore, si Cindy. Galing sila sa isang may kayang pamilya...)

"Sa wakas Chemistry na!!!" sigaw ni Paula (kaibigan ni Karyll)."... Makikita ko na ulit si Sir Richard. Yahooo.." dugtong nito.

" Hoy babae, tigilan mo yan.. Ang daming nakatingin sayo oh...", sabi ni Karyll sabay tabig sa kaibigan.

Pinagtitinginan na nga namn siya ng kanyang mga kaklase.....

"Hayaan mo nga sila.. Ang sabihin nila inggit lang sila" , sabi ni Paula sabay irap..

"ikaw tlaga di mo pa tigilan si Sir kita mong may asawa na at mga anak" bulong ni Karyll kay Paula.

"Ano bang magagawa ko kung siya lng talaga ang tinitibok ng puso ko.." sagot ni Paula.

Sa inis, binatukan ito ni Karyll.

"Gud morning, class", bati ni sir Richard habang pumapasok sa classroom nila.

O_O

Nagulat ang dalawa.

Si Paula ay parang natutunaw na margarine sa kinatatayuan habang nakatingin sa guro...

Nagsimula na ang Chemistry..........................................................................................................................

BLAH.BLAH.BLAH.

Pagkatapos ng discussion... ( Uwian na!!!)

Biglang nag-iba ang mood ni Paula..

0_o

Nagtaka naman si Karyll sa kinikilos ng kaibigan. Kaya't nilapitan niya ito.

"Hoy, ano't parang kang lantang gulay diyan???" tanong nito sa kaibigan.

....... (hindi sumasagot si Paula)

Kaya't hinigit na lang niya ito para sabay na silang umuwi pero ayaw nitong sumama kaya't pinabayaan muna niya ito para mag-cool down..

Lumabas siya ng classroom para maglinis sa area nila...

"Karyll!!" ..

Tumingin siya sa likod at nakita niya si Ma'am Gabriella ang adviser niya at the same time teacher niya sa Filipino (asawa ni Sir Richard)

"Yes ma'am" sagot nito habang nalapit ito sa guro...

"Paki dala naman nito sa Sir Richard mo..", sabi ni ma'am Gabriella habang iniabot nito ang isang folder..

Si ma'am Gabriella ang pinakamalapit na guro kay Karyll. Siya ang lagi nitong natatakbuhan pag may problema siya. Kaya't masasabing mahalaga siya sa kanya.

Kinuha ito ni Karyll.. "Sige po ma'am". sabi niya.

"thank you" sabi ng guro

Naglakad na ito papuntang office....

The Truth Beyond The RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon