CHAPTER SIX

4 0 0
                                    

Jaydee Ann

Sobrang dami na ng napuntahan ko at nagpapasalamat ako kay Drake na kahit maypagkamasungit siya. Hindi pala maypagka kundi sobrang sungit niya, eh kasi nagpapa-picture lang ako sa kanya sa isang artista na nakita ko kanina sa daan sino nga ba yun? Ahh si Zac Efron goshhness sobrang gwapo niya sa personal at dahil dun nagpa-picture ako sa kanya ayaw niya naman kaya nag-selfie nalang kami ni Zac. Akalain mo makikita mo lang sa kalsada. Idagdag mo rin yung sinita niya ako ng kuhanan ko ng picture yung waitress sa ice cream shop. Pati narin ang pag sita niya sakin sa pagpasok ko sa kulungan ng mga panda, hindi ko naman kasalanan ang pagpasok dun wala naman kasing tarpaulin or warning. Ay, hindi ko pa pala nasasabi kung saan kami pumunta. Take note ako ang pumili ng destination namin.

First destination namin kanina ay sa beach, yun kasi ang pinaka malapit sa bahay niya at gusto ko rin namang kumuha ng buhangin para souvenirs sa mga friends ko sa Philippines at dahil sa dami ng buhangin kinuha ko sobrang bigat buhatin hindi rin naman kasi ako tinulungan ng lalaking kasama ko nalaman niya kasing nabuhat ko yung maliit na kabinet niya sa kwarto na iniharang ko sa pintuan. Kaya ayon ako lang ang nagbuhat at take note may tumulong sakin magbuhat at dahil isa daw akong princess kailangan daw pagsilbihan ang hindi ko lang maintindihan ng simulan ng buhatin ng lalaki ang isang sako ng buhangin bigla siyang tinulak ni Drake at siya na ang nagbuhat ng sako.

Second destination naman namin ay ang Hollywood, doon ko nakita si Vin Diesel, Tom Cruise, at madami pang iba sadyang kay Zac Efron lang talaga ako nagkaruon ng opportunity na makapagpa-picture masyado kasing mahiyain ang kasama ko. Mukha pa ngang napipilitan siya. At dahil mabait ako hinila ko siya sa isang ice cream shop na nakita ko at doon may nakita akong magandang babae, goshh nakakatibo talaga siya kaso lang ng kukunan ko na siya ng littrato sinaway ako ni Drake at ang dahilan niya baka daw mapuno ang memory ng phone niya, sa kanya kasi ang ginagamit kong cellphone. Kaya wala akong nagawa kundi ang kumain nalang ng kumain.

At ang panghuli naming pinuntahan at kung saan ako nakatayo ngayon kundi ang zoo nila dito, madami naman zoo daw dito sa amerika kaso itong zoo na to ang pinaka favorite niya meron kasing magandang place dito at sa dilim lang makikita ang ganda nito kaya wala na akong magagawa pa kundi ang umupo lang dito sa isang bench at maghintay na gumabi.

Nakakapagod na kasing maglakad lakad kaya humanap na muna ako ng mauupoan. Actually natatakot na ako ngayon kasi nagkahiwalay kami ni Drake kanina kaya hindi ko siya kasama ngayon. Hindi ko rin alam kung paano siya ko-contact-kin kasi nasa akin ang cellphone niya. Bumili kasi siya ng pwede namin kainin at nag-enjoy din kasi ako sa nakita kong mga aso na dala ng isang lalaki kaya sinundan ko ito. Ang layo na ng napuntahan ko bago ko nalamang naliligaw na ako, hindi ko pa naman kabisado ang zoo dito.

Kunti nalang ang mga tao dito sa pwesto ko dahil dumidilim na at ang nakakainis lang kasi mga couple ang nandidito mukha naman kasing magandang spot toh para sa mga couple dahil may malaking puno dito at mga roses sa mga gilid, yung mga roses na malalaki. Gusto kuna sanang umalis dito sa pwesto kaso kung aalis pa ako dito baka mas lalo lang akong mawala kaya maghihintay nalang ako ng isang oras dito at kung wala parin edi aalis na ako, simple as that.

Kinilikot ko na muna ang cellphone ni Drake dahil bored na bored na ako. Pinuntahan ko ang gallary niya, puro view lang naman ang nakikita kong picture at merong isang babae din. Sobrang ganda niya kahit kinuha lang ang littrato sa malayo at ang taas ng ilong niya. Goshness sino kaya toh? Tiningnan ko nalang yung ibang picture dahil nai-insecure ako.

Napadpad naman ako sa mga picture namin kanina, napangiti naman ako ng makita ko ang picture ko sa cellphone niya, hindi ko naman sinabihan siyang kunan ako ng picture kanina ah, ang nakakatuwa pa dito kasi ang ganda ng anggulo ng pagkakuha niya, nakaka-inggit. Nakita ko rin yung mga solo picture ko kanina na pinakuha ko sa kanya, ang gaganda talaga ng mga shot niya. Kinilig naman ng makita ko yung selfie namin kanina na kahit hindi siya naka-ngiti ang gwapo niya parin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 24, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE CAMPUS KING Where stories live. Discover now